CHAPTER FOUR

4.5K 238 35
                                    

"Akyat na!" utos ko kina Keri at Shayne. Nag-atubili pa kasi ang dalawa. Diring-diri sila sa upuan ng dyip na pinara ko para sakyan namin papunta sa simbahan ng Quiapo. Bukod kasi sa may malaking punit ang upholstery ng upuan, kalawangin pa ang metal na nasa gilid nito. Iyong nasasagi ng binti kapag naupo.

"Eula, hindi pa ako nakapagpa-anti-tetanus vaccine. Nitong Linggo pa lang pag-uwi ni Mommy galing Japan," bulong sa akin ni Shayne.

"Ano ka ba? Buti kung ingungudngud mo sa kalawanging bakal ang puke mo. Hindi naman, eh!" Inunahan ko na ang dalawa. Pagka-akyat ko sa dyip sumunod naman sila. Pinagtinginan kami ng dalawang ale na may dala-dalang basket ng gulay. Nagagandahan siguro sa amin. I smiled at them. Nagbulongan sila. Ni hindi man lang nag-smile back.

"Stop smiling at strangers, Yolanda!" kalabit sa akin ni Keri. Nag-abot ito ng limang daang piso sa driver. Nakita kong napatitig sa salamin sa harapan niya ang mama. Sinalubong ang mga mata ni Keri at sinabihan ang kaibigan kong wala siyang panukli. Mukhang aburido si Manong.

"How much ho ba papuntang Quiapo, Kuya?" sabat ni Shayne sa unahan ko.

"Otso estudyante," pakli nito.

"Otso lang?!" gulat na gulat kami. We were expecting kasi na tag-singkwenta kada isa sa amin. Dinig kasi namin tumaas na naman ang gasolina eh. Hindi kasi kami nagko-commute. Katunayan, ngayon pa lang. Na-dare lang kami ni Tabachoy kung kaya naisipan naming mag-dyip. Kadalasan, kung hindi kami hinahatid ng sari-sarili naming driver ay nag-ga-grab kaming tatlo. Kaso nga lang kanina, dahil na rin sa sulsol ni Taba, nagdesisyon kaming mag-dyip. Penitensya namin, gano'n. Thankful kasi kami na nabigyan ako ng pangalawang buhay kanina sa Yellow Cab. Courtesy of Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Napangiti ako nang maalala ko siya. At napahagalpak ako ng tawa nang sumagi sa isipan ko si Ms. Suarez na nasapol sa tungki ng ilong ng niluwa kong chunk ng manok na puno ng laway.

"Baliw ka ba? Tatawa ka na lang bigla nang walang rason?" anas sa akin ni Keri.

"Just remembered something funny," nakangisi kong sagot. Dedma na ang mapanuring tingin ng mga kasamahan namin sa dyip.

"Ano na? Wala akong barya," sabi ni Keri sa akin.

"Wala rin ako. Isang libo ang laman ng wallet ko. No smaller bill," si Shayne naman. Nakatingin pa sa akin. Ang hitad na ito! Nakakainis!

Naghalungkat ako sa Gucci shoulder bag ko nang madedekwat na salapi. I was disappointed. Credit cards ang laman no'n at hindi pera. Kung aabutan ko ng isa sa mga iyon ang mamang driver tiyak na sasapakin na kami n'yon for sure. Manlulumo na sana ako nang makakita ako ng bente pesos na nakaipit sa index cards na sinulatan ko ng notes sa mga klase ko kanina. Nakangiti kong inabot iyon sa masungit na mamang driver.

"Saan ang bente?" walang kabuhay-buhay nitong tanong.

"Nasa kamay n'yo po," pakli ko naman. Nagulat ako nang sinamaan niya ako ng tingin. Sinagot ko lang naman ang tanong niya. Damuhong ito! Pinangunutan pa ako ng noo bago sumagot ng, "Saan ito papunta, Ineng?"

"Ay, sa Quiapo church po. Para po iyan sa dalawang makikinis ang puwet!" sagot ko.

Napangiti ang mga kasamahan namin sa dyip pero hindi ang mamang driver. Bugnutin talaga si Manong! No sense of humor at all!

"Ha? Bakit dalawa lang?" reklamo ni Shayne. Paano ako?

"Bakit? Makinis ba puwet mo?" sagot ko sa kanya.

Inasiman naman ako ni Shayne ng mukha. Naghagikhikan tuloy kaming dalawa ni Keri. Naghalungkat uli ako sa shoulder bag ko. Mayroon doong limang piso. Inabot ko ulit iyon sa driver at sinabing dagdag doon sa inabot kong bente pesos. Tatlo na kamo iyon. Nagbigay ng sukli ang mama. Isang kalawanging piso. Hindi iyon tinanggap ni Shayne. Sa halip ay napa-'ew' pa ang bruha. Diring-diri. Siniko ko ito. Kaarte ng lintek.

THE TILI QUEEN (COMPLETED )Where stories live. Discover now