CHAPTER THIRTY-EIGHT

2.6K 254 43
                                    

Maliligo na lang sana ako isang umaga nang maabutan ko si Maurr na inaamoy-amoy ang mga feminine wash ko. I was horrified! Iyon ba ang festish niya? Ka-lurky! Hindi ko nga naitago ang matinding pagka-shock sa naabutan ko sa banyo.

"Do not give me that look. I was just trying to make sure your feminine wash is not scented because I read somewhere that it's not good for pregnant women," pangangatwiran nito habang isa-isang binabalik sa estante malapit sa shower ang mga ginagamit ko for my vaginal care. Pero mayroon siyang ibinukod.

"O, saan mo ilalagay iyang vaginal oil ko?!"

"This one should go. It is scented," kaswal niyang sabi saka itinago sa cupboard. Doon pa nilagay sa pinakadulo para hindi ko madaling makuha.

"Maurr, you're insane! I need that one!" At pinilit ko siyang ibalik niya iyon sa estante sa tabi ng shower dahil maliligo na ako. Nang hindi siya tumalima, kinurot ko na sa tagiliran. Nainis ako. Nagulat siya. Napa-aw.

"You're crazy, Yolanda. What do you need that for? Your---doesn't smell anyway," sabi niya. Hindi niya masabi-sabi. In fact, instead of saying it, kumumpas-kumpas lang. Inirapan ko siya.

"Kaya nga it doesn't smell dahil inaalagaan ko. At iyong mga itinago mo ay importanteng parte ng ritwal ko para pangalagaan ito."

Sa irita ko sa kanya, eksaherada kong itinuro pa talaga habang patayong nakabukaka. His eyes followed my gesture at medyo naeskandalo siya. Tumalikod siya bigla at sinabihan akong baliw. Lumabas siya ng banyo. Nakapamaywang na tiningala ko ang cabinet na pinaglagyan niya ng mga panghugas ko sa pekpek. Gigil na gigil ako sa kanya. Naisip kong akyatin iyon sa pamamagitan ng pagsampa sa lababo, pero natakot naman akong madulas. Baka malagay pa sa panganib si baby.

In frustration, napasigaw ako ng, "Maurr! Bakit mo ako ginagalit umagang-umaga?!"

Lumitaw ang kulugo at may dala nang iPad. Pinakita niya sa akin ang artikulo na nagsasabi na huwag daw gumamit ng mga mababangong vaginal care products dahil masama nga raw sa mga buntis. Hindi na ako nakahuma. Tiningnan ko na lang siya nang masama. Hindi ko alam kung bakit, pero dahan-dahan siyang ngumiti. At nang kalauna'y napabungisngis pa. Tinaboy ko na siya palabas. Ano pa ba ang magagawa ko? Naghugas na lang ako gamit ang mild soap na isa mga gamit ko pampaligo. Pero dahil hindi sanay na hindi gumagamit ng feminine wash, I felt a bit uncomfortbale. Palagay ko ay hindi ko iyon nalinis nang mabuti.

Nang dumaan ako sa desk niya kung saan nagko-computer na siya, nilingon ako ng hunghang at nakita ko siyang ngumiti uli na bigla na lang sinupil nang magtama ang aming paningin. Inirapan ko na naman siya at lumipat na sa kuwarto ko agad-agad.

Tapos na akong magbihis nang makaramdam ng pamamasa ng ano. Kinabahan ako dahil ang pakiramdam ay katulad ng first day of the menstrual period. Siyempre, hindi na ako dapat nagkakaganoon. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Binaba ko agad ang panties ko at napag-alaman ko nga na mayroong spots doon ng dugo. Pinanlamigan ako. Hindi ko napigilan ang mapatili. Kaagad na tumakbo sa kuwarto ko si Maurr.

"What happened?" tanong niya. He looked nervous.

"Dinugo ako!" At umiyak na ako agad.

"Huh? You bled?" pagkokompirma niya.

Hindi na ako nakasagot. Umiyak na lang. Alam kong hindi lahat ng dinudugo ay nakukunan, pero iba ang pakiramdam kapag sa iyo pala nangyayari. Hindi ka nakakapag-isip nang matino lalo pa't lampas na ako ng first trimester ko. Kadalasan kasi'y dinudugo lamang ang babae sa early months ng pregnancy dahil may tinatawag na implantation bleeding. Kaya grabe ang kaba ko. Halos hihimatayin na ako sa takot na baka may nangyari na kay baby.

"Don't panic, all right?" payo sa akin ni Maurr. Pero siya itong lumabas ng silid ko at bumalik after a few seconds nang hindi ko alam kung ano ang kinuha sa labas. He held my hand and kissed my forehead. While doing it I saw him closed his eyes. Dahil halos nakasandal na lang ako sa dibdib niya, narinig ko ang malakas na tibok ng kanyang puso. Parang akin din. Pareho pala kaming kinakabahan.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now