CHAPTER TWELVE

3.3K 202 21
                                    

A/N: Ang buong kuwento po ay nasa Dreame. Gret San Diego po ang username ko roon. Thank you for supporting my story.

**********

Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong bawat makasalubong kong mga kaeskwela ay nagbubulungan sa tuwing makita nila ako. What's going on? Hindi ako nakatiis. Mayroon na sana akong haharangin para sitahin nang biglang lumitaw si Drae.

"Hoy. Totoo ba?" seryoso nitong tanong. He looked so solemn. So unlike Drae.

Mabilis akong nag-isip. Kumalat na kaya sa buong campus ang pamimikot ko kay Sir Maurr? Ambilis naman. Kanina lang iyon sinabi ni Mom ah. Kalat na agad sa buong eskwelahan? Pambihira naman, oo! Wala na bang maitatagong sekreto ang school na ito? Punyeta! Ang matandang huklubang Professor Pelaez ang may kasalanan ng lahat na ito! Siya siguro ang namalita sa mga kapwa niya propesor. Ang mga guro namang iyon ay ni hindi man lang makapagpigil ng mga bibig nila!

"Hoy, Yolanda! Totoo ba?"

"Well---"

"Ang landi! Hindi na nahiya. Wala ba siyang kakontentuhan man lang? Ngayon si Drae naman?" narinig kong sabi ng dumaang dating Ms. College of Arts and Sciences. Nag-hair flip pa sa akin.

Aba, aba! Hinahamon ba ako ng haliparot na iyon?

Bago ko pa mahila ang mahaba niyang buhok napigilan na ako ni Drae. Hinawakan ako nang mahigpit sa braso at dinala sa lilim ng isang puno na kaharap ng Administration Building.

"I heard Sir Halvorsen knocked you up," pabulong na sabi ni Drae. Palinga-linga pa ito sa paligid na parang sinisigurong walang nakakarinig sa kanya. "Totoo ba iyon? Ang alam ko he's not your type. Di ba? Akala ko ako ang type mo?"

Pinangunutan ko ng noo si Drae. Ini-echos ba ako ng kapreng ito? I couldn't tell. He looked so serious. Wait a minute. Huwag niyang sabihin na all along ay type niya ako? At ang mga kakengkoyan namin ay totoo sa loob niya? No, no, no! Kadiri! Not that he's ugly or what. Ang totoo niyan, he's one of the most sought after campus figure at very popular among girls and gays alike dahil bukod sa maganda ang pangangatawan niya gawa ng regular basketball practice, ang guwapo niya talaga. Marami pa ngang nagsasabi na kung hindi lamang siya maitim nang kaunti ay mapagkakamalan siyang kakambal ni Kobe Paras. Kaso wala lang kaming ganoong chemistry.

"Drae---? Are you telling me---?"

Si Drae naman ngayon ang nangunot ang noo. "Wait. Are you thinking what I'm thinking?"

Nalito ako. Ano ba ang pinagsasabi ng damuhong ito?

Tumawa ang hinayupak. Noong una ay parang hagikhik lang ito na naging isang halakhak. Pinamaywangan ko siya.

"What's funny?" naiirita kong tanong.

"You thought I have the hots for you?" sagot nito sa pagitan ng pagtawa. "Baby love, I love you very much but---I'm not in love with you. You know that," dugtong pa nito habang hawak-hawak ng kamay ang magkabila kong pisngi. Tinadyakan ko siya sa binti. Nabitawan niya ako at napayuko para hilot-hilotin ang tinamaan ng takong ng sapatos ko.

"Tanga ka ba? Bakit ko naman iisipin iyon?" bwelta ko. But deep down, I was relieved. Ngunit sa isang banda may naramdaman akong kaunting pagkainsulto. At pinamukha pa talaga sa akin ng bwisit na ito na hindi siya in love? Tangina niya!

Iniwan ko na siya roon without answering his questions.

**********

Palabas na sana ako ng gate para pumuntang Jollibee across the street nang mamataan ko sa hindi kalayuan si Ms. Anai at ang basketbolistang iyon. Nasa lilim sila ng isang puno. Tatalikod na sana ako sa direksiyon nila nang makita kong bigla na lang hinawakan ng lalaki ang magkabilang pisngi nito. Napasinghap ako. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkairita na para bagang gusto ko silang lapitan at bigyan ng uppercut ang lalaki.. Marahil bilang guro niya ay naeskandalo ako sa guts niya. Biruin mo? Magpapahalik gayong nasa public place? Ang dami kayang dumadaang tao sa gawi nila. Not that I am conservative. Hindi lang siguro ako sanay ng PDA dahil lumaki ako sa Reykjavik kung saan bihirang-bihira ang PDA kahit among couples.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon