Kabanata 9

9.4K 240 3
                                    

STACEY

Ng makaalis si Keiron naiwan kami ni Ursula kaya parang bigla naging awkward ang paligid. Di ko makalimutan yung ginawa niya kanina wah! Napaka-gunggong ba naman bat kailangan may ganun?

"Oh, hi guys. Mas mabuti pa sigurong bantayan niyo siya maigi dahil masyadong napagod at nagulat katawan niya dahil sa kamuntikan maubos ang temper niya pero buti nalang hindi.Pakimonitor siya sige alis muna ako may pupuntahan lang ako." paalam ni Nurse Romina samin tsaka ngumiti samin tsaka tumingin kay Criszette na hanggang ngayon nakapikit pa. Bumangon ka na nga diyan, Criszette magsasapakan pa tayo.

"Kawangis niya talaga ang kanyang ina." matamis na sambit ni Nurse Romina tsaka tumalikod at umalis.

Sinong Ina?

Si Tita Shami ba?

Malamang yun lang naman nanay niya Stacey mag-isip ka nga. At ayun naiwan nanaman kami nitong Ursula na to. "Stacey?" basag ni Ursula sa katahimikan na namamagitan sa paligid."W-why?" diko alam kung bakit nauutal ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko jusq ayoko ng ganto.

Diko gusto tong nararamdaman ko ngayon. At wala na kong balak alamin pa.

"S-Sorry sa k-kanina." nahihiyang sabi niya.

"Nangyari na eh, sige ayos na yun." sabi ko tsaka yumuko at dineretso lang ang tingin kay Criszette na mahimbing na natutulog.

Lagi nalang tulog to.

Nanahimik ulit ang paligid ng biglang may sumulpot na babae.

"Ah. Hello guys I'm Coleen Tanfelix." pagpakilala niya samin. Ano bang ginagawa nito dito?

"Ako naman si Stacey Rodriguez tapos yung lalaking yun." sabi ko tsaka turo kay Ursula na prenteng nakaupo at nakasandal ang likod sa sofa at nakapikit ang mata inantok ata."Siya naman si Christian Ursula Montefalco." sabi ko tsaka tumingin kay Criszette ipakilala ko na sana si Criszette kaso pinigilan niya ko.

"Kilala ko na siya. Marami akong naririnig tungkol sa kanya. Salamat na lamang at nagbalik siya." nakangiting sambit niya.

Nagbalik? Nababaliw na ba siya?

"Ah sige bakit nga pala nandito ka?" takang-tanong ko sa kanya.

"Nandito ko para gamutin si Criszette pinatawag ako ni Nurse Romina."sabi niya tsaka ngumiti tapos naglakad na papunta kay Criszette.

"Napakaganda niya kawangis niya talaga ang kanyang ina di nakakapagtaka." sabi niya tsaka pinagmasdan si Criszette

Ina? Diba si Tita Shami yun?

Ang gulo ng mga tao dito kanina pa sila 'kawangis' sino ba kasi eh si Tita Shami lang naman nanay ni Criszette. Nagsimula na siyang gamutin si Criszette lumiwanag ang paligid dahil sa ilaw na nagmumula sa kamay ni Coleen. Nagising si Ursula sa liwanag na yun.

"Teka nasa heaven na ba ko?" natawa ako sa iniasta ni Ursula at sinasampal-sampal pa sarili niya.

"Hala di pa ko handa wag muna ngayon Lord." diko na mapigilan ang tawa ko at humagulgol na ko kakatawa.

Walanghiya Ursula kala mo naman talaga tatanggapin ka sa langit.

Spell Assuming? U-R-S-U-L-A

"Oh bat nandito ka din sa langit hala hanggang dito ba naman sinusundan moko." nakakalokong ngisi na sambit niya.

"Tangina Ursula iba ang confident mo." natatawang sambit ko sa kanya.

"Wag moko tawanan paano tayo namatay paano tayo napunta dito." nakakunot noo na tanong niya.

"Unang una sa lahat wala tayo o ikaw sa langit nasa clinic pa din tayo. Pangalawa di kita sinusundan assuming ka lakas apogs mo pre. At pangatlo..." bago ko pa masabi ang pangatlo ay nawala na ang liwanag at nakita kona si Coleen na nakangiti kay Criszette. Samantalang si Criszette nakataas ang kilay na parang nagtatanong kung sino yung nasa harap niya?

"Kamusta pakiramdam mo." tanong ni Coleen sakanya.

"Ah ayos naman." sagot ni Criszette sa kanya.

Okay na sana ang lahat ng biglang..

"So wala nga ako sa langit? Ano ba yan nagexpect na ko eh." nanghihinayang na sambit ni Ursula kaya lahat kami napalingon sakanya.

At lahat nagkatinginan tsaka tumawa. Sabay-sabay kaming tumawa.

"Anong nakakatawa?" naiiritang tanong niya.

Mukhang natauhan sa sinabi niya at namula ang mukha dahil sa sinabi niya.

"Gusto mo rewind natin brother." nakangising tanong ni Criszette.

Ayan na naman yung ngisi na yan na minsang kamuntikang mapahamak si Ursula hahahaha.

Naalala ko tuloy bigla.

"Aish bahala kayo!" sabi niya tsaka umalis at iniwan kami.

Narinig pa namin ang kalabog ng pinto.

"Kapatid mo ba talaga yun Criszette." natatawang tanong ni Coleen.

"Di ko di alam." tanging sagot ni Criszette tsaka humiga na ulit. She needs more time to rest. Siguro bukas nalang kami papasok.

"Btw Coleen di ka pa ba aalis kasi baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo." tanong ko sakanya agad nawala ang ngiti niya na napalitan ng lungkot.

"Sad to say I don't have friends." malungkot na sagot niya tsaka bumuntong-hininga.

"Why?" nagtatakang sambit ko. Ang ganda niya kaya tapos kahit ngayon ko lang siya nakita parang ang bait niya. So napakaimposibleng wala siyang kaibigan.

"Noon meron but dahil nga isa lang akong healer at di ko pa natutuklasan ang iba ko pang mafi nilayuan nila ako dahil I don't deserve to be one of them." ramdam mo ang lungkot sa mata niya kaya nalungkot din ako napatingin ako kay Criszette kung nakikinig din siya aba tulog na pala.

Magsasalita na sana ako ng biglang.

"Then you don't deserve them. You deserve better di mo kailangang ipilit sarili mo sa kanila." nagulat kami ng biglang magsalita si Criszette. Sabay kaming napatingin ni Coleen kay Criszette na nakapikit pa din.

Alam ko na dapat kong gawin? Aha! Siguro naman papayag si Criszette dito?

"Ah Coleen pwede mo naman kaming maging kaibigan if okay lang din sayo." nakangiting sambit ko.

Nagulat siya at halos mangiyak-ngiyak.

"I didn't expect this omg. Thank you!" naluluhang sagot niya na sinagot ko ng isang matamis na ngiti. Alam ko namang narinig ni Criszette yun eh at hindi siya pumalag.

So I'll guess, ayos lang sa kanya. Sa wakas may makakasama na ko na mukhang maingay at pwede ko kachikahan, tahimik kasi ni Criszette.

"Ah Stacey alis na ko ha may klase pa kasi ako. So I guess kita nalang tayo later." paalam niya kaya tumango ako.

Tumalikod na siya samin.

You don't have to be alone now Coleen we're here. Kasama mo kami, at kami na magiging kaibigan mo. And you will never feel alone again.





The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now