CHAPTER THIRTY-ONE

2.8K 265 43
                                    

A/N: Please read na po dito habang available pa for free.

**********

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging emo. Hindi naman ako likas na ma-drama. Pero simula nang mamatay ang Daddy at itinakwil pa ako ni Mommy, I felt so alone. Kahit na dinadamayan ako nila Keri, Shane, at Felina pakiramdam ko pa rin ay nag-iisa ako sa buhay. Ang feeling of emptiness ay lalong naging prominente sa pagdating nitong isang ito na feeling ko ay hindi masyadong nagmamahal sa akin. Minsan, natatawag ko na rin siyang Maurr-to dahil daig pa niya ang isang kaluluwa. Isa siyang multo o murto sa salitang Kinaray-a ng mga Antiqueños. Nararamdaman lang ang malamig na hangin kapag nasa paligid sila pero hindi solid ang presensiya para kitang-kita talaga.

"What's wrong Eula? You have been acting weird, lately."

"What's wrong? Bakit what's wrong ka nang what's wrong? Hindi ba obvious? Malungkot ako!"

"Why? I do not understand you. You were happy just now."

"Eh sa nalulungkot na ako! Ano'ng magagawa ko roon!" At lalo akong napahagulgol.

Napabuntong-hininga siya sabay yakap sa akin. "Calm down, all right?"

Lalo lamang lumakas ang pag-iyak ko sa sinabi niya. Napa-sshhh siya nang ilang ulit, pero tila ginagatungan lamang no'n ang hinagpis ko. Hindi ko makontrol ang emosyon. Sobrang windang na windang ang puso ko. How I wish maaari kong takbuhan si Mommy tulad noon. Pero sigurado ako na kung tatawagan ko siya at ipaalam sa kanya ang sitwasyon ko wala siyang ibang masabi kundi, "Buti nga sa iyo! Suwail ka kasi."

Hindi na nagsalita pa si Maurr. Hinagud-hagod lang nito ang likuran ko at tinukod ang baba sa ulo ko. For the time being, feel ko ang closeness naming dalawa. Hindi lang literally kundi pati na rin figuratively. Kaso nang mag-angat siya ng mukha at hawakan ako sa magkabilang pisngi, hindi ko masyadong nakita sa kanyang mga mata na nauunawaan niya ang damdamin ko.

"If you will not tell me about what's eating you this time, I will not be able to help you."

Tinulak ko siya palayo nang marahan at pinahiran ko ang mga luha. Tiningnan ko siya sa mga mata. He looked so clueless. Naisip kong sabihan ko na kaya siya kung ano talaga ang nagpapalungkot sa akin? Matutuwa kaya siya? Dadamayan niya kaya ako sa problema ko? Kaso nga lang, if ever na alukin niya akong totohanin na namin ang kasal at hindi na ito ipapawalang-bisa kailanman, iisipin ko palagi na ginawa lamang niya iyon dahil sa bata. Sa isang banda naman, maari ring magalit siya sa akin at hindi ako nag-ingat tapos ay lalayuan niya ako nang tuluyan. Baka nga isipin pa niyang inutakan ko siya dahil one time before we did it nagtanong siya kung safe ako. Iba intindi ko roon. Huli na nang malaman kong ang 'safe' pala na tinutukoy niya ay kong hindi ako fertile. Nagde-deliryo na kasi ang isipan ko no'n sa pagnanasa kung kaya 'oo' lang ako nang 'oo' nang hindi lubusang naiiintidihan ang tinatanong niya.

"Okay na ako. I feel okay! Yes. Oks na oks na." At nginitian ko si Maurr nang mapakla bago lumabas ng kusina. Hinabol pa sana niya ako para mag-usap pa kami, pero hindi na ako nagpapigil pa. Pagdating ko sa kuwarto ko, doon na lang ulit ako umiyak. Natigil lang ako sa pagda-drama nang tumunog ang cell phone ko't makitang si Drae ang tumatawag. Napabangon agad ako sa kama at sinagot ko ang tawag niya.

"Are you busy?" tanong niya. Mukhang seryoso.

"Kung busy ba'y ibababa mo na ang phone?" sagot ko.

Tumawa siya. "Hindi," pakli niya.

"Iyon naman pala, eh. Go! Bakit ka natawag?"

"Eula, I'm going with Sir Maurr to Rejkjavik!"

"What?! Pakiulit nga?"

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon