CHAPTER TWENTY-SIX

2.8K 239 21
                                    

"I will not answer that for you. It's your life, Eula. You do it your way," ang sabi na lang niya bigla makaraan ang ilang minutong pananahimik.

Do it my way. Eh kung i-my way ko ang pagmumukha mo? Kunwari ka pa! Nanggagalaiti ka na riyan, eh! Bakit hindi pa kasi umamin ang maputlang lalaking ito.

"My way? As in Frank Sinatra's My Way? Hindi mo ba alam kung ano'ng nangyayari sa mga taong kumakanta ng My Way?" tanong ko sa kanya.

Nalito siya. Paano raw nasama sa usapan ang kanta ni Frank Sinatra.

"Sabi mo my way kasi, eh! Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung nagseselos ka o ano?"

"I'm not jealous," kaila niya. At tinitigan pa ako. Gusto siguro akong kumbinsihin na nagsasabi siya nang totoo. Kaso ang talim nga ng tingin sa akin. Paano naman ako mako-convince na hindi nga siya nagseselos kung nanggigigil siya sa galit at the mere mention of Tadpole's name?

"Not jealous pero lumalaki ilong mo," sagot ko.

Sa totoo niyan, imbento ko lang iyon. Ang perfect ng ilong niya. Kahit magalit man o ano, hindi natitinag ang ganda ng hugis ng ilong. Typical white people. Matangos na slim.

Napahawak siya sa ilong at pinangunutan pa ako ng noo.

"My nose doesn't get big."

"Oo na! Ang perfect na ng nose mo!" asik ko sa kanya. In-exaggerate ko ang pagdadrama kasi hindi ko naman mapapaamin na nagseselos nga. Nakakainis.

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang uli sa akin. Mayamaya pa ang galit na umuusbong sa mga mata ay napalitan ng kalungkutan. Hindi na siya nakatingin sa akin ngayon. Deretso na ang mga mata niya sa kaharap na dingding. Parang ang lalim ng iniisip. I felt like hugging him. Pero sa halip ay iba ang ginawa ko. Tinanong ko siya.

"Do you see yourself living in the US in the future?"

"No," was his curt reply. Agad-agad. Hindi man lang nag-isip ng kung ilang segundo. Wala pang kakurap-kurap.

"No? As in no-no? Hindi ka man lang nag-isip?"

"I have made up my mind a long time ago. If I do see myself living here in the future, then I would have chosen to become a citizen of this country, but I did not. I was born here. Not in Maryland but in Minnesota. So I was an American at birth."

Was. Ibig sabihin hindi na.

"Why didn't you choose to be one? Hay, Maurr! Sayang! Mas bagay ka pa naman dito. Kita mo na ang mga tao sa paligid? Mas dito angkop ang beauty mo."

Tinitigan niya ako nang matiim. Hindi na siya nagsalita. Siguro dahil kahit seryoso ang usapan kung anu-anong kabaliwan ang sinisingit ko.

"Saglit lang. Hindi ba allowed naman ang Icelanders na magkaroon ng dual citizenship? Why did you give up your American passport?"

"Because I want to be a Filipino. I want to live in the Philippines."

Napanganga ako. Tama ba ang narinig ko? Mas pinili niya ang Pilipinas kaysa sa Amerika? Well, maganda naman talaga doon. Ako nga ay mas happy sa Manila kaysa sa ibang lugar sa mundo. Kung hindi nga lang sa pangarap ng mga magulang ko para sa akin ay mas gusto kong mamuhay doon. Kaso nga lang...At ako naman ang nalungkot.

**********

Kinaumagahan hinatid ko na si Eula sa kanila. Wala na ang mom o ate niya sa bahay nila, pero may iniwan silang note. Babalik daw sila sa hapon kaya kung pwede raw ay paghintayin ako roon nang makasalo nila ako sa hapunan. Hindi naman ako tumanggi. It's the least I can do for them. Saka baka ma-bad shot sa akin ang mom niya kapag nag-decline ako.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now