Kabanata 42

4.6K 131 3
                                    

The day after Criszette's birthday..

JASMINE

Ng makabalik ako sa palasyo di na mapakali ang isip ko. Kaiiisip kung bakit di ko na matagpuan sila Shami sa tirahan nila sa mundo ng mga tao. So tama hinala ko nandito na ang anak ko sa Normsantandia. Kung ganun ay dapat mahanap ko na siya bago pa ko maunahan ni Israel.

At kailangang malaman ni Renxo to.

"Saan ang iyong tungo mahal na reyna." biglang sulpot ni Jenica ang bunso kong anak.

"Sa iyong ama anak. Dahil nanggaling ako sa mundo ng mga tao at di ko matagpuan dun ang iyong kapatid." sabi ko tsaka nakaramdam ng kaba ang buo kong pagkatao.

"Paanong di mo siya natagpuan Ina." nagtatakang tanong ni Jenica sakin.

"Wala na sila sa dati nilang tirahan at isa lang ibig sabihin nito. Nandito na ang iyong kapatid sa Normsantandia."

"Kung ganun ay dapat tayong maalarma." sabi niya sakin.

"Sige na Jenica bumalik ka na sa Tita Gems mo. At ako ay magtutungo na kay Renxo." sabi ko tsaka naglaho na parang bula.

Britania

Bumungad sakin ang maaliwalas na paligid ng Britania.

Kay gandang paligid. Naglulutangan ang mga luntiang halaman.

Ng makarating ako sa bulwagan ay nakita kong nakaupo si Renxo sa trono niya kaya agad ko siyang nilapitan.

"Bakit ka nandito Reyna Jasmine." nagtatakang tanong niya.

"Dahil sa isang mahalagang balita na dapat mong malaman." sagot ko sakanya.

"Ano naman iyon?" tanong niya. At napatayo sa pinagkakaupuan niya.

"Nandito na sa Normsantandia ang panganay nating anak."

"Paano nangyari yun. Nasaan naman kaya siya? At paano mo nalaman na nandito na siya." natatarantang tanong niya.

"Galing kasi ako sa mundo ng mga tao kanina. At napagtanto kong wala na sila sa dati nilang tinitirahan."

"Di kaya dinala na ni Shami ang anak natin sa Academy."

"Maaaring Oo. Pero maaaring hindi."

"Pero kung nasa Academy siya ay paniguradong inaalagaan siya ng mga headmistress doon." dugtong pa niya.

"At hawak na ng ating anak ang brilyante kaya kinakabahan ako." sabi ko pa sakanya kaya maging siya ay nakaramdam ng kaba.

"Kung ganun ay kailangang matagpuan natin siya sa madaling panahon."

"Sige na kailangan ko ng umalis kailangan ako ng Ainabridge." paalam ko sakanya.

Aalis na sana ako tuluyan ng bigla niya kong yakapin.

"Hanggang kailan ganto ang pamilya natin Jasmine. Hanggang kailan." pagsusumamo niya. At niyakap pa ako ng mahigpit.

"Hangga't naghahari sa buong Normsantandia si Israel." malungkot na sagot.

"Pero hanggang kailan Jasmine." sabi niya at hinarap ako sakanya.

Marahan kong hinawakan ang pisngi niya tsaka ngumiti.

"Pagnatapos na lahat Renxo." sabi ko tsaka ngumiti. "Sige na aalis na ko Renxo kailangan ako sa palasyo at kailangan ko din asikasuhin ang paghahanap kay Jewel." sabi ko tsaka ningitian siya.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now