CHAPTER FIFTEEN

3.6K 206 14
                                    

A/N:  Thank you guys for reading up to here. Please support this story on Dreame under the username, Gret San Diego. Salamat po.

**********

Dahil madalian lang ang kasal hindi kami nakagawa pareho ng wedding vows namin kung kaya we just repeated after the priest. Aaminin ko, medyo kinilig ako nang tanungin ng pari si Sir Maurr ng, "Maurr Reidar, do you take Yolanda Ysadora to be your lawfully wedded wife?" Nakita ko kasing matiim ang titig niya sa akin. Pakiramdam ko'y feel na feel niya ang seremonya at umeechos lang na napilitan kuno. Kung bakit ko naisip iyon? Aba'y sumagot siya agad ng, "Yes, I do!" Walang pag-aalinlangan at wala pang inaksayang oras. At ito pa ang pinaka-nagpakiliti sa singit ko, nang tanungin siya ni Father ng, "Do you promise to share you joys and sorrows, forsaking all others, to be faithful to her alone?" tumingin muna siya sa akin at habang nakatitig ay sumagot sa bedroom voice niya ng, "Yes, I do, Father." Kung anu-ano na agad ang naisip ko. Na-imagine ko si Ms. Suarez na kumekendeng-kendeng sa harapan niya at halos maghubad na sa pang-se-seduce sa kanya pero sasabihan niya lang ng, "No, Mary. I'm committeed to my wife, Eula, my one and only."

"H-ha?" tanong ko and I looked at Sir Maurr absent-mindedly. Humigpit kasi ang hawak niya sa kamay ko. And he was glaring at me!

Tumikhim si Father sabay slide ng eyeglasses niya sa gitna ng bridge ng ilong para mapagmasdan akong mabuti. Medyo nalito ako. Nasaan na ba kami? At ano na ang nangyayari?

"I'll repeat," sabi ng pari, medyo impatient na. "Do you, Yolanda Ysadora, take Maurr Reidar to be your lawfully wedded ----,"

"Yes, I do, Father!" sagot ko agad bago pa mabanggit ang salitang husband. Susko! No wonder, ang talim ng tingin ni Sir Maurr sa akin kanina. Natanong na pala ako at hindi ako nakasagot.

"Patapusin mo ako, hija," saway ng pari. Inulit na naman nito ang tanong. This time sinigurado kong nabanggit na niya ang husband bago sumagot. Nakita kong napailing-iling si Sir Maurr.

Nang i-anunsiyo na ng pari na kasal na kami at maaari nang hagkan ng groom ang bride niya na-excite ako. Sa sobrang excitement, napapikit kaagad ako. Nang walang sumayad na lips sa lips ko, I opened one of my eyes partly and I saw him staring at me like he had no plan of kissing me. Medyo na-insulto ako. Ganunpaman, nagkunwari akong okay lang. Nang sa tingin ko'y naghihintay lamang ako sa wala, biglang dumapo ang mga labi niya sa isa kong pisngi. But it was a very light kiss. Doon ako medyo nagtaka. Kung kanina'y parang atat siyang sumagot ng "I do!" ngayo'y larawan siya ng isang reluctant husband. Napalipat-lipat nga ng tingin sa aming dalawa ang pari.

Nang matapos ang seremonya at mag-picture taking na, ibinulong iyon ni Mom sa akin.

"What were you thinking during the wedding vows, Yolanda Ysadora?" nagngingitngit na tanong ng ermat ko. Ibinubulong lamang niya ito dahil todo ngiti siya sa harapan ng camera.

"Nothing. What should I think about?" sagot ko. Nagmaang-maangan pa. My Mom gave me a stern look. Pinaalala sa akin ang hindi ko agad pagsagot sa tanong ni Father.

Hindi na ako umimik pa. Hahaba lang ang diskusyon naming mag-ina. Nakakahiya sa mga Halvorsen. Ang nanay ni Sir Maurr napansin kong hindi rin naiiba kay Mom sa ugali, pero nagawa nitong pigilan ang sarili. Actually, her husband and her were both very graceful and polite. Kakakitaan talaga sila ng breeding. Sa amin naman, si Dad lang ang cool. Kami ni Mom ay panay anasan at asaran. Medyo nahiya nga ako sa mga Halvorsen. Pero nakakapika minsan ang nanay ko. Hindi pwedeng hindi ko patulan.

**********

It felt surreal. I am now a married man. Mayroon na akong legal responsibility sa antipatika kong estudyante. Who would have thought that I would end up as her husband ten weeks after meeting her? Ang bilis ng mga pangyayari!

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon