CHAPTER TWENTY-THREE

3.2K 240 31
                                    

Basing-basa na ang t-shirt ni Maurr sa bandang balikat dahil sa pagtangis ko. Naghalu-halo na yata ang sipon ko't luha roon. Bandang-huli ay kusa rin akong tumahan.

"Wow. Wala na si Daddy. Ni hindi ko man lang siya nayakap sa huling pagkakataon," sabi ko sa mahinang tinig. Parang sa sarili lang nakikipag-usap.

Maurr held my hand and squeezed it. Napatingin ako roon. Then, I looked at him. Titig na titig siya sa akin. His blue eyes were a mirror of my sadness. Wala siyang sinabi, pero dama ko rin ang kanyang pakikiramay.

Nang tumunog ang phone sa tabi namin nagkatitigan uli kami. Ang tibok ng puso ko'y biglang bumilis. Natakot akong sagutin iyon. Katunayan tiningnan ko pa siya para ipahiwatig sa kanya na siya na ang dumampot sa cordless phone. I had to curl my legs on the sofa para bigyan siya ng espasyo dahil kailangan niya akong daanan para madampot ang telepono. Nang kinakausap na niya ang kabilang linya, nilapit ko rin ang tainga sa likuran niya. He glanced at my direction once and continued talking with someone on the other line. The, he just handed me the phone. Mommy ko raw.

"No! I don't want to talk with Mom."

Nag-panic ako. Ilang beses akong napailing-iling. Basta ayaw ko lang siyang kausapin. I do not want her to confirm the bad news to me. At least, habang hindi ko pa naririnig mula sa kanya iyon, I can pretend it was just a prank.

"Yolanda." Parang nagbabala ang tinig ni Maurr. "Talk to your mom now, will you?" At basta na lang niyang nilagay sa kamay ko ang telepono. Gusto kong ihagis sana sa pagmumukha niya iyon, but decency got the better of me.

"Hi, Mommy," panimula ko sa kalmadong tinig. Wala akong narinig na sagot. Inakala kong binaba na ni Mom ang telepono kaya medyo napapitlag ako nang sa wakas ay marinig ko ang boses niya.

"Your father's gone, Eula. I was---I was going to tell you when you were in school today but---I couldn't bring myself to tell you right away. I know how much you love your dad, baby, but you need to accept it. He's gone, sweetie." At pumiyok na ang tinig ni Mom. No'n ko lang narinig ang ganoong side niya. Nakakapanibago. First time ko ring maringgan siyang tinatawag niya akong baby at sweetie since kindergarten. Palagi na lang kasi ako nitong binubulyawan. Na-touched tuloy ako at nag-iyakan kami sa telepono.

"Your sister and I thought---kaysa dalhin namin diyan ang bangkay ng Dad mo dito na lang namin siya ipapalibing. Total naman nandito lahat ng mga malalapit niyang kamag-anak. Tsaka soon all of us will live here. Mas mainam nang nandito siya with us."

"No! I want Daddy to come home!"

"Bakit? May pera ka?" sagot ng Ate ko. Inagaw na pala kay Mommy ang phone.

Kung hindi lang nakatingin si Maurr, mumurahin ko sana ang maldita. Ang kapal ng mukha niya! Pagkatapos niyang ipagbili nang ganu'n-gano'n lang ang condo ko may kapal pa ng mukha magsabi n'yon sa akin. Bruha talaga siya!

"Filipino si Daddy. Ang lahat ng Filipino ay gustong mahimlay nang tuluyan sa kanilang sariling bayan. Knowing Dad he's no different," sagot ko na lang sa kanya sa mahinahong boses. "Nasaan ang pusong Pinoy mo?" sabi ko pa.

Tumawa nang mapakla ang bruhang Emelita. "Kung magsalita ka akala mo naman kung sino kang makabayan. Mahiya ka nga sa sarili mo. Sino ba sa atin ang nanlandi ng foreigner?"

"Hindi foreigner si Maurr! Half-Filipino siya!" nasabi ko nang malakas.

Napatingin sa akin si Maurr. Nangunot ang kanyang noo. Tinuro ko ang telepono at sinenyas dito na kausap ko ang bruha kong ate. Hindi naman siya nagsalita.

"Yeah? Hindi foreigner? Who are you trying to fool, Yolanda?"

Bago pa ako makasagot ay narinig ko nang muli ang boses ni Mommy. Nagbigay siya sa akin ng instruction kung ano ang gagawin. Gusto nitong pumunta na ako ng Amerika sa lalong madaling panahon dahil kailangan din daw ilibing ang ama ko agad-agad nang makabalik na silang lahat sa trabaho. Nasaktan ako na tila bagang istorbo lang sa mga career nila ang tingin nila sa ama ko. Ganunpaman, wala naman akong magawa. Tumahimik na lamang ako.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon