Kabanata 35

5.3K 148 1
                                    

SOMEONE POV

Ilang araw lang ang lumipas ay nagising na din si Criszette.

"Sa wakas gising ka na." tili ni Serena ng makitang gising na si Criszette.

Agad siyang nanakbo papalapit dito. Agad namang nagising ang kaninang dalawang mahimbing ang tulog.

Keiron at Christian.

"Ang ingay naman nito." inaantok na sabi ni Keiron. Palibhasa'y nakapikit pa ang mata ay di niya alam ang dahilan kung bakit nagsisigaw si Serena.

"Tsk buti naisipan mong bumangon at gumising feeling sleeping beauty." singhal ni Christian sa kapatid.

Kaya nakatanggap siya ng masamang tingin kay Criszette.

"Sleeping beauty? Sino yun?" naguguluhang tanong ni Serena.

"Ah iyon ba siya yung character sa isang kwento sa fairytale na pinatulog ng bruha tanging prince charming lang ang makakaalis ng sumpa." kwento ni Christian. Agad namang gumuhit sa labi ni Criszette ang ngisi.

"Di ko alam na alam mo ang tungkol dun kuya." nakangising sabi ni Criszette.

Nagulat si Christian kaya sinamaan niya ng tingin ang kanyang kapatid.

"Kai diba may sleeping beauty dito. Sa tabi ng Britania." tanong ni Serena kay Keiron.

"Seryoso?" gulat na sabat ni Christian.

"Oo." maikling sagot ni Keiron.

"Teka ano yung Britania di ko alam na may ganung lugar dito sa normsatandia." namamaghang sabi ni Christian.

"Ang Britania ay pinamumunuan ni Haring Renxo.Ang ama ng anak ng Reyna Jasmine. Isa siyang diwata. Ang Britania ay isa lamang maliit na kaharian. Sila ay may mga pakpak base sa lahing kinabibilangan nila." paliwanag ni Keiron.

Nagulat si Christian ng maalala ang pakpak na nakita kay Criszette nung kaarawan nito.

"A-anong kulay ang sa lahi ng hari at sa mga alipin at tagapagsilbi." agad na tanong ni Christian dahil gusto niyang masagot ang tanong niya.

"Base sa kwento sakin ni Ina ay pagkalahi ng hari ay violet sa babae at blue sa lalaki. At sa mga alipin naman ay pare-pareha lang naman mapababae o lalaki ay kulay yellow tapos sa mga tagapagsilbi ng kaharian ay kulay gray tulad ng alipin ay pareha lang ang babae at lalaki."

Natigilan si Christian. At napaisip.

Bakit parang di niya ata kilala ang kapatid niya?

"Bakit mo nga pala natanong Christian." tanong ni Serena sakanya.

"Ah wala may naalala lang ako." kunwaring ngiting sabi ni Christian.

At nagpatuloy ang kwentuhan. Nalaman nilang ang katabing kaharian ng Britania ay ang kaharian ng Missisleeping kaharian kung saan nakahimlay ang prinsesa na matagal ng naghihintay ng prinsipe.

At nalaman din nilang tanging ang bruha na nagsumpa sa prinsesa lamang ang tao dun at siyempre ang prinsesang nakahimlay.

Dahil ginawa niyang bato ang hari at reyna maging ang mga tagapagsilbi kawal at alipin. Kaya tuluyang bumagsak ang kaharian na ito.

Walang nakakaalam kung paano ito ibabangon.

Dahil nababalot ng sumpa ang kaharian.

"Kawawa pala yung Prinsesa." naawang sabi ni Christian.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora