CHAPTER TWO

5.7K 271 17
                                    

A/N:  A complete copy of this book can be found on Dreame under the username: Gret San Diego. Thank you po.

**********

Patakbo na ako papunta sa first period ko nang hapong iyon nang mahagip ng paningin ko sina Ms. Suarez at Propesor Masungit na masaya pang nagkakape sa 7-Eleven. Three minutes to go na lang no'n at time na for our class in Math in the Modern World. Nakaisip ako ng kalokohan.

"Eula!" sigaw ng mga kaibigan kong nakapila sa elevator na nagse-service para sa 8th at 9th floor ng Technology Building. Dere-deretso kasi ako sa hagdanan. Saglit lang akong natigil para lingunin sila at sumenyas nang mauuna na ako paakyat. Mayamaya pa hindi lang ako ang tumatakbo paakyat sa 8th floor kundi pati na rin ang dalawa ko pang kaibigang sina Shane at Keri. Pagdating namin sa classroom hingal-kabayo kaming tatlo.

"Ano ba'ng drama ito, Eula? Ten minutes na lang sana at tayo na ang susunod sa pila sa elevator sa ibaba. Kainis naman, oo! Pinagpawisan tuloy ako," maarteng sabi ni Keri. Inamoy-amoy pa ang kilikili. "Yikes! I smelled a bit na!"

Hinawakan ko siya sa kwelyo ng blusa at inamoy ang leeg niya. "Anong a bit? Amoy bilasang isda ka na! Kadiri! Ang lansa mo!"

Napahagikhik ang bruha.

"Shane, ang pabango! Dali!" utos nito sa isa pa naming kaibigan. Naglabas naman agad si Shane ng lagi niyang dala-dalang Chanel No. 5. Winisik-wisik ito ni Keri sa leeg, pamulso, at sa buong mukha. Pati ako'y naambunan din.

"Ano ba? Halos ipaligo mo na iyan, ah! Hindi mo ba alam na ang mahal-mahal niyan?" reklamo ni Shayne nang makita kong paano pinanggigilan ni Keri ang perfume niya.

"Gusto ko lang makasiguro na mabangong-mabango tayong tatlo pagpasok natin sa room. Makuha man lang si Sir Maurr sa halimuyak nating tatlo!"

"Naku! Asa ka pa. Iyong pinagpapantasyahan mong herodes ay nakipaglandian pa sa haliparot na Ms. Suarez sa 7-Eleven!" sabat ko.

"Ows? Hindi nga?" halos ay sabay na sagot ng dalawa.

"Yup. I've seen them with my two eyes. Nagkakape ang mga hinayupak sa 7-Eleven sa ibaba."

Nakita kong nagpalitan ng knowing look ang dalawa tapos ay sabay na humagikhik. Pinandilatan ko ang mga loka-loka.

"Bakit?" sita ko pa.

"Wala po, mahal na reyna," sabay nilang pakli at nauna na sa akin sa Room 812. Nakasimangot akong bumuntot sa kanila.

Dahil alauna bente pa lang ng hapon wala pang tao sa room liban sa isa naming kaklaseng first year na lalaki. Ito ang nagpagitang-gilas noong nakaraang meeting namin. Ang kauna-unahang napuri ni Propesor Masungit sa klase. He looked like a typical geek. Nakasuot ng makapal na salamin, tadtad ng pimples ang mukha, at may kapangitan pa.

He glanced at our direction sheepishly. Nang magtama ang aming paningin pinamulahan ito ng pisngi. Napatirik ng mga mata ang dalawa kong kaibigan at bigla silang napahagalpak ng tawa. Siniko ko ang mga mahadera. Bastos lang ako sa katulad kong maangas pero hindi ako nang-aasar sa mga taong seryoso sa buhay at mukhang mahiyain.

I ignored the guy and went straight to my favorite spot. Iyong malapit sa glass wall para tanaw ko ang pinapagawang building ng eskwelahan sa hindi kalayuan at siyempre pa ang mga billboards sa karatig-gusali.

"Ano ba ang drama at nagmadali tayo sa pag-akyat, ha?" untag ni Keri.

"Ganito kasi iyon. Mamaya pagdating ng eksaktong one forty-five, fifteen minutes after the start of the class, kailangan lumayas na tayo rito agad-agad. Iwan natin ang mayabang na lalaking iyon."

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon