Kabanata 61

3.5K 110 1
                                    

CRISZETTE

Alam ko na. Alam ko na kung sino ako. Hindi ako isang simpleng mafians lang dahil natatangi ako.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na umiiyak.

Bakit kailangang ako pa?

Bakit ako pa?

Oo alam ko na lahat.

Ng bigla kong maalala yung pinakita sa akin ni Bathalang Eumee.

An Illusion

"Maligayang pagdating sa Ainabridge Sandiwa." nakangiting sambit ng babae na itinaas pa ang sanggol.

"Ang tagapagmana ng Ainabridge." nakangiting usal ng Ina ng sanggol.

Ng biglang dumating ang Hari ng Britania ang Ama ng sanggol.

"Aking anak." naiiyak na usal ng Hari ng Britania.

"Ano ang kanyang ngalan?" tanong ng babaeng nagpaanak sa Reyna.

"Jewel ang kanyang ngalan." nakangiting sambit ng Reyna.

Nakangiti silang tiningnan ang bagong sanggol na iniluwal ng Reyna ang sanggol na tatapos sa lahat.

Ang sanggol na yun ay ako.

Lubos na ang kanilang kasiyahan ng biglang sumulpot ang isang napakagandang diwata na animo'y isang diyosa.

"Bathalang Cassandra." usal ng hari.

"Ina." usal naman ng Reyna. Naglakad papunta sa kanila ang Bathala tsaka hinagkan ang sanggol.
"Bakit ka naparito Ina?" tanong ng Reyna sa tinawag niyang Ina.

"Naparito ako para sa isang babala."

Napuno ng kaba at takot ang mukha ng Reyna at Hari.

"Ano ito ina? Anong klaseng babala."  puno ng kaba na usal ng reyna.

"Maari bang isarado niyo ang bintana at pinto ng silid na ito at palabasin ang mga alipin at kawal na narito maging ang kumadrona." usal ni Bathalang Cassandra.

Narinig naman ito ng mga kawal at alipin tsaka isa-isa silang umalis.

Ng ang Reyna at Hari at ang sanggol nalang ang natira sinimulan na ng bathala ang pakay.

"Binabalaan ko kayong ilayo ang sanggol na yan dito sa Normsantandia dahil batid ng mga Darks ang ukol sa propesiya na nakatakda sa sanggol na iyan."

"Pero Ina? Ayokong malayo sa aking anak." usal ng Reyna.

"Pero eto ang nararapat Jasmine. Dahil pag pinabayaan mo at sinuway ang nakatakdang mangyari at baguhin mo ito. Maagang matatapos ang buhay ng sanggol na iyan." ani ng Bathala.

Napahugot ng malalim na hininga ang hari at reyna.

"Ngayon din Jasmine dalhin mo sa lugar na masisiguro nating magiging maayos at walang makakasunod sakanya." labag man sa kalooban ng hari wala siyang magagawa kundi humantong sa ganung desisyon.

Ng maalala ko ang bagay na iyon muli akong naiyak. Ako pala si Jewel ako ang prinsesang hinahanap at tinutugis ng mga Zaynadarks.

Ako ang prinsesa ng Ainabridge.

Ang nakatakdang tumapos sa lahat.

Ang nakatakdang magpabagsak kay Israel.

Pero bakit? Di ko magawang makatakas dito. Kung ako nga. Kung ganun napakawalang silbi ko naman ata.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon