CHAPTER THIRTY-SIX

2.9K 282 42
                                    

A/N:  Please read and vote din po doon sa Dreame. Salamat!

**********

Hindi muna namin pinag-usapan ni Maurr ang tungkol sa request ni Mommy. Naii-stress ako. When I left the US last October, sigurado na akong hindi na babalik doon to consider carving a niche for myself in the land of opportunities. Pero after ng nangyari sa kanya, kahit ganoon ang ugali niya I also felt some kind of responsibility na gawin ang napagkasunduan namin noon. Kaso nga lang siyempre naiisip ko rin ang asawa ko. Ang pinagpapasalamat ko na lang ngayon, medyo nag-mellow si Ate sa akin. Hindi na siya nagmamaldita. Nahihiya raw siya kay Maurr. Ako na raw bahala magpasalamat.

Kung ganoon ka thankful si Ate, nag-wonder lang ako bakit si Mom ay parang wala lang? Does she even know that Maurr's family got her off the hook? Naitanong ko nga ito sa kapatid ko nang tinawagan niya ako isang umaga.

"She knows. But she believes with or without their help maaabswelto din naman daw siya dahil walang mabigat na ebidensya against her. It was a matter of time lang daw."

"Hindi ba alam ni Mommy na big-time ang family ng pasyente niya? If not for Governor Steele naka-detain pa rin sana siya. Hindi naman masama to show gratitute where gratitude is due."

Hindi nakaimik si Ate. Mayamaya'y nagpaalam na ito na matutulog na raw at maaga pa siya bukas. Wala na ang angil na kadalasan niyang ginagawa kung ayaw na niya akong kausapin. I felt somehow nag-improve na ang relasyon naming dalawa. Si Mom na lang ang problema ko.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ng kung ilang katok sa pintuan. Si Maurr. Bihis na bihis na ito. He was simply wearing a faded denim jeans at puting polo shirt. Nangunot nga nang bahagya ang noo nito nang makitang nakabalot pa rin sa tuwalya ang katawan ko.

"I thought you are already ready to go?"

"Give me a few minutes," sagot ko naman at dali-dali na akong nagpunta sa closet at pumili ng maisusuot. I chose something na madaling maitaas dahil kinailangan ko nang magpa-ultra sound to know the baby's sex mamaya.

Maingat niyang isinara ang pintuan at iniwan ako para makapagbihis in private. After ten minutes, heto na't handang-handa na ang new momshie na pumunta sa prenatal niya. Proud akong umikot-ikot sa harap ni Maurr dahil kahit five months preggy na ay hindi pa rin ako gaanong tumaba. Tiyan ko nga lang ang medyo nakausli.

Medyo napangiwi siya nang makita ako. I panicked inside.

"Ampanget ko gano'n?" naiinis kong sita sa kanya. Nakapamaywang na ako.

Umiling-iling siya. "Can't you even find something not revealing?"

Tiningnan ko ang puti kong shorts na umabot naman sa kalagitnaan ng hita tapos sa top kong off shoulders na exposed na exposed ang cleavage.

Maganda naman, ah! Saka makinis at makurba naman ang cleavage ko! Kainis naman ito.

Bumalik na lang ako sa kuwarto at tiningnan one last time ang hitsura sa salamin. Bagay naman sa akin ang damit. Ang cool ko nga eh. Kapag nakatalikod, hindi pa rin halatang buntis. Ano ang problema ng hayop na iyon?

"Eula, hurry up! Our appointment with the doctor is at 10:30. Its already ten o'clock," paalala niya sa akin. Lumabas na raw ako. Hindi na raw importante kung ano'ng suot ko.

Ganunpaman, nagpalit ako ng damit. I wore a button-up blue maternity dress na lampas tuhod.

"Why did you need to change if you were comfortable in shorts and blouse?" komento niya agad. Pero nag-light up naman ang mga mata niya nang makita ako sa ganoong ayos. Mas disente kasi. Mas mommy-ish ang dating.

"Tigilan mo ako. Kunwari ka pa. Let's go na."

Nahagip ng paningin ko ang pagngiti niya bago sumunod sa akin sa front door. Nasa labas na ang taxi nang dumating kami roon. Buti naman. Akala ko pagmomotorin niya akong nakadamit. Last week kasi'y nag-motorsiklo pa rin kaming pumunta sa bahay ng parents niya sa Quezon City. Napahesusmaryosep nga ang maarte niyang ina. Huwag na huwag na raw naming gawin iyon next time. Tapos inirapan niya ako. Hindi raw ako marunong mag-ingat.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now