CHAPTER ELEVEN

3.5K 210 36
                                    

"What?! Fvck!" sigaw ko sa kabiglaanan.

"Miss Anai!" Biglang naging istrikto ang ekspresyon sa mukha ng Guidance Counselor namin. Ganunpaman, hindi ako natigil sa pagmumura sa salitang Ingles at Tagalog. Napailing-iling na lamang ito habang kinakagat ang pang-ibabang labi. "You need to come to my office," utos nito.

"After betraying me? NO!" galit kong sabi sa kanya at tumalikod na. Hindi ko pinansin ang makailang beses niyang pagtawag sa pangalan ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa nararamdaman. Gusto kong makapatay ng tao. O makasakal man lang.

"Hey fren! What's happening to you?" maarteng bati sa akin ni Keri habang sumisipsip sa kabibili lang na milk tea. Kabuntot niya sina Shane at Felina na pareho ring may hawak ng ganoong inumin.

"I'm DEAD! As in!"

"Ha? Bakit?" si Shane.

"Ang bwisit na taga-Guidance! Isinumbong ako kay Mom!" At naiyak ako sa tindi ng galit. "Alam na ni Mommy ngayon ang kabulastugan ko!"

"Which one?" pa-inosenteng tanong ni Felina. Iniirita ako lalo.

I glared at her. Inagaw ko ang hawak niyang milk tea na kalalagay lang niya ng straw at sinipsip iyon. Naghumiyaw si Taba, pero hindi ko siya tinirhan.

"Punyeta naman, Yolanda, oo! Uhaw na uhaw na nga ako, eh! Gusto mo sipsipin ko dugo mo?"

Galit na galit ito at umaksyon pang sasakmalin ang leeg ko. Nang makita ang pamumula niya, napangisi ako. Si Felina ang kaibigan kong ayaw na ayaw maagawan ng pagkain o inumin. Kaya heto siya ngayon at pumuputok ang butse. Natawa ako sa pagmumukha niya. Lalo siyang nanggalaiti.

"Tumigil ka nga! Heto na. Sa iyo na," saway ni Keri at in-offer ang drinks niya na may kalahati pang laman. Tinaasan ito ng kilay ni Taba.

"Ano ako, scavenger? Manginginom ng tira-tira?" Naghalukipkip pa ang bruha habang nagtataray.

"Ayaw mo, ha? Ikaw din!" At inubos na nga iyon ni Keri. Nang halos hangin na lang ang hinihigop binalingan niya ako. "What's the problem ba? Bakit parang gusto mong makapatay ng tao?"

"Sinabi ni Mrs. Robles kay Mom na buntis ako at si Sir Maur ang ama!"

"Hhhuuuuwwaaaaattttt?!" naibulalas ni Felina. Nawala bigla ang pag-aalburuto. "Patay kang bata ka!"

Napalingon ako sa likuran naming apat nang may marinig na nagbulung-bulongan. Napatingin pa silang lahat sa akin. Nagkatinginan kaming magkakaibigan.

"Did they hear me? Mahina lang naman ang boses ko, right?" paniniguro ko.

"Well, alam mo naman ang mga tsismosa sa campus. Kapag sa klase, hindi naririnig ang sigaw ng prof pero kapag tsismis nagkakaroon ng bionic ear!" sagot ni Shane. Ito ang pinakakalmado sa aming tatlo. Nagawa pang sumipsip sa milk tea niya na parang wala lang.

Hinila ako ng mga kaibigan ko sa isang bench sa ilalim ng isang puno na kaharap ng Science Building. Pinakuwento nila sa akin ang buong pangyayari. Nang matapos ang pagsasalaysay ko'y hati ang reaksiyon nila. Si Keri lang ang nabahala at nakisimpatiya sa akin. Ang dalawa ay natuwa. Pagkakataon na raw para mapikot ko si Sir Maurr. Eh hindi nga iyon ang gusto ko! Teka. Hindi nga ba? Napaisip ako.

**********

Ang sabi ni Professor Flores, I have two options. Pakakasalan ko si Ms. Anai o haharapin ang asunto ng pamilya niya laban sa akin. Malaki raw ang laban ng estudyante ko dahil maaari nilang palabasing ginamit ko ang aking otoridad bilang propesor niya para maisagawa ang 'krimen'. Tama. Krimen ang tawag ni Professor Flores sa diumano'y ginawa ko kay Ms. Anai. At naniniwala talaga siyang may nangyari nga sa amin ng estudyante ko! Isipin mo iyon?

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora