Kabanata 36

5.3K 135 3
                                    

(A/N: Bigyang buhay naman natin ang character ni Andrei puro nalang sila Criszette eh)

In the memories of her

ANDREI

Malungkot kong binaybaybay ang daan papuntang kwarto ko. At napangiti ng mapait ng makita ang picture ng kakambal ko.

Ang tagal mo ng wala pero heto ako di pa nakakamove-on.

Umupo ako sa upuan na nasa harap ng table kung saan nakapatong ang frame.

"Kambal kamusta kana? Pasensya kana ha hindi ko nakuha ang pagiging matapang mo.Isa akong malaking duwag kambal. Kasi di man lang kita nailigtas noon. Kambal hanggang ngayon pinagsisihan ko ang pagkawala mo. Bakit kailangang ikaw pa?" sabi ko habang hinimas-himas ang litrato.

Walang ibang nakakaalam na may kakambal ako maliban sa dalawang tao.

Headmistress Grace at Mika.

Agad kong iwinaksi sa isip ko ang galit na namumuo para sakanila. Tsaka muling hinarap ang sarili sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

"Drei kailan ka babalik sa dati?Yung dating ikaw." malungkot na sabi ko tsaka hinawakan ang mukha.

Kailan ka ulit ngingiti?

Kailan ka ulit tatawa?

Pero mukhang imposible na mangyari yun. Dahil alam ko namang mamatay ako sa pesteng digmaan na yan. Pero sisiguraduhin kong bago ako mamatay mauuna si Israel. Uunahin ko siya.

Peste siya.

Biglang nagbalik sa alaala ko paano ko nasaksi ang pagpaslang niya sa kapatid ko.

Back when 17 years ago ang unang digmaan. Sa pagitan ng Ainabridge at Zaynadarks.

Madaming napaslang madami dahil base sa kwento kwento ay gustong paslangin ni Israel ang panganay ni Reyna Jasmine dahil eto raw ang tatapos sa buhay niya pagdating ng panahon na siyang nakasulat sa propesiya.

Biglaan ang pagsugod ng mga Zaynadarks walang nakapaghanda dahil lahat ay nabigla.

Pareha kaming limang taong gulang ng kakambal ko nun.

17 years ago..

Throwback.

"Drei umalis na kayo ng kakambal mo." sigaw ni Ama sakin.

"Pero Ama paano kayo?" tanong ko habang hawak sa kamay ang kapatid ko.

"Drei wag mo na ko isipin matanda na ko. Kayo ang iniisip ko Drei kaya nakikiusap kong sumunod ka nalang sa sinasabi ko."

Kahit naguguluhan ay sumunod ako.
At hinila ang kakambal ko palabas ng bahay.

Kaming tatlo nalang ang magkakasama sa bahay nung mga panahon na yun ng sumiklab ang unang digmaan.

Ang aking Ina ay nasa Ainabridge at ganun din si Ate.

"Drei saan tayo pupunta." tanong niya sakin.

"Di ko alam pero wag kang bibitaw sakin." sabi ko tsaka hinila siya.

Dahil nakakarinig na kami ng mga pagsabog sa paligid.

"Drei natatakot ako." sabi niya tsaka hinigpitan ang kapit sakin.

"Di kita pababayaan tulad ng bilin ni Ama."

Pilit kong nilalakasan ang loob ko para maging matatag pero sa totoo lang natatakot na din ako.

Dahil walang katiyakan kung sino ang makakasalubong namin maaaring ang mga alagad ni Israel ito.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now