CHAPTER TEN

3.9K 223 29
                                    

Nangunot nang bahagya ang noo ni Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. nang buong tapang kong sinabi sa pagmumukha niya mismo na gusto ko siya. Taas-noo pa ako no'n. Siguro sa nakakita sa akin nang mga oras na iyon, iisiping ang lakas ng kompyansa ko sa sarili. Ang hindi nila alam kumakalabog din ang dibdib ko sa kaba at sa takot na rin. Mayroon akong excitement na naramdaman dahil ramdam kong may something kami ni Professor Masungit. Feeling ko nga iyon ang dahilan kung bakit nagsusungit-sungitan siya sa akin. Para itago ang HD niya! Takot din ako siyempre. Sino ba naman ang hindi? Kahit na malakas ang kutob kong pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa, nandoon pa rin ang pangamba kong hindi niya susunggaban ang binigay kong oportunidad. Suplado ang damuhong ito, eh. At sa ibang planeta pa lumaki kaya kakaiba ang ugali.

Ang pangungunot ng noo ni Sir Maurr ay nasundan ng medyo paniningkit ng mga mata. Ganito ang hitsura niya kapag nagsusungit sa akin. Lalo tuloy nagdagundong sa kaba ang puso ko. Pilit ko lamang nilalabanan iyon. I pretended I was just cool about everything.

"As I said, you are a pretty, young lady but---"

"But what?" agaw ko agad bago pa niya madugtungan iyon. Ang hayop na ito! Hindi pa nilubos ang pagpapasaya sa akin. Nandoon na ang pretty, eh! Tsaka kailangan bang paulit-ulit?

"---you do not have any respect for yourself," dugtong niya sa mahinang tinig. Halos ay ibinulong na lamang niya iyon bago tuluy-tuloy na umakyat ng Arts Building. Natulig ako sa mga sinabi niya. Gusto ko siyang habulin at sigawan ng kung anu-ano ngunit nag-atubili rin ako nang may isang grupo ng mga freshmen girls na napadaan at napatingin sa akin tapos sa papalayong juicy butt ni Sir Maurr. Inirapan ko silang lahat bago maarteng bumaba ng hagdan. I knew they heard us based on how they looked at me. I also knew they already judged me. The bitches! Pweh! Ampapanget naman!

Nakapamaywang na Felina ang sumalubong sa akin sa ground floor. May kutob akong nasaksihan din niya ang namagitan sa amin ni Sir Maurr. Napailing-iling siya nang ilang beses.

"What was that about, Yolanda Ysadora?" tanong niya agad sa akin.

"Naku, hwag ka nang dumagdag! Mainit ang ulo ko ngayon! Baka pigain ko ang taba mo riyan!" asik ko sa kanya at nilampasan ko pa siya.

"Binasted ka ba ni Sir Maurr?" At humagikhik ang talipandas.

"Ano ba?" singhal ko lalo sa kanya at lalong binilisan ang lakad papunta sa Freedom Park. Hinanap ko agad sila Keri at Shane doon. Nang hindi ko sila makita, lalong umusok ang bumbunan ko. "Ang sabi ng dalawang haliparot na iyon dito kami magkikita! Saan na ba sila?"

Nilingon ko si Felina na kabuntot ko lang pala.

"Relax lang, mare. Bumili lang sila ng milk tea sa Tayuman. Ikaw naman," nakangising sagot nito.

"Mainit nga ang ulo ko! Tawagan mo sila! I do not have all the time in the world to wait for them! I was not born to waste my time waiting for some bitches!"

Humalakhak lalo si Felina. Hindi na ako nakatiis. Hinarap ko ito. Pinakita ko sa kanyang seryoso ako sa mga sinasabi ko. Ang hindi ko namalayan, may luha na palang pumatak sa pisngi ko. Naramdaman ko lamang iyon nang biglang sumeryoso si Taba at pinamukha pa iyon sa akin bago niya ako niyakap nang mahigpit.

"Okay lang iyan, mars. Ikaw naman. All of us have also experienced being rejected."

Pagkarinig ko sa katagang 'rejected' kumalas ako sa pagkakayakap ni Taba at tinulak ko pa siya sa bandang dibdib. Napa-aruy ito.

"Ang lakas ng pagkakapisa mo sa prized possessions ko, ha? Ang tindi mo palang ma-reject."

"Felina, ano ba?!" Pumiyok ang boses ko at humagulgol pa ako.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon