Kabanata 70

3.7K 103 1
                                    

Unang araw ng Selebrasyon

KEIRON

"Kuya get up." rinig ko sabi sakin  habang inaalog-alog ako sa higaan.

Ano bang ginagawa nito dito? Ang aga aga manggulo.

"Bakit ba?" tinatamad na sabi ko sakanya. At nagtakip ng kumot.

"Duh. Maguumpisa na ang opening ng Five day Celebration ng Four A's at kailangan tayo dun." sabi niya tsaka hinila ang kumot na nakabalot sakin.

Inaantok pa ko.

"Pwede namang di pumunta diba. Kahit ikaw nalang inaantok pa talaga ako." wala sa mood na sabi ko.

Isang buwan na pala nakakalipas at ngayon ang Five Day Celebration ng Four A's at ayokong masaksihan ito.

Dahil kasabay ng lahat ng ito ay pamamaalam ni Criszette.

"Baka ba ayaw mo?" nagtatakang sabi niya.

Kaya napabangon ako at malungkot na tumingin sakanya.

"Dahil ayoko." deretsang sabi ko sakanya tsaka bumalik sa paghiga.

Pero dahil sa tipikal na pasaway ang kapatid ko ay heto ako ngayon at naglalakad na papuntang bulwagan.

"Dami pang arte sasama din pala." pagpaparinig niya sakin.

"Manahimik ka nga diyan Serena." naiinis na sabi ko sakanya tsaka iniwan siya. Lalagpasan ko na sana ang bulwagan ng biglang...

Mahal sana'y pakinggan mo

Ang awitin kong itoNa handa akong magbago para lamang sa iyoLahat ay aking gagawinWag ka lang mawalay sa akinAt ang puso't isip ko sana'y iyo din angkinin

Bahagya akong napatigil dahil sa napakagandang tinig na tila tumatagos saking pagkatao

Criszette

Unang taong pumasok sa isip ko dahil minsan ko ng narinig ang tinig ni Criszette noon.

At gantong-ganto ang boses niya.

"Oh bat tumigil ka?" nakakunot tanong ni Serena.

Di ko siya pinansin at pumasok ako sa loob ng bulwagan.

At maramdaman mo sana ang pag-ibig saiyo

Di sasayangin ang pag-ibig na inalay moAt handa ko pong baguhin ang lahat lahat sa akinBhie mahalin mo lang ako yun lang ang tangi

 kong hiling

Aking pagmamahal sana nama'y maramdaman

At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang lamanAng isang tulad ko umiibig sa iyoSana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito

Nakipagsiksikan ako sa madaming mafians na nanonood sa Opening ng Program. Dahil gusto kong malaman ang kumakanta.

Dahil humihiling ako na sana Criszette iyon.

Kahit napakaimposible gusto kong isipin na siya yun.

Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian

At ang nais ko lang sana iyong maramdamanAng isang tulad ko na umiibig sa iyoSana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong to

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now