CHAPTER TWENTY-TWO

3.2K 230 20
                                    

A/N:  This is also available on Dreame, on Gret San Diego's page. Please support me on Dreame as well. Salamat!

**********

"What were you doing downstairs? Why didn't you go up to my unit?" sunud-sunod na tanong ni Maurr habang pumapanhik kami ng hagdan. Yes, hagdan! Nag-brown out kasi kung kaya kailangan naming panhikin ang siyam na palapag dahil nasa 9th floor ang condo niya.

"Ni-lock mo naman kasi ang mailbox mo! I left the key card there!" asik ko sa kanya. Kanina pa kasi ako nagpaparamdam na masakit na ang mga binti ko sa kakaakyat ng stairs ngunit ang manhid ng lolo. Ni hindi man lang umalalay sa akin. Ang bilis pa maglakad. Hiningal-kabayo tuloy ako pagdating sa itaas.

Nilingon niya ako. He squinted at me again as I was almost crawling towards him. His blue eyes looked at me with suspicion. Parang hindi nakita na halos gumapang na ako sa pagod.

"Hindi ko niwala ang key card mo kahit puntahan mo pa sa ibaba."

"I didn't lock the mailbox," sabi niya. Tapos nangunot ang kanyang noo na para bagang pilit na inaalala kung tama nga ang kanyang memorya tungkol doon.

"You didn't?" tanong ko pa sa kanya sa tonong mas nanggagagad kaysa sa nagkokompirma kung tama ang dinig.

Sa totoo lang, hindi ko na rin masyadong matandaan. Basta nang nilagay ko iyon doon kaninang umaga, hindi ko naman inisip na kakailanganin ko pa iyong muli. Kanina kasi nang nilisan ko ang condo niya, napagpasyahan ko nang sa sarili kong condo tumira for the rest of the second semester. Naisip ko kasi, dutdutan lang kami nang dutdutan wala namang linaw kung kami na. I have given him all the signs. Nabanggit ko pa noong una na hindi ako basta-basta nagpapaano. Hindi pa ba klaro sa kanya ang lahat?

Sabi sa akin ni Felina at Keri, if a guy loves me he doesn't need a sign from me that I like him, too, for him to pursue me. Pero itong mokong na ito, lahat na ng sign nabigay ko na. Kasing komplikado lang siya talaga ng cosine na itinuro niya sa amin. Kahit memoryado ko ang formula, hindi ko talaga kayang i-solve kahit tumabling pa ako't mag-split nang ilang beses.

Nilingon niya ulit ako. Nasa harap na kasi siya ng pintuan ng unit niya ngunit ako'y ilang dipa pa ang layo. Ang mga lakad ko'y may kasamang bugnot. Sobra akong disappointed. Paano kasi ang sweet-sweet niya kanina sa ibaba. Pinahiran pa ang mga luha ko. I was thinking it would be the start of a real relationship with him. Hindi pa pala.

Hay, Maurr. You make my life MORE complicated.

Pagpasok namin sa unit niya, ang dilim-dilim dahil wala pa ring ilaw. Hindi na kasi nakakapasok ang liwanag ng buwan. Ginamit niya ang flashlight sa cell phone at pinailawan ang daraanan namin. Tahimik akong dumeretso sa kuwarto ko at binagsak agad ang katawan sa kama nang padapa. Pero bigla rin akong napabangon dahil may tumusok sa keps ko.

"Punyeta, Maurr!" sigaw ko.

Kinapa ko ang bag kong saan ko iyon binagsak. Nandoon kasi ang cell phone ko. Nais kong gamitin ang flashlight no'n para mapailawan kung ano ang nadaganan ko. Nang maaninag ko na ang kabuuan ng aking silid, napasimangot ako sa nakita. Ang kama ko'y punung-puno ng kung anu-ano kong abubot. Bakit nandoon lahat ang mga iyon?

Nang makita ko ang tumusok sa keps ko, maliit na karton ng Clearblue na padala ni Mommy, hinagis ko agad ito sa kung saan. Saka binaba ang mga libro, maruming damit, at kung anu-ano pa sa sahig. I will deal with them tomorrow. Ngayo'y gusto kong mag-emote.

I hate my mom. Galit din ako sa ate ko. Pati kay Maurr. Lalung-lalo na kay Maurr! I hate them all!

"Eula," tawag ni Maurr mula sa labas ng pinto ko. Mahina lang ang tinig niya.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon