Kabanata 77

3.6K 84 1
                                    

CRISZETTE

Ng papunta na kami sa gate ay biglang sumulpot ang nakangising si Ella..

Sinasabi ko na nga ba?

"Jenica mauna ka na ihanda mo na ang depensa wag mong hahayaang makapasok sila." utos ko kay Jenica ng di lumilingon sakanya.

Naramdaman ko naman ang pag-alis ni Jenica. Kaya kami nalang ni Ella ang naiwan.

"Kala mo ba hahayaan kong makaalis ka pwes nagkakamali ka. You need to die bitch." nakangising sabi niya at inatake ako ng espada na agad ko namang naiwasan.

"Ano ba kasing klaseng laro ang nais mo Ella di na tayo bata." pang-aasar ko sakanya.

"Anong laro pinagsasabi mo diyan." inis na sabi niya sakin at muli akong inatake pero katulad kanina ay naiwasan ko.

"Alam mo bang may nagsabi sakin na dapat ang mga sinungaling na tulad mo. Ay pinapatay na at ang mga traydor na tulad mo ay pinapatay na." malamig na sabi ko sakanya at this time ako naman ang umatake sakanya.

At ang gaga di nakaiwas kaya nadaplisan siya sa braso niya.

"Ang bobo mo naman." nakangising sabi ko sakanya.

Kaya inis siya inatake ako ng inatake at ako naman ay panay iwas.

"Tatapusin na kita." galit na sigaw niya sakin at sunod-sunod ang ginawang pag-atake sakin..

Ng bigla kong naisipang dalhin sa illusion ang lahat para matapos na at wala ding makakita na estudyante na baka sakaling lumabas ng bulwagan. Kamalas-malasan naman kasi na nasa bandang malapit pa kami sa bulwagan ng dumating si Ella..

"Neva Scorta y Kapatagan." bulong ko saking isip kaya nagbago ang paligid at natagpuan nalang namin ang mga sarili sa kapatagan.

"Shit nasaan tayo?" galit na sigaw niya sakin.

"Wag ka na magreklamo. Bat ka nalang kaya di sumugod." nakangising sabi ko sakanya.

At tatapusin na kita..

Agad na sumugod si Ella kaya agad kong ibinukas ang palad ko at itinaas ito at para makalikha ng liwanag sa paligid tsaka ko binanggit ang spell ng kamatayan..

"Ves Hades y kamatayan ngayon ay ipataw sa lapastangan na ginawa ng isa sa estudyante ng Ainabridge at gusto ko rin na kamatayan rin ang ipataw sa mga traydor na alam kong nasa loob pa ng bulwagan." nakapikit na sabi ko. Narinig ko nalang ang sigaw ni Ella na wari mo'y nasasaktan na sa ginagawa ko..

"Tapos na ang laro Ella katapusan mo nang traydor ka." sabi ko ng imulat ko ang mata ko at nakikita ko siyang naliligo na ng masaganang dugo pero nagawa pa rin niyang ngumiti..

"Salamat dahil tinapos mo na paghihirap ko. Nais ko l-lang m-alaman mo na si Drake ay tumiwalag na sakanya. Nais kong tulungan mo ang aking kapatid na tuluyang baguhin ang kanyang buhay." nahihirapang sabi niya tsaka nawalan ng malay..

Magkapatid pala sila?

Kaya nilapitan ko siya at isinara ang mga mata niya..

"Paalam Ella. Pangako kahit di maganda ang namamagitan satin ay tutulungan ko ang kapatid mo kung totoo man na tumiwalag na siya sa inyong Ama." nakangiting lahad ko sakanya tsaka inalis sa illusion ang lahat. Laking gulat ko ng maabutan ko si Drake sa mismong harap ko. Bale nasa pagitan namin si Ella.

"Ella." usal na sabi ni Drake at hinagkan at nilapitan ang kapatid na wala ng malay.

Tsaka tumingin sakin si Drake.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now