Kabanata 16

7.2K 183 9
                                    

CHRISTIAN

"Tara tingnan natin." yaya ni Serena kaya tumayo kami lahat di na rin umangal si Jarret bored siya na sumunod.

Naabutan namin sila sa Garden at alam niyo ba nakakainis naabutan namin silang nakayakap mula sa likod si Stacey. What the hell is happening?

"Please stay bal. Never leave me again." rinig naming bulong ni Stacey. May kung ano sa dibdib ko at nakaramdam eto ng sakit.

Nagulat kami ng kumalas sa yakap si Jameson at ang mas ikinagulat namin ay ang pagharap ni Jameson sa kanya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

"Di bale na magmukhang bakla pero mahal na mahal talaga kita Cey." fuck shit di ko alam kung bakit nasasaktan ako. Tengene bakit?

Hinawakan ni Stacey ang pisngi niya tsaka ngumiti.

"Mahal na Mahal pa din kita Eson." sabi ni Stacey na siyang ikinalaki ng ngiti ni Jameson.

Huli na ba talaga ako?

"Naunahan ka tuloy ang bagal mo kasi." napalingon ako sa nagsalita guess what it's my sister.

Malay ko bang mangyayari to. Di ko naman alam na may pesteng ex pala to si Stacey.

Masyado kasi ako nakampante na walang aagaw sakanya sakin.

Oo may gusto na ko kay Stacey. Gustong-gusto ko na siya. I was falling inlove in my enemy.

"Better luck next time." sabi niya tsaka biglang umalis. Di pa siya masyadong nakakalayo ng marinig ko ang sigaw ni Keiron.

"Oy intayin moko." sabi niya tsaka kumaripas ng takbo para abutan si Criszette.

"Dalian mo nagiintay ang barbeque ko sa lamesa sa cafeteria." bored na sabi ni Criszette tsaka naglakad na ulit.

Napatingin ako sa mga kasama ko na parang di napansin na dumaan si Keiron at Criszette. Nanlalaki ang mga mata nila syempre maliban kay Jarret at Andrei na seryoso lang ang tingin.

Napatingin ako sa tinitingnan nila halos magsisi ako kasi nilingon ko pa sila.

They are kissing with love.

"Ah guys balik na ko cafeteria ha. Nandun na kasi si Criszette." sabi tsaka mabilis na umalis. Napakuyom ako ng kamao.

Stupid Christian.

Anong eksena yun?

Di ako dumeretso sa cafeteria. Sa palasyo ako ni Ama.

"Azureyuersue." nagteleport ako papuntang palasyo.

"Mahal na prinsepe." masayang salubong sakin ng isa sa mga katiwala dito.

"Nasaan si Ama?" tanong ko sa kanya.

"Nasa hardin po siya mahal na prinsepe." sabi niya kaya tumango ako at iniwan siya.

Hardin

Nadatnan ko sa hardin si Ama at prenteng nakaupo sa wishing well. Tulala eto at mukhang malalim ang iniisip.

"Ama nagtungo na ba dito si Ina." bungad ko kay Ama. Nanlaki ang mata niya sa gulat kaya nagtaka ako.

"Akala ko kasama mo ang Ina mo? Nasaan si Shami nasaan ang asawa ko." kinakabahang tanong niya kaya maging ako ay nagtataka.

Lingid sa kaalaman ng Academy na anak ako ng isang hari at si Mommy ay isang reyna. Ng maikasal kasi sila ni Ama mas pinili niyang sa Mortal World kami manirahan at mas pinili ni Ama bilang hari ang manatili dito sa palasyo. At ngayon ko lang ulit siya nakita. Ang alam lang ng Academy ay walang reyna at anak ang Palasyo ng Amiandre dahil itinago ito ni Ama.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now