Kabanata 34

5.6K 139 4
                                    

STACEY

"Cey sigurado ka na ba sa gagawin mo." tanong ni Jameson sakin.

Kaya napatigil ako sa pag-aayos ng gamit na dadalhin at mga armas para sa seguridad ko.

"Oo Eson kailangan eh tsaka gusto ko makita bangkay ng mga magulang ko." sagot ko sakanya. Nakita ko ang biglang paglukot ng mata niya at di maipintang itsura.

"Hys. di na talaga kita mapipigilan." nanghihinayang na sambit niya.

Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at sinalubong siya ng yakap.

"Babalik naman ako mukha nga lang matatagalan. Kailangan ko kasi munang hanapin ang sarili ko." nakangiting sambit ko.

Sana kayanin mo Eson.

"Cey pwede namang samahan nalang kita dun."

"Wag na Eson kailangan ka ng Ainabridge dahil nagsisimula ng manghimagsik si Israel. Habang busy sila sa pagpaplano sa paghihimagsik sa Ainabridge gagawa naman ako ng paraan para mabawi ang Zaynadarks." sabi ko sakanya. Bahagya siyang natigilan dahil walang kahit isa sa kanilang nakakaalam ng plano ko ng totoong plano ko.

"Cey akala ko magulang mo lang ang pakay mo." mahinang tanong niya.

"Kaya hayaan mo nalang muna ako. Pakiusap Eson wag mo sasabihin sa kanila ang tungkol sa pinag-usapan natin ngayon." paalala ko sakanya. Kumalas ako sa yakap niya at tsaka bumalik sa pagiimpake ng gamit.

Ng matapos akong magimpake niyaya ko siyang pumuntang clinic.

Nandun kasi si Criszette almost 4 days na ata siyang tulog.

"Eson diyan kalang sa pinto. Senyasan mo agad ako pagmay paparating." utos ko sakanya agad naman siyang tumango bilang sagot. Kaya naglakad ako papasok ng clinic at dumeretso sa kwarto ni Criszette.

Agad akong lumapit sakanya sa kama niya.

"Wala ka ba talagang balak bumangon Unique." natatawang sambit ko. "Aba apat na araw ka ng tulog sige ka miss ka na ng barbeque mo. Bahala ka ako uubos nun." natatawang dugtong ko pa. "Uy Criszette wag kang magagalit kung paggising mo wala ako ha. Ih! Kailangan ko lang gawin to? Kasi alam mo ba Criszette wala na sila Mommy.Iniwan na nila ako. Alam mo bang di ko alam kung magagalit ba ako sa kanila o hindi eh. Sa katotohanang naglihim sila sakin." dismasyadong sambit ko."Pero alam ko naman ginawa lang nila yun para sa kaligtasan ko.Takte bes prinsesa pala ako ng Zaynadarks oh diba bumangon ka na diyan magyayabangan pa tayo oy. Criszette kung naririnig mo man ako ngayon mamimiss kita ng sobra. Hayaan mo pagbalik ko okay na ko. At sila Mommy at Daddy nailibing ko na ng maayos." nakangiting sambit ko tsaka hinaplos ang kamay niya.

Pinunasan ko ang luha ko tsaka tumayo at muling tiningnan si Criszette.

"Paalam Criszette." sabi ko tsaka naglakad palabas ng Clinic mabigat man sa loob pero kailangan eh.

Pagdating ko sa pinto naabutan ko si Jameson na nakasandal sa pader agad ko siyang sinugod ng yakap.

At umiyak.

"Don't cry Cey. Stop it di ko kayang makitang umiiyak ka." sabi niya tsaka hinagod ang likod ko.

"Di ko alam pero ang bigat bigat sa puso at pakiramdam Eson iiwan ko sila ng nasa ganitong sitwasyon si Criszette."

"Wag kang mag-aalala alam ko namang maiintindihan ka niya at nila." sabi niya tsaka hinaplos ang buhok ko.

"Sana Jameson umaasa akong tulad mo maiintindihan din nila ako." sabi ko tsaka kumalas sa yakap agad naman niya akong inakay.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum