CHAPTER FIVE

3.9K 246 24
                                    

Bali-balita na sa buong campus na syota na ni Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. ang maarteng si Ms. Suarez. Katunayan, palagi na silang makikitang magkasama. Patok na patok sa mga estudyante ang team up nila. Kahit saan sila magpunta ay may mga estudyanteng tila kilig na kilig sa kanila. Pati sa Twitter page ng eskwelahan namin ay sila rin ang laman ng tweets. Dominated din ng mga pagmumukha nila ang FB community page namin. Iyan ang dahilan kung bakit lagi na lang akong gigil na gigil sa haliparot na Ms. Suarez ngayon.

"Pokpok!" sigaw ko habang nakahilata kami nila Felina at Keri sa ilalim ng puno sa freedom park. Nagulantang ang dalawa mula sa seryosohang pagbabasa ng makapal naming textbook sa isa sa mga major classes namin sa Med Tech.

"Hoy! Sinong pokpok?" tanong ni Felina. As usual todo emote ito na kunwari'y gulat na gulat.

Tinanggal ko ang braso na nakatakip sa aking mga mata habang nakahiga sa kandungan ni Keri. I squinted at Felina. Si Keri nama'y ngingisi-ngisi. Alam na kasi niya kung sino ang tinutukoy ko. Paanong hindi? Araw at gabi ay iyon lang ang pinag-uusapan namin.

"Binangungot siguro si Inday," paliwanag ni Keri kay Felina.

"Ikaw talaga, Yolanda Anai. Pambihira ka. Akala ko pa naman kung mayroon na namang juicy secret kang ibabahagi sa amin. Mag-review ka na nga riyan. Ang alam ko matindi si Prof. Arnaiz magpa-quiz. Parang compre raw," sagot ni tabatsoy. Pinatong niya pa sa tiyan ko ang makapal niyang notes. Tinabig ko ito at bumangon.

"Ang pokpok niya!" naiinis kong sabi sa kanila. May diin sa salitang 'pokpok'.

Tumawa na si Keri.

"Sino nga? Ako ba iyon, Yolanda? Bakit parang kasalanan ko?" At nag-emote pa si Taba ala-Bea Alonzo sa Four Sisters and a Wedding. Sinimangutan ko siya.

"Hindi ko sinabing porkpork. Sabi ko 'pokpok'. Malinaw na walang 'r' iyon."

"Ouch! Nagbibiro lang ang tao, eh. Ang bully ng hinayupak na ito!"

Tumayo na ako at nag-unat-unat. Tumaas hanggang midriff ko ang suot na green t-shirt ng school namin. Napasipol si Tabatsoy. Parang labanos daw sa kinis ang tiyan ko. Nakakainggit.

"Makinis at malalabanos nga, wala namang sex life. Aanhin pa iyan? Dekorasyon lang naman," kantiyaw sa akin ni Keri. Kinutusan ko siya bago ko dinampot ang Gucci black shoulder bag at nilayasan sila roon. Ang balak ko sana ay magpunta ng cafeteria at bumili ng pampalamig ng ulo. Kaso nga lang, malayo pa lang ako ay natanaw ko na ang magkaparehang ilang gabi ko nang tinitiris sa aking isipan. Hindi man sila magka-holding hands ngayon panay naman ang palitan nila ng kung anu-anong nakatatawa. Bungisngis nga nang bungisngis si Ms. Suarez.

Ang arte mo! Ultimo pagtawa mo ay sobrang OA! Bwisit ka!

"A penny for your thoughts, my love?" At may umakbay sa akin. Paglingon ko nakita ko ang nakangiting mukha ni Drae. Nakasuot ito ng dark glasses.

Inalis ko ang braso niya sa balikat at naunang maglakad sa kanya.

"Babe, sandali lang. Huwag ka nang magalit, please? Promise, babawi ako next time. Napagod lang ako, mahal ko, kung kaya isang round lang ang nakayanan ko," drama ni Drae sa malakas na tinig na ikinatawa ng lahat ng nakaririnig. Pati ako'y napangiti ng manyak.

"Neknek mo! Wala nang next time! Maghanap ka na ng ka-momol mo! Inutil!" asik ko sa kanya at nilayasan ko siya.

Humabol ang Drae. Lumuhod pa ito na tila nagmamakaawa sa akin sa harap ng entrance ng gusali ng Institute of Accounts, Business and Finance. Dahil mga alas onse na iyon nang umaga, marami-rami nang estudyante ang naroroon dahil iyon kadalasan ang daanan papunta sa isa sa mga canteen ng campus. Tawanan ang mga nakasaksi sa kabaliwan naming dalawa.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon