Kabanata 67

3.5K 101 1
                                    

KEIRON

Nakabalik na si Jarret. Pero kung gaano siya katahimik noon ay mas dumoble ngayon. Naiintindihan ko siya dahil namatayan siya ng kapatid.

Bumalik siya ngayon lang kaya alam niya ang binababang kautusan ni Headmistress.

Ang kautusang di ko susundin. Palihim akong nagtetraining mag-isa. Dahil gusto kong tulungan sa digmaan si Criszette. Mas mabuti ng sabay kaming mamatay sa digmaan kaysa habang buhay kong pagdusahan at pagluksaan ang pagkawala niya.

Natawa na naman si Jarret nag-oopen na siya samin pero malungkot parin ang mga mata bakas pa din ang pangungulila sa kakambal.

Kasalukuyan kaming nasa Classroom  ng mapansin ang pagkatulala ni Jarret kagagaling lang kasi namin sa meeting room.

"Jarret bakit ganyan mukha mo?" tanong ni Joshua sakanya.

"Napaisip lang ako.." putol niya tsaka napahawak sa sentido kaya lahat kami ay napatigil at napatingin sakanya.

Anong ibig sabihin niya?

"Kung si Criszette ang nawawalang prinsesa ng Ainabridge at naalala niyo ba nung nakaraang linggo ay sumulpot si Jenica at nagpakilala na kapatid ni Criszette." nag-iisip na sabi ni Jarret na parang pinagtatagpi-tagpi ang lahat.

Kaya pareha-pareha kaming nagkatinginan na wari'y iisa ang iniisip. Btw wala si Christian dito iba kasi grade level nun.

Pero bago kami humiwalay kay Christian pansin namin ang pagkabalisa nito at pagiging tulala.

At ganun din si Stacey na nakaupo lang sa gilid at tila walang pake sa paligid.

"Ano naman kung ganun?" nagtatakang sabi ni Serena.

"Ibig sabihin lang nito ay si Jenica ang isa pa sa Sandiwa ng Ainabridge." namamanghang sabi ni Coleen.

"Damn." nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Jarret. "Pati ba naman siya nagsinungaling sakin. Damn this!" frustrated na sigaw ni Jarret at sinuntok ang pader. Btw nakatayo kami. Tumalikod siya para suntukin ang pader.

"Sinong nagsinungaling sayo?" nagtatakang usisa ni Joshua.

"Di na mahalaga kung sino siya. I hate her. I hate her so much. Yes I love her pero bakit kailangan ilihim niya sakin lahat." malungkot na sabi ni Jarret tsaka napaupo sa sahig at umiyak na parang bata.

Sinong siya?

"Mga pre. Dapat noon pa ko naghinala eh pero hindi eh mahal ko siya pre. Mahal na Mahal ko siya! At di ko alam kung paano ko siya haharapin matapos ng lahat ng to." umiiyak na sabi habang nakasabunot sa sariling buhok. "Kasi mga par siya yung taong nandiyan nung mga panahong nawala si Kuya siya nga ang nagpilit sakin na pumasok na eh dahil "di daw magiging masaya si Kuya kung nagkakaganto ako." Di ko alam kung anong mararamdaman ko matapos ng lahat ng to." dagdag niya pa.

Sino ba kasing tinutukoy niya?

May di ba kami alam kay Jarret. Eto ba yung babaeng lagi niyang binibisita sa Amiandre. At sino ito?

"Bakit ka ba nagkakaganyan sino ba kasi tinutukoy mo?" nagtatakang tanong ni Coleen sakanya.

Ang kanyang girlbestfriend.

"Kasi Coleen. Ang babaeng mahal ko at ang bunsong prinsesa ng Ainabridge ay iisa." umiiyak na sabi ni Jarret tsaka tumayo at yumakap kay Coleen.

Napatingin ako kay Miguel pero mukhang okay lang sakanya. Dahil alam niyang magkaibigan ang dalawa.

"S-si J-jenica?" utal na usal ni Serena.

"Siya ang kapatid ni Criszette diba. Di malayong siya ang bunsong kapatid nito." dugtong pa ni Andrea.

"At dun ako nasasaktan dahil Jenica's lie on me. Ang taong mahal ko ay nagawang maglihim sakin." usal ni Jarret.

"Baka may dahilan siya kung bakit niya nagawa yun?" sabi ni Andrea.

"Sana mabigyan niya ko ng maging dahilan dahil kung hindi niya ko mabibigyan ng magandang dahilan. Tapos ang lahat samin." sabi ni Jarret tsaka kumalas sa yakap kay Coleen tsaka humakbang na paalis pero bago siya tuluyang umalis. "Fresh pa sakin lahat ng nangyari sa Kuya pero kailangan kong magiging matatag sana tulungan niyo kong makaahon sa pagluluksa ko." sabi niya pa tsaka naglahong parang bula.

Saan naman kaya ang punta nun?

Naiwan kaming tulala. At lahat ay gulat sa mga rebelasyong nalaman namin kay Jarret.

"Ibig sabihin ba nito matagal ng may lihim na relasyon ang ating kaibigan at si Jenica." konklusyon ni Andrei.

"Di naman siya magkakaganyan kung wala diba." dugtong ni Miguel.

Sana maayos nila.

"Sana maayos nila at sana mabigyan siya ng magandang dahilan ni Jenica dahil ayokong mawasak na naman ang kaibigan natin tama na yung pagkawala ng kakambal niya." usal ko sakanila.

"Sana nga! Keiron." nagsusumamong sambit ni Joshua.

Matapos ng eksenang yun ay nagbalikan na kami sa aming mga upuan at maya-maya pa ay dumating na ang prof namin.

"Goodmorning Prof. Niña." bati namin sakanya. Lahat ay tumayo maliban kay Stacey na nakatulalang nakatingin sa bintana. Di na ito pinansin ni Prof dahil na rin siguro alam niya ang pinagdadaanan nito.

"Goodmorning too. You may take your sit." sabi ni Prof tsaka ipinatong sa lamesa ang dala niya. Tsaka nakangiting humarap samin.

Aba bago ito ah. Paano ba naman laging nakasimangot yan pag magtuturo samin.

"I want all of you know this. Next Month there's a biggest event na magaganap sa Four A's it's 5 day celebration. At ang pinakasentro ng celebration ay itong ating Academy natin. I want to announce to all of you na ihanda niyo ang iyong mga sarili and find your date dahil sa last day ng Celebration ay magaganap ang Mafians Teen Night." naeexcite na announce ni Prof.

Tsk walang kwentang announcement. Di naman ako pupunta. Siguro dun muna ako sa Kaharian namin.

"And for the closing program of the event which happen on 12pm of the midnight. Ay darating ang Reyna ng Ainabridge kasama ang kanyang mga nawawalang anak na ngayon ay nagbalik na sakanyang piling." nakangiting dagdag ni Prof. Natigilan ako at napatingin kay Prof. At naghintay pa ng sasabihin niya. "At ang gabing iyon ang huling beses na makikita natin ang kanyang panganay na anak dahil ang kasiyahan na yun ay kasiyahan ng pamamaalam nito." biglang nagbago ang mukha ni Prof. na wari mo'y nalungkot.

Kasiyahan ng pamamaalam? Parang di ko ata kaya yun.

Kaya walang alinlangan na tumayo ako.

"Yes Mister Keiron why you are standing?" nagtatakang tanong sakin ni Prof kaya lahat ay napatingin.

Binigyan namin ako ng nanunuksong tingin ng mga kaibigan ko.

Parang mga abno tong mga to.

"May I go out?" paalam ko kay Prof.

"Sige." nakangiting sagot ni Prof. Kaya dali-dali akong lumabas at dumeretso sa Cr at pagdating ko dun ko ibinuhos lahat ng sakit.

"Bakit ka ba ganyan Criszette? Your always saying your dying at may goodbye farewell ka pa talaga." naiinis na sabi ko habang nakatingin sa salamin ng banyo. "Mararamdaman mo talaga galit ng isang Keiron pagnagkita tayo." natatawang kausap ko sa salamin.

Pagsisihan mong binaliw mo ko sayo.

Bakit ba labis labis mo kong pinag-aalala sayo?

Bakit ba lagi mong gustong solohin ang lahat?

Putik Criszette di ka bathala nakatakda kalang pero di mo kailangang magmukhang bathala jusmiyo.

Tsk.

"Etong tandaan mo Criszette once na magkita tayo. I'll give you the bittersweet goodbye farewell. Farewell pala ha. Sige pagbibigyan kita." ani ko tsaka inayos ang sarili tsaka lumabas ng banyo at bumalik sa classroom.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon