CHAPTER THIRTY-THREE

2.9K 257 44
                                    

A/N: Please read while it is still here. Updated na rin ito sa Dreame. Thanks.

**********

Ilang araw pa lang na wala si Maurr sa condo pero pakiramdam ko'y ang tagal na niyang nawala. For the first time in my life naging importante sa akin ang kalendaryo. Narinig ko na noon pa ang mga kuwento ng OFW na mga kasamahan ni Mommy na ini-ekisan nila o binibilugan ang mga araw na nagdaan para mabilang nila kung ilang tulog na lang at makakauwi na sila ng Pilipinas. Sa ganoong paraan ay namo-motivate raw sila na ipagpatuloy ang buhay.

Hindi ako OFW pero nakigaya na rin ako sa kanila. Katunayan, bago mag-umpisa ng araw ko'y kalendaryo agad ang tinitingnan ko kaya alam kong eksaktong isang linggo nang nasa Iceland si Maurr, pero isang beses pa lang siyang natawag. Iyon ang araw na pinakilala niya ako sa lolo't lola niya. I was very hopeful matapos ang araw na iyon. Inisip kong magsisimula na ang mga magagandang sandali naming mag-asawa. Pero parang umasa lang pala ako sa wala.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may marinig na tunog ng buzzer. Napalingon ako sa front door. Sinilip ko muna sa maliit na butas ng pinto kung sino ang nasa labas. Nang makita kong mga haliparot kong kaibigan, kaagad ko iyong binuksan.

"Surprise!" sigaw nilang tatlo.

May dalang pink and blue balloons si Shane. Si Keri naman ay isang bouquet ng red roses. Pero kay Felina ako natuwa. Mabango at katakam-takam ang bitbit niya. Mainit-init na Yellow Cab carbonara, pizza, and fried chicken.

Napahawak agad ako sa tiyan. Tamang-tama. Hindi pa ako nakapananghalian.

"We know you are so sad, girl, kaya we're here," pa-conyong sabi sa akin ni Keri sabay halik sa pisngi ko.

"Tsaka alam din naming wala ka nang pang-Yellow Cab ngayon," nakangising dugtong naman ni Felina. Nauna na ito sa living room. Parang kanya ang bahay na siya pa ang kumuha ng mga kubyertos na gagamitin namin sa kusina.

"Ang ganda pala ng place ni Sir Maurr, 'no?" komento naman ni Shane. Patingin-tingin ito sa paligid. Nang makita ang larawan ng lola at kapatid na babae ni Maurr nagtanong agad kung sino ang dalawa. Nang sabihin ko sa kanya, napa-wow. "Nasa lahi pala nila ang good looks."

Napaismid si Felina. "Ask me about the mom."

"Na-meet mo na siya?" hindi makapaniwalang tanong nila Keri at Shane.

Naisip ko, hindi naman pala tsismosa ang Felina. Hindi niya pinagkalat ang encounter niya with Mrs. Halvorsen.

"Hindi masyadong maganda si Mom pero ubod ng katarayan." Nang tingnan ko't magtama ang paningin namin, kahit wala pa akong sinasabi binawi niya ang pang-ookray. "Well, may hitsura naman kahit papaano---she looked more Japanese than Filipino at masasabi ring maganda pero ang sama ng ugali! As in!"

"Mas mataray pa ba sa mommy ni Yolanda?" tanong ni Keri.

"Parang naging anghel ang mommy ni bru kung ikompara." At humagalpak pa ng tawa si Felina. "At least si Doktora Anai naman nasa lugar ang katarayan. Tsaka hindi tayo minamata. Pero iyong mom ni Sir Maurr, wagas kung mag-inarte. She's a typical Pinay na nakapag-asawa lang ng foreigner akala mo na kung sino."

Nang maalala ko si Mommy medyo nalungkot ako. More than a month nang wala kaming communication. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanila ni Ate sa States. Ang sabi nila noon sa akin kung magkakatuluyan kami ni Tadpole ay ira-write off na ng ospital nila ang utang namin sa pagkaka-hospitalized kay Dad doon nang kung ilang buwan. Halos kalahating milyong dolyar iyon, eh. Pero dahil sinuway ko si Mom at walang kasalang naganap may pakiramdam akong natuloy ang pagbebenta ng bahay sa Maryland para mabayaran ang utang namin. Napahinga ako nang malalim.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon