CHAPTER THIRTY-FOUR

4K 293 75
                                    

Nang maghiwalay na ang mga labi namin, naliyo ako bigla. Mabuti't maagap niya akong naalalayan. Sa kabila ng pagiging balahura ng ugali ko, nakaramdam din ako ng hiya. Biruin mo naglayas pa't lahat tapos sa isang halik niya'y mapapapikit na agad. Nang ma-realize ko kung gaano ako ka rupok, tinulak ko siya palayo. Tapos naglakad ako patungo sa maliit kong silid.

"I thought I have explained myself," pahabol niya.

"It did not change the fact that you extended your stay in Iceland without even telling me. Naiwan akong nakaantabay sa wala! Pinagmukha mo akong tanga!" asik ko sa kanya habang nakahawak sa kurtina na nagse-separate ng tulugan at sala.

"I'm s-sorry but I have my reasons."

Napalingon ako sa kanya na tila slow motion na pag-turn around ng bidang babae para komprontahin ang asawa niyang pinagbibintangan niyang nambababae.

"You have your reasons? Sapat na dahilan ba iyon para pagmukhain mo akong tanga? Habang nagliliwaliw ka sa inyo, ako lang mag-isa sa condo noong Christmas! At nag-iisang muli noong New Year's Eve! Hindi mo man lang ba naisip iyon?"

Pagkasabi ko niyon, natigilan din ako. I sounded like a nagging wife na. Ni hindi pa nga klaro kung kami na nga. We fvcked, we kissed, I've said I love you to him---but he never said the same to me in return. Siguro dahil hanggang doon lang ang halaga ko sa kanya. Isang parausan. Nanlumo ako sa realisasyong iyon. Baka iyon nga ang rason niya. Kung iyon nga, ayaw ko nang marinig pa.

Tumalikod na naman ako para magpunta sana sa maliit kong kuweba. Pero napalingon na naman ako sa kanya nang siya'y magsalitang muli.

"I---I get depressed after we called you up."

"What?! Ganoon ang epekto ko sa iyo? Pinapa-depress kita?"

Nayanig ang buong pagkatao ko sa narinig. Okay lang sana kung sinabi niyang I made him sad. But to say that I made him feel depressed, God! Sa tanang buhay ko hindi ko sukat akalain na darating ang araw na may lalaking magsasabi sa akin na pinapa-depress ko siya. Ano ako pala sa kanya? Isang dementor, ganoon? Isa akong soul-sucking devil?

Masyado akong galit para umiyak. Nanginginig ang buo kong pagkatao. Siya naman gulat na gulat. Tila hindi niya inasahang ganoon ang magiging reaksiyon ko.

"What I meant was---I was so unhappy after we hang up the phone. I felt like ----like going back --- here ---with you. But I had to stay in Reykjavik because my grandma was so sick. She just had her chemo session that time. So her health was fluctuating. One moment she was okay, then she'll suddenly go limp and lifeless."

"Is she okay?" tanong ko agad. Na sinagot niya nang bahagyang pagtango.

Saglit. Nawawala ako sa dapat kong pagtuunan ng pansin. Hindi ako dapat nagpapadala sa distraction. I am sure okay na ang lola niya. Dinig ko naman ay maganda ang healt care system sa kanila kaya siguro nama'y naalagaan siya nang husto. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang problema naming dalawa.

"I missed you terribly!" parang daing ang naging dating no'n sa akin. He seemed to be having a hard time. Hirap na hirap ang tono ng pananalita niya.

Hindi agad ako naka-react doon. Pinoproseso ko pa kasi sa utak ang mga pinagsasabi niya sa akin. Na-miss raw niya ako? Totoo bang sinabi niya iyon? O baka guni-guni ko lamang?

"Ang sinasabi mo ba sa akin----na-miss mo ako?"

Dahan-dahan siyang tumango.

"Na kaya ayaw mong tumawag ay nade-depress ka pagkatapos dahil nami-miss mo ako?"

"Eula, you're being repititive."

"I want to be sure I heard you right!"

"Yes! I missed you terribly!" tila naiinis niyang pagkompirma. "I did not want to call you because I know that when I hear your voice the only thing that I would want to do is go home! Here. With you," dugtong pa pero sa malumanay na tinig na.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now