CHAPTER TWENTY-FOUR

2.9K 256 30
                                    

Si Mommy ang sumundo sa akin sa BWI Marshall o Baltimore/Washington International Thurgood Marshall Airport. Ngunit hindi lang siya ang nandoong naghihintay sa arrival area. May kasama siyang blonde guy na siguro'y mas matanda lang sa akin ng kung ilang taon. Guwapo ito at tipong pang boy next door ang hitsura. Ngumiti nga agad ito sa akin habang yakap-yakap ako ng mom ko.

Habang iniisip ko ang posibilidad ng papel niya sa buhay namin, dumadagundong naman ang puso ko. Parang tatalon na nga iyon mula sa dibdib ko sa lakas ng tahip. Hinihintay ko kasi ano mang oras na sasabihin sa akin ni Mommy bigla na ito na ang pinalit niya kay Dad.

Diyos ko, huwag naman sana! Hindi ko siya mapapatawad kapag nagkataon.

"Mabuti't nakarating ka na rito nang matiwasay. How was you flight?" tanong ni Mom.

"It was okay. Kumusta na po kayo, Mommy? Si Ate?"

"I'm all right and I have Todd here to thank for. He's been a huge help to me and your sister since your dad was hospitalized. Right, Todd?"

Todd? As in tadpole?

Hindi na ako makahinga. Parang pinipre-empt na ako ni Mommy, ah. Nabasa siguro ang mga katanungan sa isipan ko.

"You must be Eula," bati sa akin ni Tadpole and he shook my hand while smiling widely. Ako nama'y parang tanga lang na tatangu-tango.

The last thing I want to do at that very moment was to socialize with another blond guy. Ang puso ko ay durog na durog pa sa klase ng sagot sa akin ni Maurr nang sabihan ko siyang , 'I love you'. Kumbaga ay nagluluksa pa ito at nagdurusa sa blonde guy na iniwan ko sa Pilipinas!

"Estimahin mong mabuti iyan," pasimpleng bulong sa akin ni Mom habang naglalakad kami patungo sa parking lot ng airport. "Malaki ang utang na loob natin diyan."

"Ha? Eh sino nga ba ito talaga?" tanong ko. Nayayamot na ako. Hindi ko na maitatago iyon sa boses ko.

"Ang future hsuband mo!" Mom hissed through gritted teeth.

"What?!" Halos ay isigaw ko na iyon sa kanya.

Si Tadpole ay nabigla. Natigil ito sa paglalakad at napa-'what' din. Sa akin siya nakatingin tapos ay napasulyap kay Mommy.

Halos lumuwa na ang mga mata ni Mom sa pandidilat sa akin nang hindi napapansin ni Tadpole. Binabalaan niya akong huwag mag-inarte dahil kung hindi'y kukutusan niya ako kahit nandoon pa ang Todd na iyon. Ako nama'y lalong nagalit sa kanya lalo pa't hindi pa siya nagpapaliwanag kung sino nga ang lalaking iyon sa buhay niya! Hindi ako naniniwala na siya ang future husband ko. Paano mangyayari iyon kung mayroon na akong asawang naghihitay sa Pilipinas. Aware naman siya roon dahil siya pa nga ang may pakana niyon.

"Tumahimik ka. Saka na lang tayo mag-usap tungkol dito," anas niya sa akin. "It was nothing, Todd. My daughter is just a little melodramatic."

Hindi naman nag-usisa pa si Todd.

**********

"Huh!" naibulalas ko sabay bangon.

Napasabunot ako sa buhok nang ma-realize na panaginip lang pala iyon. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Sobra akong natakot sa panaginip na iyon. Nakita ko kasing nahulog daw sa bangin ang minamanehong sasakyan ni Eula. Tapos sumalpok pa raw ang ulo niya sa windshield kung kaya duguan siya nang humandusay sa mga bisig ko.

Tiningnan ko ang oras sa cell phone na nasa bedside table ko. It was already half an hour past one o'clock in the morning. Ang alam ko ala una y medya na nang hapon doon. Baka nagda-drive nga si Eula somewhere. Napababa ako ng kama nang wala sa oras. Tatakbo na sana ako sa living room para tawagan ang numero ng bahay ng mom niya through my home phone nang maalala na mas convenient kung sa messenger ko siya tawagan.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now