CHAPTER THIRTEEN

3.4K 196 25
                                    

A/N:  Ang buong kuwento po until chapter 40 plus epilogue ay nasa Dreame under the username Gret San Diego. Please support me there. Thankie!

**********

"Pinabalik daw ni Sir Maurr ang long test mo? Totoo ba iyon?" tanong ni Keri nang makasalubong niya ako sa canteen nang umagang iyon.

"Oo. Baka namali ng counting. Three points na lang ang kulang ko para makapasa. Kainis!" sagot ko sabay lapag ng shoulder bag sa isang mesa malapit sa mga stalls ng pagkain.

Ngumisi si Keri. "Bakit naman kasi hindi ka nag-aral. Nagbigay ako ng review materials ah."

Sinimangutan ko siya.

"Huwag mo nga akong nilalansi riyan. Bakit cannot be reached ka last night? Sagot!"

Pabiro ko siyang sinakal. Humagikhik ang bruha.

"Your mom ----ano ba!" At humalakhak na ito sa kiliti. Pinagtinginan kami ng mga gurong nagbe-breakfast doon. Hindi ko sila pinansin. Sinakal ko pa kunwari si Keri. Sa kakaiwas niya may nasagi siyang tray. Napa-oops ang may hawak no'n at may tumalsik na malagkit na likido sa paanan namin. May natapong orange juice. Nang mapatingin kami sa kung sinong nasagi, bigla kaming nagseryoso ni Keri. Umupo kami nang matuwid. Ang friend ko'y nag-sorry pa.

"Let me carry that for you, Sir Halvorsen. Where do you wanna sit?" pagmamagandang-loob pa ni Keritot. Pero inisnab siya ni Sir. Tiningnan pa ako nang masama. Dedma lang ako.

"Ang sabi mo, pumayag na si Sir na ikasal kayo? Bakit parang hindi ka kilala?" pabulong na tanong sa akin ni Keri. Patago pang sinulyapan si Sir Maurr na sinadyang maupo malayo sa aming dalawa ng kaibigan ko.

"Ano pa nga ba? Baka nagpapa-hard to get!"

Dinampot ko ang shoulder bag at nagmartsa palabas ng canteen. Humabol si Keri.

"Hindi ba tayo magbe-breakfast dito?"

"Hindi na."

"Bakit naman? Nagtitipid pa naman ako ngayon. Pass muna ako sa Jollibee o Yellow Cab, ha? I spent all my money on that goddamn ticket. It better be worth it!"

Ang ticket na sinasabi ni Keri ay ang pa-concert ng isang K-Pop group sa Manila. Napilit siya nila Shane at Felina na samahan silang manood no'n. Ako nama'y mariing tumanggi. Hindi ko kasi feel. Mayroong pa-seminar si Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. sa nasabing araw. Hanggang alas siyete y medya iyon ng gabi. May choice ba ako? Napangiti ako nang lihim.

**********

Habang tinitingnan ko ang algebraic expression pati na ang solution na inakala kong sariling gawa ni Ms. Anai para magpa-cute sa akin, napailing-iling ako. Na-flatter pa naman ako nang una kong makita iyong love note niyang in-express niya in mathematical equation. Iyon pala ninakaw niya lang on Google at hindi pa nag-cite ng source. Akala niya malulusutan niya ako.

Hindi iyon parte ng exam na pinasagutan ko sa kanya, kung bakit isinama. Find 'i' pala, ha. Sinulatan ko pa-crosswise ang ginawa niyang computation ng: PLAGIARIZED. Gusto ko sana siyang bigyan ng zero na score sa exam, pero naawa rin ako. Nag-deduct lang ako ng five points doon sa total score niya. From 47 naging 42 na lang ang nakuha niyang puntos.

"Good afternoon, Maurr---I mean, Sir Maurr."

Thinking of the devil...

Hindi na ako kailangang lumingon para makilala ko ang may-ari ng boses ng presumptous student ko. Si Ms. Anai, who else. Tila bumalik na sa dati ang disposition nito. Kung no'ng isang gabi'y tila basang sisiw siya sa tabi ng mom niya, ngayo'y back to her old self. Ang bilis niyang maka-regain ng composure at confidence. Heto nga't hindi ko pa pinapaupo sa harapan ng desk ko ay naupo na agad. I stared at her with a blank expression on my face. I was playing with my pen. Tinatap ko no'n nang mahina ang desk ko. Instead of getting uncomfortable with my silence, Ms. Anai seemed relaxed and poised. She even managed to give me her sweetest smile. Ako ang nailang. Napalunok ako nang wala sa oras.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now