CHAPTER THIRTY-FIVE

2.8K 255 33
                                    

Ang bunganga ni Doktora Fernandez ang sarap lagyan ng masking tape. Nakaka-bwisit! Hindi naman sa forever kong ililihim kay Maurr ang kalagayan ko, pero naghahanap lang ako ng good timing. Inunahan pa ako ng bruhang babaeng ito. Idagdag ko na rin ang mga nurses niya sa bubusalan ko ang mga bibig.

Inirapan ko silang lahat bago hinila palabas ng infirmary si Maurr. Nagugulumihanan ang buang. Sa kabila ng pagkainis ko sa mga medical personnel ng univ, natawa pa rin ako kahit papaano. But only inside me. Kasi itong kasama ko'y hindi na mailalarawan ang confusion.

"What are they talking about Yolanda?"

Napasulyap ako sa kanya. Yolanda? Napangiwi ako. I hate that name. Kapag tinatawag akong ganoon ay naalala ko si Mommy. Ang mahadera't mukhang pera kong mommy. Kumusta na kaya iyon? For sure ngayo'y sinusumpa na ako dahil pinagbayad sila ni Tadpole ng naipong hospital bills ni Dad na supposedly ay wala na kung pumayag akong magpakasal sa hinayupak. Bakit ko naman gagawin iyon? Si Ate nga pinayagang pumili ng gusto niyang mapangasawa tapos ako ang ipambayad-utang? Saka may asawa na ako. Napasulyap uli ako sa hubby ko na nakatiim-bagang na ngayon.

"Are you even going to explain what they told me?" may inis na sa tinig niya.

Dinala ko siya sa isang bench na nakahilera sa gilid ng IARFA building.

"Please take your seat," sabi ko. Tonong guro.

He glared at me. Ganunpaman, naupo rin. Tumabi ako sa kanya at inamin ang kalagayan ko. He was kind of shocked. Gusto ko ngang sikuhin. Kung maka-shock-shock ito akala mo naman hindi nanghipo kahit dulo ng daliri ko.

"Since when?" ang tanong makaraan ang ilang sandali. Ang hina ng tinig niya.

"Ano'ng since when? Since when ako nabuntis o since when ko nalaman?"

He glared at me again. Hay. Buti na lang ang ganda ng mga mata kaya kahit tinitingnan ako nang masama mukhang nagse-seduce lang. But then, the stare also made me feel so uncomfortable. Para bagang nilansi ko siya. Pareho naming ginawa ito, ah! Sa ngalan ng pag-ibig. Or so I hope.

"More than sixteen weeks na. Nalaman ko a few days before you left for Iceland."

"You knew before I left? Why didn't you tell me right away?"

"I was still confused. Nasa stage pa ako ng denial. Bakit ba mukhang galit ka? Ayaw mo ba ng batang ito?"

Hindi siya sumagot. Napatingin lang sa mga kamay na nasa kandungan. He looked troubled. Naalala ko ang sinabi niya noon sa akin na magpa-file siya ng annulment after kong maka-graduate. Para subtle ang transition ng civil status niya sa school. At siyempre kung wala na ako sa campus mas magiging mahina ang tsismis.

Nalungkot ako. But then again, I remembered he said he cared about me na. Katunayan, may sinabi na siya sa akin noong nakaraan. When I asked him if he loved me, he said something in his language. Baka iyon na iyong 'I love you'.

"Ayaw mo ba?" tanong ko. Mahinang-mahina na rin ang tinig.

Umiling siya. Tapos tumingin siya sa akin. At may sumilay na munting ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos, humugot siya nang malalim na hininga. Ano'ng ibig sabihin no'n? Juskolord. Nakaka-praning naman ang bwisit na ito.

"I guess---I was ---shocked. That's all. I didn't expect it at all knowing that you're in the medical field. We are both unsure of ourselves back then. So I thought you had taken some precaution."

Ikaw lang ang unsure. Pisti ka! Karaming pasikot-sikot. Ano ba talaga ang tunay nitong saloobin sa pagbubuntis ko? Ito na nga ang sinasabi ko, eh. Dapat kasi sana tina-timing ito! Si Doktora Fernandez ang may kasalanan nito sampo ng kanyang mga minions!

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now