Kabanata 41

4.7K 117 1
                                    

ISRAEL

"Mahal na Hari nakabalik na po si Drake mula sa isang misyon."

Buti naman at buhay pa yun.

"Aba buhay pa yun." nakangising sabi ko. "Matibay ang isang yun hala sige papuntahin niyo dito." sabi ko kaya agad naman iyang sinunod.

Ang sarap talaga maging hari ng Zaynadarks matapos ng pagkatalo nina Shawtel at Shawn. Mga talunan kasi.

"Pinapatawag niyo daw po ako mahal na hari." nakangiting sabi niya.

"Mabuti naman at buhay ka pa." nakangising sabi ko sakanya.

"Ako pa ba. Di kasi ako weak tulad ng iniisip niyo."

Si Drake ay anak ko.

Sino Ina?

Wag niyo ng alamin dahil matagal na siyang patay.

Pagkatapos niya iluwal si Drake.

At kagagawan ito nina Shawtel at Shawn kaya bilang ganti inagaw ko sa kanila ang kaharian nila at ngayon ag ang buhay nila.

"Dahil wala akong anak na talunan Drake. Dahil diyan sa ginawa mo may uutos ako sayo."

"Ano naman iyon Ama."

"Nais kong magenroll ka sa Academy para mabantayan mo ang galaw ng prinsesa."

"Masusunod Ama." nakangiting sambit niya.

"Makakaalis kana upang magpahinga batid kong pagod ka."

"Maraming salamat Ama. Ngunit may inihandog ako sa inyong surpresa."

"Ano klaseng surpresa naman iyan Drake." excited na tanong ko.

"Mga kawal ipasok ang bihag."

Agad na kumilos ang mga kawal upang kunin ang sinasabing bihag ni Drake.

"Pakawalan niyo kami pwede ba." tili nito.

"Nasaan ba kami. Hinahanap na ko ng Mommy ko." sigaw naman ng isa.

Pareho silang nakatakip ng sako kaya di ko makita ang mukha.

"At sino naman ang mga iyan." nakataas na kilay na tanong ko.

"Mga mortal Ama. At batid kong ikatutuwa mo dahil ang isa sa kanila ay konektado sa Sandiwu ng Amiandre." nakangiting sabi niya. Kaya napangiti ako.

Magandang balita ito kung ganun.

"Maaari ko bang makita ang kanilang mga wangis." tanong ko saking anak.

"Oo naman Ama." sabi niya tsaka lumapit sa mga ito at isa-isang tinanggalan ng sako ang mukha.

"Sino ka? At nasaan kami." sigaw ng isa na batid kong napakadaldal.

"Takte ano klaseng lugar to." sigaw naman ng isa na base sa itsura eh maldita ito.

"Maaari ba kayong magpakilala sakin." tanong ko sakanila.

"At bakit naman aber." pagtataray nung maldita.

"Sumunod nalang kayo sa Hari kung ayaw niyong masaktan." utos ni Drake sakanila.

"Hari? Kalokohan. Ano bang klaseng trip to at masasakal ko kayo pareha." pagtataray ulit nung maldita.

"Gab sumunod nalang kaya tayo ayoko pa mamatay." natatakot na sambit ng kasama niya.

"Nababaliw ka na ba Cheena bakit mo ka naman susunod sa mga taong takas sa mental."

"Ayoko pa talagang mamatay Gab nakikiusap ako." pagsusumamo ng kasama niya.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora