CHAPTER SEVENTEEN

3K 219 32
                                    

"Kailangan ba nating aralin ang lahat ng artikulong ito?" tanong ko kay Keri. Buhat-buhat ang sandamakmak na pina-photocopy naming readings sa Math in the Modern World. No'n ko napatunayan na malakas at matibay ang mga braso ko. Nakaya nitong i-balance ang halos limang kilong artikulo tungkol sa kung anek-anek ng mga mathematicians.

"Iyan ang mga na-discuss nating articles. For sure, diyan magbe-base ang asawa mo ng exam questions niya sa atin."

Ngumisi pa si Keri pagkabanggit ng salitang asawa. Ako nama'y napatirik ng mga mata. It was cute when it was new but now? Naiinis na ako! Walang saysay ang kasal namin! Hanggang ngayon waley pa ring improvement sa relationship namin. And it has been almost three weeks since that damned wedding!

"Tanungin mo kaya kung ano ang i-exam natin? Lambingin mo!" suhestyon pa ng bruha.

"Ngek! Iyon pa? Tsaka nitong huling dalawang linggo ay minsan na lang siya natutulog sa condo."

Nagulat si Keri. Hindi ko kasi sinabi sa kanila iyon. Ngayon ko nga lang naharap pati sa sarili ko na may pagbabago kay Sir Maurr. Minsan nga naisip ko ring bumalik na sa sarili kong condo. Kaso nga lang ang sabi ni Mom kung hindi ko paninindigan ang kabaliwan ko sa hudyong iyon ay ika-cut na niya nang tuluyan ang allowance ko. Bahala na raw ako sa buhay ko total daw ay matanda na ako. Katunayan, kung hindi ako nagbulakbol ay graduate na sana ako. Magtu-twenty three na ako pero nag-aaral pa rin. Haay.

"For real? Ibig bang sabihin niyan ay ni hindi kayo nakakapag-pulot-gata?"

Pinangunutan ko siya ng noo. "At ano naman iyon?"

"Tange! Honeymoon!" At humalakhak ito.

Napabuga ako ng hangin.

"Ay. Hindi pa nadidiligan ang lola." At lalong tumawa ang bruha. Binigay ko lahat sa kanya ang photocopies namin. Inunahan ko na siya paalis ng Science Building kung saan kami nagpakopya ng mga dapat aralin para sa finals.

Patuloy ko sanang pahahabulin ang haliparot na Keri nang mamataan ko sa hindi kalayuan si Sir Maurr. May kasama siyang babae na naka-dark sunglasses din. Nang ilang dipa na lang ang layo nila sa kinatatayuan ko, saka ko namukhaan si Ms. Mary. Hindi man sila naka-holding hands o magkaakbay, ang lapit-lapit naman nila sa isa't isa. Noon ko lang nakita si Sir Maurr na tumatawa nang malakas.

"Uh-oh." Si Keri. Binagsak muna nito ang mga photocopies namin sa isang bench sa lilim ng puno na paharap ng Science Building saka nilapitan ako ulit at pinanood namin sina Sir Maurr at Ms. Mary na palabas ng gate. Parang may kumudlit na pait sa puso ko.

"Ano sa tingin mo? Nilalandi na naman ba niya si Sir Maurr?" pabulong na tanong ko kay Keri.

"Iyan ang bali-balita," walang kagatul-gatol naman nitong sagot. "Hayan na pala si Felina. Tanungin natin si Taba. For sure mas may alam iyan. Tsismosa iyan eh!"

**********

Padalas nang padalas na ang masidhi kong pangangailangang pisikal. Dati-rati ay kaya itong punan ng mga pini-fling-fling kong friends with benefits na kalahi ko ring Icelandic na nasa Manila. But these days, wala na silang appeal sa akin. Mary was trying to insinuate that she doesn't mind being one of them, but I do not feel that way about her. Ni hindi ako natu-turn on sa hantaran niyang pagpapakita ng cleavage o mid-thigh. There is someone I have always dreamt of sleeping with. Pero ayaw kong ma-involve sa babaeng iyon. Uubusin niya ang pasensya ko sa araw-araw. It is better to stay away far from her.

"Ugh!" napadapa na naman ako sa kama. Namimilipit. Dinukot ko ang ano ko at nagngangalit na naman. And it was because I heard her in the bathroom singing her heart out. It was Alanis Morrisette's Ironic.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now