CHAPTER NINETEEN

3.1K 230 23
                                    

Habang titig na titig sa akin si Sir Maurr na tila ubos na ubos na ang pasensya nakaramdam din ako ng hiya. Napaupo ako nang nakataas ang mga tuhod at niyayakap ito. Patinga-tingala ako sa kanya paminsan-minsan. At napalunok ako nang ilang beses nang makitang hindi pa rin niya itinataas ang kanyang jogging pants. Sa pagtingala ko for the nth time nanlaki ang aking mga mata. Nasaksihan ko kasi ang dahan-dahang paglaki ng bukol sa kanyang harapan. As in!

"Ay! Maurr! You are growing inside!" naitili ko. Huli na nang ma-realize kong naisigaw ko agad ang kung ano ang laman ng utak ko.

"You're a medical technology student. I think you are aware of things men need. Or are you just trying to pretend you don't know?"

Hindi agad ako nakasagot. Ang atensyon ko kasi ay sa malaking bukol sa kanyang harapan. Hindi mapuknat-puknat ang mga titig ko roon lalo pa't parang naaninag ko na ang ulo no'n sa tindi ng pagtulak sa tela.

"Are you always creepy like this?" tanong niya sa akin sa mahinang-mahinang tinig. Tapos ay nakita kong dahan-dahan nitong itinaas ang jogging pants. "You're a weirdo, too."

"Eh, na-shock ako sa paglaki, eh!"

"Stop pretending like you didn't see one before because I wouldn't believe you. You are the talk of every boys in school. I also knew how you and that basketball player ---"

"What? Talk of the boys? And the basketball player? Si Drae ba ang tinutukoy mo?"

Nakapamaywang na sa akin ngayon si Sir Maurr. Nag-subside ang galit niya, pero hindi pa rin naman natutuwa sa akin. Pinangatawanan niya ang mga sinabi. Marami nga raw siyang naririnig sa mga kalalakihang estudyante niya patungkol sa kung gaano ako ka-liberated. Idagdag pa raw doon ang kumakalat na tsismis na ka-momol ko si Drae.

"Momol?!" naitili ko na naman sabay tayo. Gulat na gulat ako. Palagay ko ay dinig na dinig sa kabilang unit ang mga sigaw ko. Paanong hindi ako magngangangawa? Nakakagulat ang mga rebelasyon niya. "Hindi ka rin naman mahilig sa tsismis, ano? Kalalaki mong tao! Ano ba iyan, Maurr? Baka nagkukunwari ka lang lalaki, iyon pala'y isa kang paminta!"

He tilted his head and kind of frowned. He seemed to be thinking about something. Tapos nagtanong kung paano nasangkot sa usapan ang black pepper. Ano raw ang kinalaman no'n? Isa na naman bang kabaliwan ko iyon?

Nakahanap ako ng oportunidad para rumesbak sa kanya.

"My God, Maurr Reidar Ricci Halverson, Ph.D. You're a Doctor of Philosopy major in Mathematics but you do not understand 'paminta'? Shame on you, my boy!"

Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay. "I am NOT your boy," sabi niya sa mahina at naiinis na tinig. "And FYI, I only seek to know information that would enhance my knowledge about things that are worth knowing, so if I do not know the connection of that condiment to what we are discussing that simply means it is not worth my time."

"Hambog! Sige, I'm going to do you a favor. I will school you!" Saglit. Tama ba iyong gamit ko ng school doon? Heh! Bahala na!

Lalo niya akong tinitigan nang matiim. Ang asul niyang mga mata ay kakulay na ng dagat kung may nagbabadyang bagyo. Ramdam ko pa ang pagyeyelo ng kanyang paningin. Pero hindi rin naman nagsalita. Sinamantala ko na iyon para makapagratatat.

"Total naman kahit galugarin mo ang Google o mga librong mayroon ka, hinding-hindi mo makikita ang meaning ng paminta! Okay, makinig ka. Ang paminta ay katulad mo. Tsismoso ka kasi. Kaya palagay ko pretending ka lang na anak ni Adan. Pero ang totoo'y isa kang Eba na nagkukubli sa katawang lalaki! FYI, that's paminta!"

Ang totoo niyan ni kapiranggot na pagdududa sa pagkalalaki niya ay wala ako. Pero gusto ko lang gumanti. Ang sakit niya kasing magsalita.

"You think I'm gay?" napapantastikuhang tanong niya. He sounded incredulous. And appalled.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon