CHAPTER TWENTY-NINE

2.9K 267 47
                                    

Noong umalis ako ng Maryland ng first week ng November, ang sabi ni Mommy huwag ko na raw asahan na mayroon pa akong babalikang pamilya. Kalimutan ko na raw sila ni Ate. Hinding-hindi na rin daw ako makakatikim sa kanya ng kahit singkong duling. Noong mga panahong iyon, inisip ko na baka nagdadrama lang ang nanay ko at hindi rin niya ako matitiis kapag lumipas na ang init ng ulo niya kung kaya nagbakasakali akong may hinulog siya para sa allowance ko nang buwang iyon. Naka-dalawang balance inquiry na ako sa ATM machine ng BPI na nasa elevated space in between the first and second floor ng Science Building sa campus, pero paulit-ulit na lumabas ang two hundred five pesos na balanse sa screen. Iyon din ang laman no'n a week before I went to the US to attend my dad's funeral. Walang nadagdag.

"Na-check mo na ba?" tanong ni Keri habang nagte-text kung kanino.

Bahagya ko siyang tinanguan at lulugu-lugong bumaba ng hagdan. Nauna na ako sa kanya.

"Baka hindi pa lang nakapaghulog ang mommy mo. Kadalasan naman ay lampas na ng akinse ka hinuhulugan, di ba? Na-delay lang siguro. Thanksgiving Day kasi doon sa kanila."

"Nagzo-xoom ang mommy. Walang holiday iyon sa pagkakaalam ko."

Inakbayan ako ni Keri. "Huwag ka nang malungkot, ano ba? Hindi po bagay sa iyo, Ms. Anai!"

Napahinga ako nang malalim. Nakwenta ko na ang mga gastusin. Kaunti na lang ang natira sa dala kong pera from the US. Iyon iyong nakuha kong sweldo sa pagtartrabaho sa ospital nila Todd. Nakatwo thousand two hundred dollars din ako sa halos isang buwan kong work doon. Kaso nabawasan ko ng seven hundren dollars dahil sa return ticket ko. Ang pang BWI Marshall to Manila ko kasing trip sa unang tiket na nabili sa Pilipinas ay hindi ko nasakyan gawa nga na nag-extend pa ako roon. Kaya hayun, bumili ng panibago. I found out, mas mahal pala kapag one way lang. Nakakainis!

"Ano iyan?" nakangiwi kong asik kay Keri nang abutan ako nito ng dalawang libong piso.

"Hindi bigay iyan. Utang mo iyan. Pay me when you can."

Nilalabanan ko ang luha, pero para naman akong iniinis ng mga ito dahil nag-unahan pa sa pagtulo sa pisngi ko. Mga butil-butil na luha pa. Niyakap agad ako ni Keri at hinalikan sa ulo. Bahagya ko siyang siniko.

"Don't do that. You only remind me of my mom."

**********

Napangiti ako nang makita ko ang shinare sa aking exam result ni Eula. Galing iyon sa guro niya sa isang major class. Nakakuha raw ito ng ninety-three percent o A. So proud of her. Kaya rin pala niyang mag-excel kung gustuhin niya.

"Hi, Maurr! I heard you're going to Iceland on Christmas break. Tama ba?" Si Mary. Bigla na lang itong sumulpot at naupo pa sa tabi ko sa faculty lounge ng taga-Math Department.

Tumango lang ako habang nagsasalanasan ng mga test papers sa harap ng mesa. Pagkatapos, kumaway ako sa kanya at lumabas din ng faculty lounge. Hinabol niya ako at tumigil kami sa harap ng hagdanang pababa. Katabi lang no'n ang doorway ng Biology Department faculty lounge.

"Yes, Mary?" tanong ko. May importante ba itong kailangan sa akin para habulin pa ako palabas? And what was she doing in our faculty lounge anyway? Dapat doon siya sa GE Department umiistambay.

"Uhm---kasi, we are planning to have a party soon. Bale, get together ng mga young faculty na sabay-sabay pumasok ng FEU. Nakita namin sa record, you came in the same year as us. Nauna lang kami ng one semester sa iyo. But still, we are batchmates."

"Party? Where? And when?"

"Iyon nga ang pinunta ko rito. When are you leaving for Iceland?"

"As soon as the classes are done."

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon