CHAPTER EIGHT

4.1K 220 20
                                    

A/N: The complete copy of this book is available on Google Play. Just search for Gretisbored on Google Play or this link: https://books.google.com.ph/books/about?id=4akHEAAAQBAJ&redir_esc=y&hl=en Sa mga gustong per chapter lang, this is available on Dreame under the username: Gret San Diego.

**********

"Sir? Ano po ang plano n'yong gawin sa akin? Huwag naman po, sir! Ang bata-bata ko pa po at gusto ko pa pong makatapos ng pag-aaral!" drama ako agad kay Prof. Maurr pagpasok ko sa faculty room ng Math Department.

Ang totoo niyan kabado akong excited na hindi maintindihan at dinadaan ko lang sa biro-biro. Hindi kasi ako komportableng makipag-usap sa kanyang mag-isa. Namamasa lahat ng parte ng katawan ko lalo na ang kili-kili.

"Stop daydreaming, Ms. Anai," parang tinatamad na sagot ni Sir Maurr. He did not even look up. Nagta-type siya sa laptop niya habang sinasabi iyon. Sisilipin ko sana kung ano ang tinitipa pero bigla niyang itiniklop ito at hinarap ako. Seryoso ang koya.

Umakyat ang pintig ng puso ko sa lalamunan. Naririnig kaya niya ang dagundong nito? Nakakainis! I would have given anything just to know what he is thinking right now.

"I think you know why I asked you to come here," panimula niya. Walang kangiti-ngiti.Nakaupo lamang siya ngunit pakiramdam ko ay ang tangkad-tangkad niya dahil pantay pa rin ang paningin namin kahit na nakatayo ako. Ang kaseryosohan ng ekspresyon sa kanyang mga mata ay nakatatakot pa ngunit sinikap kong balewalain iyon. Or else, mawiwindang ako.

"Bakit po, sir?" kunwari'y kalmado kong tanong.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Tila sinisipat niya ang aking mukha. Na-conscious tuloy ako. May dumi ba ako sa pisngi? May muta? Kulangot kaya? Napahawak ako sa gilid ng mga mata ko at pinahiran iyon. Pasimple ko ring kinusut-kusot ang ilong para hindi naman maging halatang sinusungkit ko ang laman-loob niyon kung mayroon man. Kunwari'y tumagilid ako para lumaylay ang mga hibla ng buhok at matakpan nito ang kalahati ng aking mukha. Ginawa ko iyong pantakip habang binubutingting ko ang ilong.

"What are you doing?" tanong ni Sir Maurr, magkasalubong ang mga kilay nito.

Nag-hair flip ako at tumikhim-tikhim.

"Yes, sir!" Pabiro pa akong nag-hand salute.

"I'm not in the mood to entertain your antics, Ms. Anai. I am dead serious. I think you know why I asked you to come here."

"Hindi nga, sir, eh. Ang kulit n'yo naman." Tumigil ako nang ma-realize na pinagtaasan ko ng boses si Professor Mahaba ang Pangalan. "I mean---"

Nagtaas ng kamay si Sir Maurr. Pinapahinto niya ako. "I know what you mean. You do not have to elaborate. I know you'll just lie."

Aba, aba. Jinudge ako ng hinayupak!

"I am sure you have heard what I am accused of. They slapped me with a sexual harassment case. One of these days, they'll ask for your official statement about the issue,"

Napahawak ako sa batok. Hindi ko inasahang makaramdam ng hiya. Paano kasi bumaha ang alaala ng nakaraang araw kung saan lumabas ako ng CR na tanging suot ay kapiranggot na bikini't lacy bra lamang. Hindi sa nagpapaka-virgin ako. I'm not a shy girl. Pero sino ba naman ang hindi mahihiya? Kung sa beach ako, walang problema. Kaya kong isuot ang gahiblang bikini. But I was in the university premises!

"We both know nothing happened, right?"

Noon ko napagtanto kung ano ang gustong mangyari ni Professor Masungit. Nakikiusap siya sa aking sabihin ko sa kinauukulan na wala siyang kasalanan. Na gawa-gawa lamang ng "witness" ang naturang kaso. Kahit alam kong iyon naman ang dapat kong gawin dahil iyon ang totoo, nakaisip ako ng something. Ang lagay ba'y ganoon lamang iyon? No way, Jose!

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon