CHAPTER SIX

4.1K 242 45
                                    

Papasok ako ng canteen sa gusali ng Institute of Accounts, Business and Finance o kilala sa pangalang IABF sa campus nang mamataan ko sa hindi kalayuan si Propesor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Nakatingin siya sa akin! Diyos na Mahabagin! Sinisilihan ang singit ko! Hindi ko tuloy alam kung saan susuot. Paano kasi pakiramdam ko tila hinuhubaran niya ako sa tingin. I never felt so uncomfortable! Charaught!

"Eula, hoy!" sigaw sa akin ng pamilyar na boses. Si Felina.

Parang tinapik niya lang ang balikat ko pero pakiramdam ko'y sinalya ako ng maligno at muntik na akong ma-off balance. Tinulak ko rin siya pero kahit na binuhos ko na roon ang lakas ay parang tinapik lang siya ng langaw.

"Ano ba!" asik ko sa kanya. Sa boses ko siya tila nagulat. Muntik na niyang maapakan ang mga nagche-chess sa bandang dinadaanan namin.

Hindi pinansin ni Felina ang pagtataray ko. Basta na lang ako nitong hinila at kinaladkad patungo sa canteen. Aba! May balak yatang manlibre ang saksakan ng kuripot na balyena. Napangiti ako. Nagpaakay ako sa kanya patungo sa loob. Feel ko yatang kumain ngayon ng baked mac.

Ang akala ko'y dadalhin na niya ako kina Manang Jovie, iyong kiosk na may masarap na lasagna at baked mac, pero pinaupo lang pala ako ng talipandas sa isang mesa malapit sa pintuan at may binulung-bulong sabay kalikot sa cell phone. Pinangunutan ko siya ng noo.

"What? Inoorasyunan mo ba ako?" sabi ko.

"Tanga! Heto, o!" At binalandra niya sa mukha ko ang larawan ng babaeng nakabukaka sa kama. Hubo't hubad ito. Nakabuyangyang ang pinkish niyang kepyas sampo ng kanyang mamula-mulang tingg*l. Napanganga ako.

"Kailan ka pa nahilig sa porn, Taba? At babae pa ang pinagnasaan mo! Hindi ko alam na tibo ka pala!" eksaherada kong react sa kanya. Then, I lowered my voice. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Buti na lang kaunti pa lang ang mga tao roon at tila abala sa pag-a-almusal. Walang pumansin sa amin. Ayaw ko rin kasing malaman nila na heto't umagang-umaga ay kung anu-anong kalaswaan ang inaatupag namin.

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Felina. Tila sinisipat ang mukha ko.

"Hindi mo ba nakita ang nasa viral photo, bitch? Sadyang ganyan ka ba ka dense?"

Inagaw ko sa kanya ang phone niya at nang pasadahan ko ng tingin ang mukha ng naturang porn star, napasigaw ako ng, "Holy fvck!"

Napatingin sa akin ang lahat ng naroon pati na rin si Prof. Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Nakapasok na pala siya roon nang hindi namin namalayang magkaibigan. Ngayon nga'y kakaiba ang tingin nito sa amin ni Felina. I saw him shook his head, then proceeded to go to one of the kiosks selling 'lutong bahay'. I guess he knew what the outburst was all about. I wanted to die.

**********

I knew her to be vulgar. She's also known as a campus flirt. Makikita mo siya na nakikipaglandian kahit kaninong miyembro ng basketball team ng unibersidad. Pero ni sa panaginip hindi ko inisip na isa siyang porn star. Sayang. Well, 'ika nga nila, you'll never know...

"A penny for your thoughts?"

Nang tumingala ako nakita ko ang maamong mukha ni Mary. Naupo agad ito sa bench na kaharap no'ng sa akin. Nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang nabili niyang lasagna. Habang tinutusok-tusok ang tinapay na kasama no'ng lasagna, kaswal niyang binalita ang tungkol sa viral photo ng isa naming estudyante.

"Hay naku. Students these days! They're so obssessed with breaking the internet. Well, for sure, she succeeded this time, along with breaking the hearts of her parents and the school's admin."

Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy ako sa pagsubo ng kanin at bistek Tagalog. Balak kong huwag na sanang magkomento nang bigla na lang ay ipagduldulan niya sa akin ang cell phone niyang may naturang viral photo.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now