CHAPTER FOURTEEN

4.4K 222 48
                                    

What did I say? Putragis! Narinig ba ako ng kumag na ito kanina at gusto lang akong ilagay sa alanganin?

Nagpasaklolo ako sa mga kaibigan ko. I looked at them asking for help without uttering a single word. Usapang mata sa mata kumbaga. Pero imbes na tulungan ako ng mga haliparot, ngumisi lang sila sa akin. Tinaasan pa ako ng kilay ni Felina na tila hinahamon ang pagiging eskandalosa ko. I gave her a dagger look. Lalong tumamis ang ngiti ni Taba. But like Keri and Shane, she remained silent.

"Well, Ms. Anai?" si Sir Maurr ulit. Nakakurus na sa dibdib ang kanyang mga braso. Hinihintay niya ang kasagutan ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang saloobin niya dahil seryoso, pero hindi naman mukhang galit. Wala ring palatandaan kung natuwa sa mga sinabi ko.

"M-mukha namang narinig po ninyo bakit n'yo pa po pinapaulit?" sagot ko sa wakas. I emphasized the 'po' and made my voice extra polite.

He stared at me without uttering a word. His blue eyes started to turn a bit icy. I shivered a little. I also felt a bit embarrassed but then I need to show my friends, Vivi, and her stupid asungots that I am still Yolanda Ysadora Anai, ang reigning queen ng mga mahadera. Imbes na bumahag ang buntot taas-noo kong hinarap si Sir Maurr at nginitian na. Lahat ng sugar sa nainom kong milk tea ay nilagay ko na sa ngiting iyon.

"When will you ever try to act like a lady? You always disappoint me, Ms. Anai."

Mahina ang tinig ni Sir Maurr pero sobrang tumagos sa puso ko. Anuman ang pagsusumikap kong balewalain ang mga iyon hindi ko nagawa. Awtomatiko nga akong napapiksi at hindi agad nakahagilap ng isasagot doon.

"And when will you stop acting like an ice king, Maurr? As if ka pa. You also disappoint me."

Nagsalubong ang mga kilay ni Sir Maurr. Medyo naningkit pa ang kanyang mga mata. Shit. Nagalit na yata ang kumag. Aminado akong natatakot din ako nang kaunti, pero hindi ko maikaila rin ang excitement na nararamdaman.

Bakit ganoon? Ang ibang taong nauubusan ng pasensya kapag nalulukot ang mukha'y pumapanget, pero itong hinayupak na ito ay tila lalo pang pumogi. 'Asan ang hustisya, Lord?

"Maurr? It's Sir Maurr or Professor Halvorsen to you. I am NOT your friend, Ms. Anai," mariin niyang sagot. Umiling-iling pa ito pagkatapos.

Naghagikhikan tuloy hindi lang mga kaibigan ko kundi pati na rin sina Vivi at mga engot niyang kasama. Lalo akong nainis kay Sir Maurr. The moment he turned his back on us, ginaya-gaya ko ang sinabi niya sa akin tapos ay binelatan ko pa siya.

"You're being childish Yolanda Ysadora. Ewan ko sa iyo," natatawang sabi sa akin ni Felina saka nagpaalam itong pupunta na sa klase niya.

"O siya, sistah. See you later, okay? Behave. Papasok na rin ako," sabi naman ni Keri. Hinalikan niya ako sa pisngi. Ganoon din ang dayalog ni Shane matapos magbeso-beso.

"Pahiya ka, ano?" nakangisi namang pahayag ni Vivi. Nagtawanan sila ng mga kaibigan niya bago pakembot-kembot na umalis sa harapan ko.

Pinigilan ko ang sariling batuhin sila ng suot kong sapatos. Huminga lang ako nang malalim.

May araw ka rin, Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D.

**********

Kanina pa ako nakatingin sa blank screen ng laptop ko, pero wala akong maitipa. Nakadalawang texts na sa akin si Prof. Pelaez para magtanong kung tapos na ako sa proposal ko para sa gagawing talk sa Activity Period ng unibersidad sa susunod na buwan. Nandoon daw siya ngayon sa upisina ng dekano ng College of Arts and Sciences at pinag-uusapan nila ang iisponsor na talks ng departamento namin.

Huminga ako nang malalim at isinandal muna ang ulo sa headreast ng upuan ko. I closed my eyes. Kaso kahit ano'ng gawin ko umaalingawngaw pa rin sa aking isipan ang mga sinabi ni Ms. Anai sa kanyang mga kaklase kanina.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon