CHAPTER THIRTY-SEVEN

2.8K 242 46
                                    

Ang balak ko magna-nap lang sana ng around one to two hours, pero nagising ako nang mga alas singko y meda at iyon ay dahil pa sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Ginising ako ni Maurr dahil nakatulogdaw ako ng mahigit apat na oras. Na-disorient pa ako noong una at inakala kong na-late ako ng gising sa klase. Napatili tuloy ako bigla at dali-daling napabangon.

"Shit, Maurr! Masasabon ako ni Professor Cordova! Bakit hindi mo ako ginising? May quiz pa naman kami ngayon!" angil ko sa kanya habang natataranta kong ano ang uunahin. Kukuha ng tuwalya o maghahanda ng damit pampasok sa school?

Tumawa si Maurr. Nilapitan niya ako at tinapik-tapik sa pisngi. "Wake up!" sabi pa.

No'n lang nag-sink in sa akin na wala na nga pala akong klase dahil graduate na ako. Napatili na naman ako. This time it was because I was so relieved.

"You're crazy, Eula. You better eat now. Maybe, that's the problem."

Hinila niya ako palabas ng silid. Hindi na ako nakahagilap ng tsinelas dahil minadali niya ako. Pagdating ko ng kusina con dining room namin, nakahanda na roon ang lunch at early dinner ko. May niluto siyang creamy chicken carbonara with hot crab and corn soup. Amoy pa lang nila ginutom na ako. Naupo agad ako sa isang high chair doon at nilantakan na ang sabaw. As usual, hindi ko na naman siya nahintay. Para pala sana sa aming dalawa iyon. Kahit na halos naubos ko na ang sopas bago pa siya makaupo, hindi na siya nagreklamo pa.

"Maybe I should brace myself for another girl that eats like you," komento nito habang kumukutsara ng sopas. Nakadalawang sandok pa lang siya niyon dahil kada kuha hinihipan pa. Mainit daw kasi. Kung kaya sa pangatlo niyang pag-kutsara sa sopas, halos ay sinimot na lang ang natira sa gilid ng mangkok.

"Pasensya na. I'm not eating for myself alone," pangangatwiran ko. At least now, masasabi ko na iyon nang walang pangamba. It felt good to be liberated from hiding a secret.

"How can you even eat that fast when it's hot?"

"Hot? Hindi naman masyado. Ang arte mo lang," sabi ko.

Bago ko pa malantakan ang isang malaking palanggana ng carbonara, hinati na niya ito. Natawa ako. Naniguro na si Koya. But then, I appreciate his consideration. Mas lamang ang share ko.

Halos mauubos ko na ang akin nang bigla kong naalala na hindi pa namin pala napag-usapan ang tungkol sa pangalan ni baby.

"Oh, I forgot!" halos ay naitili ko pa. Ganoon kasi ang dating sa akin ng realization. Biglaan.

Nabitawan niya ang tinidor sa gulat at nahulog ito sa sahig. Napabungisngis ako.

"Pambihira ka naman. Sobra kang magugulatin, hindi ka nga masyadong nagkakape."

Ano raw ba ang bigla kong naalala? Nadi-disorient na naman ba ako?

Hindi muna ako nakasagot. Binalikan ko pa muna kasi sa aking imahinasyon ang nakaraan namin kung saan pinag-usapan ang pagpapangalan sa bata. At that time, ni hindi ko seryosong naisip na magkatotoo ngang maging nanay ako ng anak niya. Parang suntok lang sa buwan kasi iyon noon.

"What is that smile for?" nagugulumihanan niyang tanong.

"Wala pang name si baby," sabi ko.

Napa-sigh of relief siya. "I thought somebody died or was in coma. Thank God, it's neither."

"Seriously. Hindi mo ba naisip kung ano ang ipapangalan kay baby?"

"I just knew about her, so what do you expect?"

Napatakip ako ng kamay sa bunganga habang napapabungisngis. May naalala na naman kasi ako. He looked at me again and shook his head.

**********

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now