CHAPTER TWENTY

3.4K 242 30
                                    

Hindi ko alam kung paano kami nakapagpigil ng aking asawa nang bisitahin niya ako sa sarili kong condo. Gusto ko na talaga siyang gahasain. Palagay ko ay nagpipigil lang din siya. Ramdam ko kaya ang pagtusuk-tusok ng kanyang alaga sa tiyan ko. Kaso nga lang nang tahasan kong idiin doon ang pusod ay umatras siya agad na para bagang napaso. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at sinabing nakikisimpatiya siya sa akin. Hwag daw akong mag-atubiling humingi sa kanya ng tulong kung kinakailangan. After saying that he left my condo.

"Pota!" sigaw ko naman sa kawalan nang wala na siya.

Ang init ng ulo ko ay sing init ng katawan na napukaw ni Maur at hindi binigyang pansin. Ano ba ang problema niya? Kasal naman kami kahit na sa pangalan lang. At willing victim ako! Willing victim! Susko! Dilig na dilig na ako! Grrrrr!

Tumakbo agad ako sa ibabaw ng mesa nang makita kong nag-vibrate ang phone. Nanginginig pa ang kamay na sinagot ko ito sa bedroom voice ko. Ganoon na lamang ang dismaya ko nang marinig ang tawa ni Felina. Kung kaharap ko siguro si Taba ay nasapok ko na siya. Hindi na nga ako dinamayan kagabi'y heto't tila pag-iinitin pa ang ulo ko.

"Mukhang may expected call tayo, ah," komento nito sabay hagikhik uli.

"Tigil-tigilan mo ako, ha? Mainit ang ulo ko. Ikaw lang ang hindi nagpakita rito kahapon!"

Nagbago agad ang boses ni Taba. I could sense her deep pain when I heard her say in monotonous voice, "Pinal na ang paghihiwalay ng parents ko, Eula. Na-approve na ang annulment nila. And Dad is planning to marry her twenty-year old girlfriend!"

At humagulgol na nga ito sa telepono. Nayanig ang pagkatao ko. Na-guilty din ako sa paraan ng pagsagot ko kanina sa kanya. Hindi ko na tuloy alam kung paano siya i-comfort.

"Hoy, ano ba! Huwag ka ngang ganyan, Felina. Please. At least, your parents are both alive."

"Ha? Namatay na ba ang daddy mo?! Ang sabi sa akin nila Shane at Keri he was just in coma!"

Nilayo ko ang cell phone and frowned at Felina's profile pic on my phone. Saan ba nito napulot ang ganoong conclusion? Hindi pa namamatay ang daddy ko'y pinapatay na niya.

"What I am saying is, at least hindi nag-aagaw-buhay ang dad mo! Nakakainis ka! Baka dinggin ng universe ang mga sinabi mo't tuluyan na si Dad."

Eksaherado itong napabuntong-hininga. "That's good news, Eula. O, siya. I have to go. I just called you up to say I sympathize with you. Sorry kung hindi ako nakarating. Dinamayan ko kasi ang mommy ko. She was just devastated."

"Okay. Ingat ka."

Unlike before na naghihintayan kami kung sino ang unang mag-off ng call sa messenger, this time hindi pa tapos ang pamamaalam ko'y nag-end call na siya agad.

Hay, Felina. Kainis ka. Hindi bagay sa iyo ang naghihinagpis. Pinapalungkot mo ako!

**********

I took a cold shower when I got home. Grabe kasi ang pakiramdam ko. Nag-init ang buo kong katawan. Kahit nga ngayong nakatapat na sa malamig na tubig ang ano ko'y nakatayo pa ring parang handang sumalakay ng kalaban. I held and caressed it. Suddenly, Ms. Anai---Eula's angelic face came into my head. Ramdam kong pareho kami ng nararamdaman kanina at kung binigyan ko ng pagkakataong ma-express niya iyong kanya ay baka kung saan kami nakarating. Subalit ayaw kong bigyan ng komplikasyon ang relasyon namin. Mahirap na. Ilang buwan na lang naman ang pananatili niya sa Pilipinas. Nakausap na ako ng mommy niya about it. In fact, even I was offered a place to stay in the States. Tutulungan din daw akong maghanap ng trabaho kung gusto kong sundan ang aking asawa. Ngunit wala iyon sa mga plano ko sa buhay. Migrating to America is the last thing I want to do.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon