CHAPTER SEVEN

3.7K 206 16
                                    

A/N:  The complete copy of this book is available on Google Play. Just search for Gretisbored on Google Play or this link:  https://books.google.com.ph/books/about?id=4akHEAAAQBAJ&redir_esc=y&hl=en  Sa mga gustong per chapter lang, this is available on Dreame under the username: Gret San Diego.

**********

Magulo ang classroom namin sa Math in the Modern World nang dumating ako. May nag-eensayo ng sayaw. May naggigitara at kantahan. May nagtsi-tsismisan. Siyempre, ka-grupo ko ang maiingay sa lahat. Sila ang mga tsismosang sinasabi ko. Nang makita nila akong pumasoksabay-sabay silang nagtilian ng, "Yolanda!"

"Kumusta ang ting***? I mean ang meeting n'yo?" sunud-sunod na tanong ni Keri, may himig pagbibiro. Nakangisi pa ang talipandas. Pinektos ko ang kukote niya nang makalapit ako.Napahiyaw siya sa sakit. Sinimangutan ko. Alam ko kasing mas lamang ang pag-iinarte niya kaysa sa katotohanan.

"Ang dinig namin, kasama si Prof Maurr sa committee! Tama ba? Kasama siya?" may kilig sa tinig ni Shane. Na sinulsulan pa ng dalawang freshies na nakikianib din sa amin. Pinamaywangan ko sila at nagparinig na rin sa buong klase. Alam kong kunwari lang sila busy sa kung anek-anek nilang ginagawa pero ang kalahati ng pakialamera't pakialamero nilang tainga ay nakikinig at nakikiramdam sa grupo namin.

"Oo, kasama siya," sagot ko sa kunwari'y kaswal na boses lang.

Nagtilian lalo ang mga barkada ko. Daig pa ang kinakalikot ang mga singit.

"O, ano'ng sabi ni Sir Maurr, Eula?" sabat ng isa sa mga kaklase naming freshman.Tinigil pa talaga ang paggigitara. Tsismoso rin ang tsunggong ito.

"Ang sabi niya halatang hindi ako ang nasa picture dahil di hamak na seksi raw ako at makinis!" pagsisinungaling ko. "May kutob na raw sila kung sino ang gumawa nito sa akin. Humanda raw ang pota dahil tiyak na expelled siya kung sakali," dagdag ko pa kahit malayo iyon sa katotohanan. Nang sinabi ko iyon hindi ko inasahan na may mag-react.

"Naku, Eula! Baka mambintang lang sila sa kung sino-sino riyan, ha? Dapat fair sila!"

Nilingon ko ang nagsalita. Isa siya sa mga pambato ng school sa Cheer Dance competition. Senior student din siya at irregular na katulad ko. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"May alam ka ba, Vivi?" tanong ko agad sa kanya. Pinanliitan ko na siya ng mga mata. Ibig sabihin ay dudang-duda na ako sa kanya. Pinaligiran siya ng apat kong ka-grupo.

"Hoy, ano ba kayo!" At nagpadyak pa sa inis si Vivi. Halata na ang takot sa kanyang mukha.

Iba na ang kutob ko kung kaya nilapitan ko ang haliparot. Inikotan ko siya habang nakahalukipkip. Dahil maliit lang naman si Vivi, siguro'y mga five feet two and a half, kung titingnan kami siguro'y para kaming pusa't daga. Mahigit limang pulgada kasi ang tinangkad ko sa kanya. Ang payat pa naman niya.

"Magsabi ka nang totoo, bruha ka!" utos ko sa makapangyarihang boses. Para may dating, mahina lamang ang tinig ko. Mata ko lang ang nag-aapoy sa galit.

Namutla si Vivi. Napatingin ito sa paligid. From the corner of my eye, nakita kong nakapaikot na rin sa amin ang apat kong kabarkada. Matatalim na rin ang tingin nila kay Vivi.

Ganoon ang eksenang nadatnan ni Prof. Mahaba ang Pangalan. Pinangunutan niya kami ng noo at sa malakas na tinig ay pinaupo sa assigned seats namin. Ako ang pinakahuling tumalima. Kinailangan pa niyang tawagin ang pangalan ko bago ako maupo.

"Sir, she's trying to bully me!" mangiyak-ngiyak na sumbong sa kanya ni Vivi. "Eula and her friends are trying to bully me, sir!"

"Huwag kang ano, pokpok!" naibulalas ko. Napatakip ako ng bunganga nang ma-realize na naisatinig ko ang kanina ko pa gustong sabihin sa kanya. Mukha naman talaga siyang pokpok, eh.Naka-corporate attire siya gaya ng uniporme ng department nila. Taga-Business kasi. Pero ang skirt na isinuot ay halos apat na pulgada ang tinaas mula sa tuhod. Naisip ko nga, paano ito nakalusot sa guwardiya? Baka may pinahimas.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now