CHAPTER THIRTY

3.1K 261 37
                                    

Damang-dama ko ang masuyong haplos ni Maurr sa buhok ko pati na rin ang pagdampi ng mainit niyang mga labi sa aking buhok. Ngunit bakit walang 'I love you'?

Kumalas ako sa mahigpit niyang yakap at tinanong siya nang deretsahan. "Mahal mo rin ba ako, Maurr?" buong tapang kong tanong.

Imbes na sagutin ako'y bumaba ang kanyang mukha at ginawaran ako ng mainit na halik sa mga labi. Hindi ko napigilan ang sarili. Napapikit ako agad sabay kapit sa kanyang batok. Nang lumalim ang halik at maramdaman ko ang isa niyang kamay sa aking pang-upo, impit akong napadaing. Kailangan ko pang ipunin ang lahat ng lakas para maitulak siya palayo sa akin at nang marinig ko rin sa kanyang mga labi ang kasagutan sa matagal nang nagpapagulo sa utak ko. Inulit ko ang tanong sa kanya.

He stared at me for like an eternity. It was killing me!

"Do I need to answer that now?"

"Yes! Of course! Gusto kong malaman kung mahal mo rin ako once and for all."

Napakagat siya sa lower lip niya. "H-hindi ko a-alam."

Nagpanting ang tainga ko. "Paanong hindi mo alam? Imposible iyan, Maurr! Yes or no lang ang kailangan kong marinig sa iyo!"

"I'm not sure."

"Punyeta ka!" At sinuntok ko ang kanyang dibdib. Sinalo niya naman ang mga suntok ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"I'm not sure, okay? But when you were gone, I also missed you! I ---thought about you often. I looked for your presence in places where we had memories. I think about you before I sleep. If that means I love you, then maybe I do."

Napatanga ako sa mga sinabi niya. Na-miss daw niya ako? Hinahanap sa mga lugar na napuntahan namin? Iniisip bago matulog? Ganoon din naman ako! Pero kailangan ko pa ring marinig ang mga katagang, 'I love you'. Importante iyon!

"Bakit napakahirap sa inyong mga lalaki ang magsabi ng 'I love you'? If that is what you feel towards me dapat sinasabi mo iyan sa akin. Ano ang kinatatakot mo?"

"I do not want to make a mistake. I will only utter those words to the woman I am sure I truly love."

Napamaang ako. Para akong sinampal sa narinig. Ibig sabihin, sa kabila ng mga sinabi niya na parang nagpapatunay na mahal niya rin ako, may posibilidad pang hindi tunay ang nararamdaman niya. Ganoon ba iyon?

"Does that mean that what you feel for me is not love?"

"I didn't say that."

Napailing-iling ako. Sobrang disappointed. And to think umuwi ako ng Pilipinas para sa kanya. Punyeta talaga, oo!

"Sinuway ko sina Mommy dahil sa pag-aakalang mayroon tayong future, Maurr. Bakit ka ganyan? Pinapaasa mo lang ba ako, ha?"

Umiling din siya. "No, Eula. My touch, my kisses---they're real. They reflect what I feel for you."

"Pero hindi mo ako mahal?" bato ko sa kanya. High-pitch na ang boses ko.

Hindi siya sumagot. "Your touch and your kisses are real and they reflect what you feel for me," ulit ko. "Ang ibig bang sabihin niyan ay you're just lusting after me?"

Hindi na naman siya sumagot. Nang sa wakas mahanap niya ang kanyang dila, nainis pa rin ako sa sagot niya. Hindi raw siya sigurado! Bwisit! Inuwian ko sa Pilipinas ang isang hindi pala sigurado. Gusto kong maglupasay sa frustration. Ang dami kong sinayang na pagkakataon sa isang bagay na wala naman palang patutunguhan.

"Eula," tawag niya nang halos ay magwawala na ako roon.

"Do not come near me! Do not even think of hugging me! At kalimutan mo na ang pagsama ko sa iyo sa Iceland! Hindi na ako interesado!"

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon