Kabanata 64

3.6K 100 1
                                    

KEIRON

Dinala ko siya sa likod ng Academy kung saan makikita ang libingan ng mga yumao at mga ninuno ng Normsantandia.

"Nasaan ba kasi talaga si Jameson?" inis na singhal sakin ni Andrei.

Habang naglalakad kami papunta sa puntot ni Jameson. Btw wala dito ang katawan ni Jameson. Parang ginawa lang to ng tatay ni Jameson para magsilbing alaala ni Jameson.

Huminga ako ng malalim tsaka humarap sakanya.

"Pre wala na si Jameson." malungkot na usal ko sakanya.

"Anong wala? Paanong wala. Wag naman kayong magbiro ng ganyan." badtrip na sabi niya sakin.

"Pero pre wala na talaga ang kaibigan natin. Iniwan na niya tayo." ramdam ko ang luha sa sulok ng mata ko pero pinili kong balewalain at maging matatag sa harap ni Jameson.

Tumalikod ako at tinuro ang puntot ni Jameson na nasa harap na namin.

                     Rest In Peace
                Sandiwa ng Amians
          Mage aka Jameson dela Paz

Nakangiti kong tingin sa lapida ni Jameson at tsaka ko nilingon si Andrei.

Nagtataka siyang lumapit at pumantay sakin at tsaka tiningnan ang lapida.

"So totoo nga?" di na napigilan pa ay nagbagsakan na ang mga luha sa mata ni Andrei at tsaka napaupo sa lupa sa harap ng puntot ni Jameson.

"He sacrifice his life para sa iba para sa kaligtasan ng iba. Mas lalo yang pinatunayan na isa siyang mapagkalingang prinsepe ng Amians na handang isakripisyo ang buhay para sa iba. Ang tapang ng kaibigan natin pre." mahabang litanya ko sa kanya tsaka hinimas ang balikat niya para huminahon.

"Pre pasensya na kung wala ako dito nung mga panahong nangyari yun. Inuuna ko kasi ang pride ko at umalis sa Academy." umiiyak na sambit ni Andrei.

This is the first time na nakita ko siyang umiyak. Ito ang unang beses na umiyak si Andrei.

"Ang daya mo pre kala ko ba papakasal pa kayo ni Stacey." natatawang biro niya pa.

At mas ikinagulat ko pa ang biglang pagtawa niya.

Nababaliw na ba kaibigan ko?

"Talagang naisingit mo pa yan tsk." natatawang sabi ko kay Andrei.

Natawa nalang kami pareha. Dahil ito ang unang beses na nag-usap kami ng di parehong mainit ang ulo at seryoso. Sabay kaming tumingin sa lapida ni Jameson at nagtawanan.

Para kaming tanga diba.

"Teka nga Kei. Sino ang gumawa nito kay Jameson?" biglang seryosong tanong niya.

"Tsk ang demonyong si Drake." badtrip na sabi ko.

Sa totoo lang. May part na gusto kong sumugod sa Zaynadarks at paslangin siyang demonyo siya. At tsaka nag-aalala na din ako kay Criszette kahit alam kong kaya niya na sarili niya pero kasi di ko maiwasang mag-alala sakanya.

"Wala na talagang ginawang matino yun silang mag-ama." naiinis na sabi ni Andrei.

"Tsk tama ka diyan wala na silang pinalagpas. Pati kaibigan natin di pinatawad." gigil na sabi ko sakanya.

"Bakit pala di pa kayo nasugod sa Zaynadarks."

"May utos kasi sa nakakataas na wag muna kami kikilos ng ikapapahamak namin dahil paniguradong may nakaambang patibong ang Zaynadarks lalo na't hawak nila si Criszette at ang kasintahan ni Christian na Gabby daw ang pangalan."

"Sabagay tama naman sila pero kailan tayo kikilos?"

"Sa oras na malakas na tayo at may sapat na plano kung paanong makakabalik tayo lahat ng ligtas sa Academy."

"Pre pwede bang bumalik na tayo sa Canteen gusto ko ng makausap ang kakambal ko." biglang sabi niya.

"Oo nga pala tsaka baka maubusan tayo ng pagkain na libre ng kapatid mo." natatawang sabi ko sakanya.

Bago kami umalis ay nagpaalam muna kami sa puntot ni Jameson tsaka umalis.

Pero bago kami tuluyang umalis..

"Ah pre?" biglang tawag ko kay Andrei.

Kaya lumingon siya.

"Pwede bang tahimik mode pa din tayo dun ako nasanay e." natatawang suggestion ko sakanya.

"Aba sige. Sanay na rin ako na ganyan eh hirap baguhin ng nakasanayan." natatawang sabi niya.

Matapos ng napag-usapan ay napagpasiyahan naming maglakad papuntang Canteen.

Habang naglalakad ay panay ang kwentuhan namin ni Andrei.

"Drei kung liligawan ni Joshua si Andrea papayag ka?"

"Nakahalik na nga eh may choice pa ba ko." umiiling na sabi niya sakin.

Sa totoo lang nagulat kami sa biglang paghalik ni Joshua kay Andrea. Malakas ang kumag. Kaya pati si Andrei di nakapalag ng itulak siya ni Joshua sa gilid.

"Iba rin ang kumag." natatawang usal ko.

"Di naman kagaya sayo yun na torpe."

Kaya natigilan ako at sinamaan siya ng tingin.

"Oh? Bat ganyan ka makatingin. I'm just telling the truth here." nakangising sabi niya.

Aba anlakas mang-alaska nito.

"Pero binabalaan kita Kei bilang kaibigan. Alam ko namang di ko na mapipigilan yang nararamdaman mo para sakanya. Maging handa ka sa malalaman mo balang araw." makahulugang sabi niya tsaka naunang naglakad.

"Anong ibig sabihin mo?"

"Balang araw malalaman mo din." nakangising sabi niya.

"Bwisit ka wag kang manliligaw sa kapatid ko ha." inis na singhal ko sakanya.

"Aba't sinong  nagsabi sayong gusto kong ligawan yung maingay na yun." inis na sabi niya sakin.

"Di mo man sabihin sakin alam kong type mo ang kapatid ko." nakangising sabi ko sakanya.

Ako naman ngayon haha kala mo jan!

"Type mo mukha mo." sabi niya tsaka umalis at iniwan na ko dahil gumamit na siya ng mafi ng paglaho.

Pikon hahaha.

Ayaw nalang umamin eh wala namang masama kung aamin eh. Payag naman ako eh. Tsaka bagay naman sila ni Serena.

Aba swerte pa nga siya eh dahil si Serena lang tumagal sa ugali niya. Kahit nga kaming mga kaibigan niya ay nahihirapang sundan ang ugali ni Andrei samantalang si Serena kayang-kaya na kabisadong kabisado si Andrei.

Bestfriend pa nga sila.

Nahinto lang ako sa pagmumuni ng mapagtanto kong nasa canteen na ako. At nandun na si Andrei at kinukulit ni Serena habang busy siya sa pagkain.

At sina Joshua at Andrea na mukhang nagkaligawan na.

Tapos si Stacey bumabalik na ulit sa normal sana magtuloy-tuloy na.

Tapos sina Miguel at Coleen ay tahimik silang nag-uusap sa gilid.

Tapos si Christian nakapangalumbaba na parang ang lalim ng iniisip.

Napangiti nalang ako ng mapait ng maalala ang dalawang taong mahalaga din sakin.

Si Jarret at Criszette?

Kailan kaya makukumpleto ang barkada?

Oo alam kong babalik si Jarret..

Pero si Criszette walang kasiguraduhan ang kaligtasan niya sa kamay nila Israel.

I miss her so much.

Napatingin ako sa langit at ulap at napangiti ng mapait.

Kailan ba matatapos ang lahat ng to?



The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now