CHAPTER THREE

4.9K 250 11
                                    

"Pssst!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Keri pala. Nakasilip siya sa maliit na siwang ng pintuan ng klase namin sa Hematology. Napasimangot ako agad.

"Bitch, 'lika nga," anas pa niya. Napasulyap siya sa prof namin na ngayo'y nagsusulat ng kung anu-ano sa whiteboard.

"Isusumbong kita kay, maam," I mouthed. "Pasok ka na!" At sinenyasan ko itong pumasok na ng room gamit ang forefinger ng kanang kamay.

Pinandilatan ako ng bruha. Nang lumingon si Ms. Libra, ang prof namin, bigla niyang isinara ang pinto. Tapos inulan ako ng text. Napakuyom ang mga palad ko nang halos sabay-sabay na napatingin sa akin ang mga kaklase pati na si ma'am dahil sa walang humpay na pagtunog ng notif alert tone ko. Nakalimutan kong i-mute pala ito. Nakakainis!

"Ehem. Sowie po," pa-cute ko kay Ms. Libra.

Pinadausdos niya ang glasses sa gitna ng bridge ng ilong at tinitigan ako nang matiim. Napalunok ako. Medyo kinabahan na.

"I'm sorry, Ms. Libra," pormal kong paghingi ng paumanhin. Napaupo pa ako nang matuwid at napasulat sa notebook. Kunwari ay abala na ako sa pagkokopya ng mga isinulat niya sa whiteboard. Akala ko sisitahin pa niya ako kung kaya't napausal ako nang munting dasal nang naglakad-lakad siya sa gilid ng row namin. Mabuti na lang at nakuha ng isa naming kaklase ang atensyon niya. Nagtanong kasi ito ng kung anu-ano. Nang makita kong nakatalikod na si maam pasimple akong lumabas ng pintuan. Pagkakita ko kay Keri na nakikipaghuntahan sa isa rin naming kaklase na nag-cut class sa may pasilyo ng palapag na iyon, kaagad ko itong kinwelyuhan. Napatili ang bruha. Mabuti na lang at maagap kong natakpan ang malaki niyang bunganga.

"Ano ba? Gusto mo bang tuluyan akong ibagsak ni Ms. Libra? Sumablay na nga ako sa una nating long test ngayon ay gusto mo pang maging markado rin ako sa behavior?"

"I have an important news for you, bitch! Let me go!"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Duda ako sa bruha. For all I know niloloko lang ako ng haliparot just to get away from what she did.

"Ayaw mo bang marinig ang scoop ko kay Sir Maurr?"

Pagkarinig sa pangalan ng professor namin sa Math in the Modern World awtomatikong lumuwag ang pagkakahawak ko sa bandang harapan ng t-shirt niya. I'm all ears. Bawat himaymay ng katawan ko'y handa nang marinig ang balita niya tungkol kay sir.

"Nasa Starbucks kanina sina Sir at Ma'am Suarez sabi ng source ko. Ang dinig ko nagse-celebrate daw sila ng birthday ni Sir Maurr! Grabe, Scorpio si Sir, Bru! Scorpio! That means----," excited nitong balita at sinadya pang ibitin ang gusto niyang sabihin. Sa ibang pagkakataon siguro'y nabatukan ko na siya, pero nang mga oras na iyon mabilis na naglakbay ang diwa ko.

Hindi kaya siya na ang match-made-in-heaven ko? I'm a Taurus for crying out loud, ang pinaka-match ng Scorpio when it comes to sex! Nag-init agad ang mukha ko nang maalala ang mga sinabi noon ng manghuhula sa Recto. Shucks! Baka magkakatotoo na ang sexual fantasies ko this year!

Tawa nang tawa si Keri.

"Oy, nag-orgasm na sa panaginip! Ang aga pa para sa wet dreams!" panunukso pa nito.

Dinaklot ko ang isang dakot niyang curly hair at kunwari'y sinabunutan. Hindi na ako galit. Bagkus, ang gaan-gaan na ng feeling ko. May naisip agad akong ideya. Binulong ko ito kay Keri. Nag-klap-klap na parang timang ang haliparot.

"Ah! That's a brilliant idea! Ang galing-galing mo talaga, bru!"

Nang marinig kong nag-click ang seradura ng pinto sa unahang bahagi ng silid namin pumasok agad ako sa bandang likuran ng classroom. Nasa loob na ako nang bumalik sa classroom si Ms. Libra. Nakahalukipkip na siyang nakatitig ngayon sa akin. Pero dedma. Kerbears 'ika nga. Basta ako excited sa gagawin kong surprise mamaya para kay sir.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now