Kabanata 73

3.3K 93 1
                                    

Ikaapat na araw ng Selebrasyon

CRISZETTE

Inis na inis akong iwinasiwas ang espada kay Jenica dahil hirap na hirap siyang sanggahin ito.

"Jenica ano ba? Kilos naman." singhal ko sakanya kaya nataranta siya.

Itinaas ko ang espada tsaka tumalon papuntang likod yan. And ayun nacorner siya nailagay ko sa gilid ng leeg niya ang espada.

"Wag na wag ka kasing pabagal-bagal kumilos matuto kang makiramdam." paalala ko sakanya tsaka ibinaba ang espada at itinungkod sa lupa. "Dahil yan ang magdadala sayo para mapaslang ka ng ganun kabilis." dagdag ko pa.

Iniwan ko siya tsaka sinenyasan si Cheena na lumapit sakin.

"Jenica turuan mo ng self-defense si Gabby." utos ko sa kapatid ko ng di lumilingon.

Lumayo kami ng konti ni Cheena dahil ang paggawa ng illusion ang ituturo ko kay Cheena.

Eto yung bagay na wala si Stacey. Marahil kay Cheena ito naisalin ng mga magulang nila.

"Ihanda mo ang iyong sarili masyadong delikado ang paggawa ng Illusion." paalala ko sakanya.

"Kailangan ba talagang matutunan ko yan?" Cheena said.

"Oo ito ang isa sa mga mafi na malaki ang maitutulong sa digmaan o sa kahit anong laban dahil maaari mong dalhin ang laban sa ibang dimension upang maiwasan ang may masira sa paligid. Ngunit oras na di mo makontrol ang Illusion maaaring ikaw ang kontrolin nito at hindi ka sa ibang dimension dalhin kung hindi sa mga nakaraan at sa mga future mo ikaw dadalhin ng Illusion and worst maaaring di ka makalabas." paliwanag ko sakanya. Bahagya siyang natahimik.

"Hala?" kinakabahang sambit ni Cheena.

"Kaya ang dapat mo lang gawin magfocus ka sa lahat ng sasabihin ko. At dapat rin nasa illusion lang ang focus mo at iwasan mo muna mag-isip ng kung ano-ano na bumabagabag sa isip mo." muli ko pang paalala sakanya. Nakita kong di pa siya handa base sa itsura niya kaya humugot ako ng malalim tsaka humarap sakanya.

"Bibigyan kita ng 4 Hours upang tulungan ang sarili mong tanggalin panandalian ang bumabagabag sa isip mo. Dahil sinasabi ko sayo wala itong maitutulong at maaaring makagulo lamang ito sayo." paalala ko sakanya tsaka iniwan siya para icheck sina Jenica at Gabby.

Ng makarating ako sa pwesto nila Jenica at Gabby pinanood ko lang sila mukhang nahihirapan si Gabby dahil eto ang unang beses na humawak siya ng espada.

Btw kasalukuyan kaming nasa training ground na nasa taas ng ulap. Dinala kami dito ni Ina para magsanay dahil sinabi ko sakanya na gusto kong turuan ng self-defense sina Gabby at Cheena at tsaka palakasin si Jenica dahil alam kong kulang siya sa pag-eensayo.

Habang pinapanood ko sina Gabby at Jenica panay ang aray ni Gabby dahil lagi siyang nacocorner ni Jenica.

"Aray naman." reklamo ni Gabby kay Jenica. "Nakakasakit ka na." dagdag pa ni Gabby.

"Sa tingin mo ba patatawarin ka ng kalaban pag panay reklamo ka lang habang nasa laban kayo. Sa palagay mo bubuhayin ka pa nun kung puro reklamo ka." pangangaral ni Jenica kay Gabby.

"I know. I know pero kasi namemersonal ka na eh." singhal ni Gabby kay Jenica.

Okay nagkakainitan na sila.

"Mukha ba kong namemersonal I'm just teaching you." nakangising usal ni Jenica kay Gabby.

"Teaching me pala ha." naiinis na sabi ni Gabby kay Jenica tsaka sinugod ito.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now