Kabanata 44 - Christmas in Normsantandia 2

4.2K 121 2
                                    

CRISZETTE

Di pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko na ulit ang maingay kong bestfriend.

"Maligayang pasko Criszette." nakangiting sigaw niya.

Nagulat pa ko ng biglang yakapin niya ako.

"Di mo ba ko namiss Unique." nakangising tanong niya ang kaninang gulat na mukha ko ay napalitan ng inis.

At sinamaan siya ng tingin.

"Gusto mong mabalian ng buto Stacey." inis na singhal ko sakanya.

"Chill kalang. Ganto ka ba magwelcome Criszette ha.Ganto ba." parang bata na atungal niya.

"Di ganyan umasta ang isang Sandiwa Stacey." sabi ko tsaka tinaasan siya ng kilay.

"Galit ka ba sakin."  parang batang tanong niya.

"Sa tingin mo Stacey." iritadong sambit ko. Di ko maiwasang di mainis sa ginawa niya eh.

"Ih. Sorry na." pangungulit niya.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang sumulpot si Andrea at Kuya.

Halos manlaki ang mata ni Stacey dahil di siya makapaniwalang nasa harap niya ngayon si Andrea.

"A-andrea. Ohmygahd I miss you." sigaw ni Stacey at tsaka sinunggaban ng yakap si Andrea.

"Hoy gaga ka di ako makahinga." singhal ni Andrea sakanya.

Kaya agad na humiwalay si Stacey na nagkakamot pa ng ulo.

Ayan na naman silang dalawa.

"Ang ingay niyo." singhal ni Kuya sa kanila.

Papahuli ba si Kuya. Siyempre hindi.

"Wag ka na makisali Ursula di tayo bati." parang bata na sigaw ni Stacey kay Kuya.

"Hala ka. Christ di daw kayo bati." natatawang nang-aasar na sambit ni Andrea.

"Sige lang Andrea sakyan mo lang di kita irereto kay Joshua." nakangising sabi ni Kuya tsaka napatakip ng bibig. "Oops. Sorry di ko sinasadya." inosenteng dugtong ni Kuya. Tsaka tumawa.

Kaya natigilan si Andrea at inambaan siya ng hampas nito.

"I hate you Christ di ka talaga mapagkakatiwalaan ng sekreto." sigaw ni Andrea sakanya at pinaghahampas siya.

"Joshua pala ha." panunukso ni Stacey.

"Isa ka pa." sigaw ni Andrea sakanya at sinamaan niya ng tingin si Stacey. At sunod siyang tumingin sakin.

"Wala akong balak makisali sa larong pambata niyo." maikling sagot ko tsaka bumalik sa lamesa at inuupakan ang natitirang barbeque.

Bumalik sila sa pagsasapakan at pag-aasaran.

Tsk nagsama-sama ang tatlong abnormal. Partida wala pa diyan yung maingay na si Joshua at Miguel plus Serena at Coleen. Paano pa kaya kung nandito yung mga yun.

Edi giyera na diba?

"Anong meron at ang iingay niyooo." speaking of the devil. Biglang sumulpot si Joshua kasama ang kaingayan niya.

"Ow." gulat na sambit ni Coleen ng makita si Stacey.

"Myghad your back." tili  ni Serena ng makita si Stacey.

"Tsk para naman ang tagal kong nawala ih." natatawang sabi ni Stacey.

"Stacey." nagulat kami sa biglang pagsulpot ni Jameson na may halong gulat ang kanyang mukha at di makapaniwala sa nakikita niya.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now