Kabanata 68

3.4K 96 6
                                    

Ang batas sa Normsantandia

CRISZETTE

Konti nalang nararamdaman kong malapit na kami sa kaharian ng aking ina. Dahil nagpatulong ako sa brilyanteng hawak ko ang brilyante ng aming lahi batay sa inilahad samin ng Prof namin noon. Nung nag-aaral pa ko sa Academy.

Kamusta na kaya si Kuya?

Don't worry Kuya babalik ako. Babalikan kita para magpaalam. Napangiti ako ng mapait. At napahawak sa pagod na tuhod ko. Sa layo ba naman ng nilakbay namin. Buti na nga lang ay maliwanag pa. Sa tansya ni Headmistress Grace ang Kaharian daw ng Ainabridge ay umaabot sa limang oras na paglalakbay kung lalakarin mo ito. Binigyan naman kami ng map ni Headmistress pero di pa rin sapat yun kaya nagpatulong ako sa brilyante.

Pero may isang bagay ang patuloy kong pinagtataka dahil nung pumunta ako sa dorm namin nakita ko si Stacey na tulala na animo'y may pinagdadaanan bakas sakanyang mukha ang matinding pagdadalamhati. Kaya imposibleng ako yun.

"Guys napansin niyo ba kung gaano kalungkot yung mukha ni Stacey kanina." biglang tanong ni Cheena sakin. "Di ko maiwasang mag-alala sa kalagayan niya gayung di mo siya nakausap Zette." dagdag niya pa.

Kaya napalingon ako sakanya.

"Napansin ko din yun gustuhin ko mang damayan siya pero hindi ito ang tamang panahon para don. Let's pray for her na malagpasan niya kung anumang pinagdadaanan niya." puno ng pag-asa na sabi ko sakanya. Lumapit naman siya at tinapik ako sa balikat.

"Sana nga Criszette dahil nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Stacey dahil magkapatid kami at iisang Ina at Ama ang pinagmulan namin." usal pa ni Cheena.

"Kaya nga dalian na natin para makabalik tayo sa Academy. Gusto ko ng makita si Christian at nais ko na ring makabalik sa mundo ng mga tao." sabat ni Gabby tsaka nauna  na.

"Talagang mahal na mahal niya ang Kuya ko." natatawang sabi ko.

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng away sa pagitan namin noon at pader ay nagkakasundo kami ngayong tatlo kahit nabuhusan ko ng juice si Gabby noon.

At nakakatuwang isipin na kahit sandali lang nakilala ko sila.

Nakilala ang tunay na Gabby at Cheena.

Sa palagay ko after ng nangyri noon sa canteen ay biglang naglaho ang mga plastik niyang kaibigan dahil wala na silang mapapala kay Gabby.

Paano ko nalaman?

Wala lang hula ko lang.

Habang naglalakad biglang nag-iba ang pakiramdam ko sa paligid at may biglang pumasok na imahe saking isip.

At ang imahe na iyon ay naglalaman ng isang babae ang nagmamasid at nakasunod namin ngayon.

Kaya agad akong naalarma at pinahinto ang dalawa sa paglalakad. Bagot namang lumapit si Gabby.

"Bakit kayo napatigil? Anong meron?" takang tanong niya.

"Psh wag kang maingay. Dahil may nakamasid satin tayo ngayon."  saway ko sakanya kaya wala na siyang nagawa kundi manahimik kaya pinagpatuloy ko ang pakikinig sa yabag at kaluskos ng dahon na naririnig ko.

At batid kong malapit na siya samin.

Shit anong gagawin ko?

Agad ko namang sinenyasan ang dalawa na magtago.

Nagtataka man sila ay sinunod nalang nila ako.

At di ako sigurado kung magagawa ko silang iligtas. Dahil di ko alam kung anong klaseng mafians ang papalapit samin.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now