Kabanata 18

7.3K 175 1
                                    

CRISZETTE

Tatlong linggo nakakalipas pero di pa din bumabalik si Kuya. Tsk tumayo ako sa higaan dahil kailangan ko na mag-asikaso papasok sa school. Sinampal ko si Stacey para magising ng biglang may kumatok sa pinto.

*tok-tok*

"Aray ha." sabi ni Stacey tsaka napahawak sa namumula niyang pisngi.Sad to say namula eh.

"Ikaw na magtingin kung sino kumakatok dalian mo." sabi ko tsaka pumasok ng banyo.

Nakita ko naman siyang bumangon at naglakad papuntang pintuan.

Matapos kong maligo. As usual si Jameson pala yung kumatok. Araw-araw nalang ba siya dito aba sawang-sawa na ko.

"Oy yung barbeque ko nasaan?" bungad ko sa kanya. Masama ba ugali ko? Wala ka ng pake. Di ko kasi trip yung presensya niya ng dahil sa kanya umalis si Kuya wala tuloy akong mapagtripan.

"Zette." inis na sabi ni Stacey sakin. Oops. may mali ba sa sinabi ko bukod sa pagiging bastos. Bastos? Oo bastos ako sa mga taong kabastos-bastos. At isa na sa listahan si Jameson.

"Ah nandiyan sa lamesa Criszette." sabi niya tsaka ngumiti.

Wag mo ko mangiti-ngitian di ako natutuwa sayo. Alam ko naman kahit di sabihin sakin ni Kuya alam ko eto ang rason kung bakit umalis siya? Pero mas okay na din yun kaysa patuloy niyang saktan sarili niya.

"Bat ba ang init ng ulo mo?" sabi ni Stacey sakin di ko siya pinansin. Binalik ko lang ang tingin ko sa barbeque tsaka eto binanatan.

Narinig ko nalang ang pagbuntong-hininga niya.

Wala kang magagawa Stacey badtrip ako sa boyfriend mo eh.Simula ng umalis si Kuya kung cold na ko noon mas malala ngayon parang lumevel-up ganun.

Maya-maya pa narinig ko ang boses sila Serena at Coleen.

"Hi Criszette. Hi Stacey." sabay nilang bati samin di ko sila pansin. Duh! sino sila para ipagpalit ko ang barbeque para lang makipagngitian sa kanila.

"Oh Coleen at Serena bakit napadaan kayo dito." rinig kong sabi ni Stacey.

"Sabay-sabay na tayo pumasok. Oh hi there Jameson." rinig kong sabi naman ni Coleen.

Nagpatuloy lang sila sa pag-iingay.

"Pwede bang umalis na kayo. Ang iingay niyo." singhal ko sa kanila tsaka tumayo at naglakad pabalik sa kwarto tinamad na ako pumasok.

Natahimik sila. Pagdating ko sa kwarto humiga agad ako. Sinubukan kong kausapin si Kuya gamit ang telepathy.

'Kuya'

Tawag ko sakanya. Sana sagutin mo Kuya please.

'Ay Kuya! bakit ka ba nanggugulat Criszette di ko tuloy naisend'

Aba may katext ang gunggong teka matanong nga mamaya.

'Kuya kailan ka babalik dito?'

Labag man sa loob kong sabihin to pero namimiss ko na si Kuya. Sobrang miss ko na siya.

'Di ko alam bakit?'

Napahugot ako ng malalim na hininga.

'Kuya di ako papasok ngayon ha tinatamad ako eh'

Oo tinatamad talaga ko at tsaka ayoko makita pagmumukha ni Jameson.

'At bakit naman? Zette'

Kung nasa harap ko lang to si Kuya paniguradong tinataasan na ko ng kilay nito. At daig pa nito si Mommy pagdating sa sermon.

'Basta ayoko pero pramis papasok ako bukas'

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now