CHAPTER SIXTEEN

2.9K 194 19
                                    

Wala akong sinabihang ikinasal ako noong Sabado kay Sir Maurr maliban sa tatlong bruha kong kaibigan pero nalaman pa rin ng lahat sa school. Heto't kahit saan ako magpunta may nagbubulung-bulungan. May ibang hindi nakatiis at pinarinig pa sa akin. Ano raw ba ang pinakain ko kay Sir Maurr at hindi ito nakatiis at pinakasalan agad ako?

"Siyempre, ano ba'ng kinakain ng mga lalaki?" sagot ng isang pilyong freshman na ikinatuwa ng kanyang mga kasama, lalung-lalo na ang mga kalalakihan. Ang mga girls naman ay napatawa rin pero may ibang nanghampas muna sa balikat ng guy.

Natigil ako sa paglalakad. Inismiran ko ang chakang freshie. Ngumisi naman siya sa akin nang nakakaloko. Kung hindi lang ako nagmamadali't male-late na ako sa klase ko sa Math in the Modern World papatulan ko sana ang panget! Binubwisit ang araw ko eh!

"Hoy, ba't late ka? Ito na nga lang ang klase mo today hindi ka pa nakarating on time?" salubong sa akin ni Keri habang umiikot sa classroom namin. Hindi ko nakita roon ang aking butihing asawa.

"O, hayan. Ikinuha na kita ng photocopy mo," sabi naman sa akin ni Shane sabay lagay ng naka-staple na kopya ng article sa upuan ko.

"Ano iyan?" tanong ko agad sabay dampot sa naturang papel. Pinaningkitan ko ito tapos pabirong kinuyumos at tinapon sa harapan. Nagtawanan ang mga kaklase namin. Saktong dumating naman si Sir Maurr at nakita niya ang ginawa ko. Dali-dali akong napatayo sabay dampot sa papel. He looked at me sternly but he didn't utter a single word. Pumunta lang siya sa harapan at bumati sa klase. Pagkatapos, he asked us to read the paper he gave us silently for 10 minutes.

Habang nagbabasa manakanakang sinusulyap-sulyapan ko siya habang nakatayo sa harapan. Larawan siya ng kaseryosohan ngayon. Parang ang lalim ng iniisip. Ano kaya ang pinoproblema ng mokong na ito? Hindi naman siguro tungkol sa kasal namin? Aba, hindi na niya ako masisisi roon. Ilang beses ko siyang binigyan ng pagkakataong umatras. 'Kako'y handa kong harapin mag-isa ang kaparusahan ng aking mga magulang sakaling hindi siya dumating. Kasalanan niya't sumipot-sipot siya tapos heto't tila pinapakonsensya niya ako? Nakakainis lang!

"Hoy, ano ba'ng binubulong-bulong mo riyan? Ikinasal ka lang nabuwang ka na?" si Keri. Ngingiti-ngiti ito. Siniko ko ang haliparot. Nakita iyon ni Sir Maurr at tiningnan ako nang masama. Tinuro ko si Keri at sinenyas dito na BFF ko ang may kasalanan. Pero dahil subsob kunwari sa pagbabasa ng condensed version ng A Mathematician's Apology by G.H. Hardy ang bruha, inakala na naman ni Sir Maurr na ako ang pasimuno ng lahat. Lumapit siya sa akin.

"What's the problem, Ms. Anai?" tanong nito. Walang kangiti-ngiti.

"Correction, Mrs. Halvorsen," sagot ko. Wala ring kangiti-ngiti.

"Ooyyy!" sigaw ng mga kaklase ko. Kilig na kilig sila. May ibang mapangahas na sumigaw pa ng, "Mabuhay ang bagong kasal!"

"Kiss, kiss!" sulsol naman ng iba.

Sir Maurr glared at me for a few seconds before he turned his back to tell my unruly classmates to behave. Hindi naman siya nagalit sa mga nagsipag-cheer. Bagkus, umakto siyang tila walang narinig. Balahura at makapal man ang apog ko, aminado pa ring medyo nasaktan ang ego ko sa naging reaksiyon niya. Nang mahagip ko ang sulyap ni Keri pinandilatan ko siya agad. Humagikhik naman ang bruha.

**********

Ang alam ko sina Mary at Professor Pelaez lang ang nakakaalam na ikinasal ako sa antipatika kong estudyante noong nakaraang Sabado subalit laking gulat ko pagpasok kaninang Lunes nang mapag-alaman na kumalat sa buong campus ang balita. Sinalubong ako ng congratulatory message ng mga co-faculty sa Math Department. May pinagawa pa silang tarpaulin at dinikit sa Bulletin Board ng department namin. Hindi lang iyon, may mga nag-iwan pa ng mga regalo sa ibabaw ng mesa ko. Ang mas matindi. Nasa klase na ako ng Math in the Modern World ko sa Technology Building ng bandang hapon nang biglang sumilip ang Senior Vice President for Academic Affairs at pinababa ako sa upisina niya. May kaunting salu-salo raw silang hinanda para sa akin at kailangan ko raw i-blow ang congratulatory cake para masimulan na ang selebrasyon kahit wala ako roon. I like the Filipino side of my heritage very much but not this one. Pakiramdam ko kasi'y masyado na silang nanghihimasok sa buhay ko. As if that was not enough, iyong impertinente kong estudyante na siyang sanhi ng lahat ng ito ay nagawa pang magkengkoy-kengkoyan sa klase ko kanina. Na-sense kong wala lang sa kanya ang lahat samantalang ako'y naaalibadbaran na sa atensyong nakukuha sa campus lalung-lalo na sa mga kapwa ko guro.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now