Kabanata 43 - Christmas in Normsantandia 1

4.6K 204 1
                                    

SOMEONE POV

It's been a week matapos lahat ng nangyari sa Academy. Pero hanggang ngayon di pa rin bumabalik si Stacey.

At Christmas Eve na sa mundo ng mga tao.

Kaya lalo akong nalungkot ako dahil wala ang bestfriend kong abnormal. Di pa rin kasi sapat ang presensya ng mga taong nandiyan ngayon sa tabi ko.

Pagbangon ko ay tahimik na kwarto ang bumungad sakin. Nasaan na kasi ang maingay na si Stacey? Ang nambubulabog na si Stacey? Napahugot nalang ako ng malalim na hininga. 

At kamusta na kaya si Mommy?

Agad akong lumabas ng kwarto at pumuntang kusina. At naghanap ng pwedeng lutuin. Sa kasamaang palad bigo akong makahanap ng pagkain. Ng bigla kong maalala ang brilyante.

Ang brilyanteng na hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit nasa sakin.

Agad kong ibinukas ang aking palad. At hanggang ngayon ay namamangha pa din ako sa kulay nito at wangis. Dahil hugis oval eto at kulay green na may halong yellow-green.

"Brilyante ng tubig at katwiran bigyan mo ng laman ang aking lamesa para sa Pasko na magaganap sa pagsapit ng alas-dose ng gabi mamaya." bigkas ko habang nakapikit.

At habang nakapikit ako ay nakaramdam ng pagkislot ng tubig at dalisay ng katwiran sa aking katawan. At biglang lumiwanag sa aking silid.

At maya-maya pa ay nawala na ito. Pagmulat ko ng mata ay napakaraming pagkain ang nakahain sa lamesa.

"Ang barbeque ko." nakangiting sambit ko. Kaya sinarado ko na ang aking palad tsaka lumapit sa lamesa.

Pero alam ko sa sarili ko na di ko kayang ubusin ito kaya agad kong binuksan ang aking isip upang kausapin ang mga kasamahan ko gamit ang isip.

'Punta kayo dito sa dorm ko. Madaming machichibog dito.'

Maya-maya pa ay sumagot si Andrei.

'Salamat sa paanyaya ngunit ikinalulungkot ko ako ay di makakarating may misyon na ibinigay sakin ang konseho sa Azulan kung saan ako ay nagmula.' ani Andrei kaya nalungkot ako bigla.

'Sige ingat ka.'

Maya-maya pa ay sumagot na ang iba.

'Ayun chibogan' ani Joshua.

'Ang takaw mo talaga Josh.'

Pagkontra nina Serena at Coleen kay Joshua.

'Ang bad niyo sakin.'

Natatawa nalang ako sa kanila kasi nagawa nilang mag-away gamit ang isip.

'Di rin ako makakapunta dahil may katatagpuin ako sa Amiandre.'

Sagot naman ni Jarret. Isa pa tong malandi na to tatahi-tahimik yun pala may tinatagong kati sa katawan.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko habang busy ako sa pagkain nagulat ako sa dalawang tao na biglang sumulpot.

Keiron at Kuya Christian.

"Wag mong sabihin ikaw nagluto nan lahat."  biglang tanong ni Kuya na may halong pagtataka pa.

Tsk di ko siya masisi sa totoo lang di ako nagluluto noon samin marunong ako magluto pero tamad talaga akong tao eh. Gusto ko kakain nalang ako.

"Tsk sa tingin mo." maikling sagot ko sakanya tsaka bumalik sa pagkain ng barbeque.

"Bat andami naman nan may okasyon ba?" biglang sulpot ni Miguel kasama si Coleen.

"Kahit ako nagtataka wala naman akong naalalang special ang araw na to." sabi ni Kuya tsaka napaisip pa.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now