Kabanata 28

6.1K 140 1
                                    

CRISZETTE

"Ano bang nangyayari sayo Criszette." malambing na tanong ni Keiron kaya napairap ako sa ere.

Takte habang tumatagal nagiging maldita na ko. Ano yun? Cold Maldita langyaaa astig.

"Takte Keiron anong klaseng trip to." nakabusangot na tanong ko. May pakiramdam ako na isa lang tong bangungot.

"Ano bang pinagsasabi mo Wifey? Di kita pinagtritripan." aniya

Eh? Takte nasaan ba kasi ako. Tengene baka masapak ko to pag nagkataon.

"Lumabas ka. Labas." naasiwang sigaw ko kaya ayun napanguso siya tsaka lumabas.

Naiwan akong naguguluhan at puno ng tanong. Kailan pa ko nainlab kay Keiron? 

At kailan pa kami nagkaanak. Takte naman nasaan ba ko?

Mariin kong pinagmasdan ang bawat sulok ng kwarto. At inisip kung paano nangyaring napunta ako dito eh samantalang galing akong gubat at kasama sila Mommy at Kuya. Tapos in just a snap may anak na ko.

Ano ba talagang nangyayari? Pilit kong inaalala.

Ng bigla kong maaalala na kasalukuyan akong kinokontrol ng sarili kong mafi. Paktay na mabibiktima pa ata ako ng illusion mafi. Hala ka? Sabi na nga ba eh di totoo tong nakikita ko eh.

"Ina." biglang sulpot ni Kyline.

Isa pa tong problema ko? Itong batang to. Anak ko pala to in the future takte ayoko mangyari to. Di ko hahayaan.

Nilapitan niya ko kaya ningitian ko siya. Ayoko naman pagsungitan tong anak ko.

"Ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"Pinapasilip ka ni Itay." nakangiting sagot niya.

Kailan ko ng makabalik? Kailan kong malaban ang sariling illusion na ginawa ko.

"Ah sige." maikling sagot ko. Paano ba ko makakabalik sa training room tsk. Takteng mafi na to kung saan-saan ako dinadala e.

"Sige nay pahinga ka muna. Labas na muna ako." paalam niya. Tumango naman ako bilang sagot ngumiti muna siya bago tumalikod at umalis.

Nasaan naman kaya ako mamaya? Pinikit ko nalang ang mata. Pagmulat ko nasa ibang dimensyon na naman ako. Pinaglalaruan ata ako ng mafi na to? Takte di ako natutuwa.

Ngunit ang isa ay naiiba dahil isang senaryo ang nakikita ko ngayon. Isang  Reyna Isang Prinsesa at isang Mortal. Sino tong mga to?

Parang hinahabilin niya yung anak niya. Sanggol pa ito.

 "Jasmine handa kanaba?" a woman asked her.

"Yeah. This is the perfect thing to do. Ang lisanin ang mundong ito ng aking anak." malungkot na sagot ng reyna.

"Jasmine bakit kailangang ilayo mo ang anak mo sa iyo." a woman asked with full of curiousity.

Di naman ako chismosa so anong ginagawa ko dito?

"Jasmine? I think this is wrong move." bakas sa boses ng isang mortal na di siya sang-ayon sa gusto ng Reyna.

"Eto ang nakikita kong tama. So please take care of her. She is Princess of our world. Sa tamang panahon sabihin mo sakanya lahat pero sa ngayon please I'm begging you hide her identity." may bahid na lungkot sa boses ng Reyna pero kailangan yang ipakita sa mortal na ito na eto ang tama.

"I need to go back on our world. Please take care my daughter." sabi niya at biglang naglaho. Kaya di na nakapagsalita ang mortal.

Anong kinalaman ko sa sanggol na to? Nagulat ako sa liwanag na sumakop sa paligid nasa gubat na ulit ako. Ng may marinig akong nagsisigawan.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now