CHAPTER ONE

8.1K 333 39
                                    

MAURR REIDAR RICCI HALVORSEN, PH.D.

Pagkabasa namin ni Keri sa pangalang sinulat sa whiteboard ng binastos kong lalaki sa 7-Eleven, nagkatinginan kaming magkaibigan. Nakaawang ang mga labi namin pareho pero ako ang napalunok nang kung ilang beses. Gusto kong himatayin. Ganunpaman, kailangan kong panindigan ang pagsisiga-sigaan sa loob ng klase or else masisira ang reputasyon ko sa mga kamag-aral.

"You're dead, Eula!" pananakot pa ng p*ta.

Dinukot ko ang sign pen sa bulsa ng berde kong jogging pants at tinutok ko sa pagmumukha niya. "Eh, kung patayin muna kita?" anas ko. Nagngingitngit. Ilang beses ko pang winasiwas iyon sa harapan niya. Gigil na gigil ako. Sa halip na matakot, napahagikhik si Keri.

Aba, aba. Hindi ako siniseryoso ng haliparot! Dinampot ko ang libro sa accounting ng katabi ko at ipanghahambalos ko na sana sa bruha nang maramdaman kong may lumapit. Shocks! Nakatayo na sa harapan ko si MAURR REIDAR RICCI HALVORSEN, PH.D.

"Sir, yes, sir!" At nag-hand salute pa ako. Kunwari'y upong militar na agad.

Ang mga kaibigan ko sa hindi kalayuan ay sumesenyas na sa aking umayos daw ako, pero hindi ko talaga napigilan ang sarili. Kusang lumabas ang ganoong reaksiyon ko, eh. Ano'ng magagawa ko?

"You're not funny, Miss---what's her name?"

Binalingan niya ang mga kaklase ko.

Parang choral group na sabay-sabay na binigkas nila ang buo kong pangalan. YOLANDA YSADORA ANAI (pronounced as anay).

Bahagyang nalukot ang puno ng bibig ni MAURR REIDAR RICCI HALVORSEN, PH.D. na tila ngumiti, pero pinigilan lang.

"Okay. Pagtawanan mo'ng apelyido ko." Balang-araw magiging middle name din iyan ng mga anak mong hayop ka! Pero siyempre, sa akin na lang iyong huli kong sinabi.

"Name shaming someone is not part of my character. I'm not you," sagot ni Propesor Mahaba Ang Pangalan saka tumalikod na sa akin. Siya na tuloy ang kunwari'y hahantingin ko sana ng sign pen. Pigil na pigil ang paghagikhik ng mga kaklase namin dahil sa ginawa ko. Hindi iyon nakaligtas kay Propesor Masungit. Bigla ba naman itong humarap uli sa amin. Nabitin tuloy sa ere ang kamay kong may hawak ng sign pen.

He guessed what I was doing. He gave me a stern look. Napahalukipkip pa. Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang galit niya. No'n lang ako natakot nang todo. Kaso nga lang mas matimbang pa rin ang pride ko. Ayaw kong madungisan ang pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan kung kaya pinanindigan ko na ang kawalanghiyaan.

"Sir, I was about to ask---how do you pronounce your second name? Ray-dar? Re-i-dar? Ra-dar?"

"Loka-loka! Hindi ka ba nakikinig kanina habang nagsusulat si sir? Sabi nga niya, Raydar!"

"Ikaw ba si, sir?" sagot ko kay Shane. Diniuro ko pa ng sign pen.

"Your classmate was right. Were you not listening when I was saying my name?"

"Sowie, sir," nakangisi kong pakli. Nagpa-cute. Lalo niya akong tinitigan nang matiim.

"You know what Ms. Anai? I hate saying it, but sometimes names reflect the owner's character. I hope and pray I'm wrong. I will be very happy if later I'll find out, I'm wrong."

Aba, aba ang hinayupak! Sinabi na niya kaninang hindi siya nagne-name shaming, ah. Ano iyon?Hipokrito!

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya kung kaya reresbak na naman sana ako, pero nagtaas na si Propesor Mahaba At Maarte Ang Pangalan na ayaw na raw niyang marinig ang boses ko. Hihingi sana ako ng suporta sa mga kaeskwela pero mukhang wala na silang pakialam sa akin. Nakatutok na sila kay sir na ngayo'y nagpapaliwanag na ng course description ng klase namin. Wala akong nagawa kundi manahimik muna.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now