CHAPTER TWENTY FIVE

3.2K 248 42
                                    

Kapwa kami hindi nakahuma ni Tadpole nang bigla na lang bumalik si Maurr at galit na pinahayag na husband ko raw siya. Husband, take note! Gusto kong magtititili sa kilig dahil first time iyong nangyari na in-assert niya na asawa ko siya, kaso nga lang siyempre hindi pwede. Baka biglang bumangon si Dad. Heto nga at nakatitig na sa amin ang mommy ko pati na ang Ate Emelita kong bruha. Magkakasalubong na ang drowing na kilay ni Ate. Si Mom ang lumapit.

"What's going on here?" tanong ni Mommy. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Todd at Maurr.

Ako nama'y feeling long hair. Aba, pinag-aagawan ako ng dalawang blonde dudes! Sino ang hindi ta-tumbling sa tuwa? But when I glanced at Maurr one more time, ang tuwa ko ay napalitan ng pag-aalala. Balik stoic-faced na naman kasi siya. Siya ang sumagot kay Mom.

"Nothing, Mrs.---M-mom."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mom? Tinawag niyang 'mom' ang mommy ko? Kailan pa?! Gusto ko na namang magtititili. Sobra nang pakilig sa akin 'to. Grabe.

"Tinawag mong 'mom' ang mommy ko?" naisatinig ko pa nga.

"Yeah. I insisted," nakangiting pakli ng nanay ko sabay kawit ng braso sa braso ni Todd. "Let's go?" sabi niya rito.

"But wait---," sabi pa sana ni Tadpole dahil parang hindi pa niya naiintindihan ang lahat pero hayun na at nakaladkad na siya ni Mommy palayo. Exaggeration ko lang naman ang kaladkad, pero parang ganoon na nga ang nangyari dahil tila napilitan lang ito.

Mom has a lot of explaining to do. Pero meantime, kailangan kong harapin muna ang galit ni Maurr. Ramdam ko ang pinipigilan niyang emosyon. Heto nga at pinapahabol pa ako ng hinayupak sa kanya. Nauna na siya sa pinag-iwanan niya ng kanyang nirentahang itim na Toyota Avalon. Umaandar na nga ang makina pagdating ko sa side na iyon ng parking lot at inaatras na niya ito palabas ng parking space niya. Naka-sunglasses na siya ngayon kung kaya hindi ko na kita ang nag-aapoy niyang mga mata, pero base sa maigting na paglapat ng maninipis niyang mga labi, batid kong hindi pa nagsa-subside ang galit niya. Nang umabante na siya nang tuluy-tuloy napahinto ako sa paglalakad.

Iiwanan ba ako ng lalaking ito rito?

Tumayo na ako sa gitna ng daraanan niya at pinamaywangan siya. Magkakasalubong na rin ang well-shaped kong kilay. May napapasulyap na nga sa aming mga bisita ni Mom na nakilibing kay Dad. Siguro nagtataka sila kung ano ang nangyayari.

"What are you doing? Hop in already!" sigaw niya sa akin. Dumungaw pa siya sa bintana.

Aba, aba. Si Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. sumigaw? Marunong din pala siya no'n? The more na natuwa ako sa loob-loob ko.

Dali-dali akong lumapit sa sasakyan niya at binuksan ang pintuan sa passenger's seat.

**********

Pagdating ko ng BWI Marshall nang gabing iyon, nagtalo ang isipan ko kung tatawagan si Mrs. Anai na makikilibing ako sa asawa niya. Ang payo sa akin ng mommy ko, dumating ako unannounced para makita ko ang tunay na interaction ni Eula sa lalaking pinaghinalaan kong boyfriend niya sa States. Ang sabi naman ni Dad, kailangan ko silang sabihan. Out of respect daw. Matagal kong tinimbang ang magkaibigang payo ng aking mga magulang mula pa nang mag-board ako ng eroplano sa NAIA papunta sa una kong stop sa Hong Kong. Habang hinihintay ko ang next boarding ko papunta sa second stopover, ang O'Hare sa Chicago, nakapagdesisyon na akong tatawag sa kanila para maabisuhan naman. Palagay ko, pagpapakita rin iyon ng respeto sa mga in-laws ko. Ngunit nang mag-layover na ang Cathay Pacific na sinakyan ko from Hong Kong sa Chicago may nakatabi ako sa waiting area na isang pamilyang Filipino. Hinihimok ng nanay ang anak na babae na mamili na raw sa mga manliligaw nito. Huwag na raw itong tumingin sa hitsura at ugali. Ang importante raw dapat American citizen ang lalaki. Nang dahil doon, naisip kong mas may katwiran siguro si Mom. Afterall, she's also a Filipino. Alam niya ang likaw ng bituka ng mga kalahi niya kaysa sa akin.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon